Misteryosong Samahan at ang Kakaibang Dimension (Part 1)

4.6K 62 7
                                    


Kamusta kayo ulit mga Ka Spookify? Curious ba kayo sa Title ng Kwento na ito? Bago ko simulan ang Kwento ay Humingi ako ng Pahintulot sa isa sa mga Tauhan ng 'Kapunongan' (Samahan ng isang kakaibang relehiyon na ang dasal ay mga Latin). Para maintindihan niyo ang Takbo ng kwentong ito, Hinihiling ko ang malalim na pang unawa niyo at pagrespeto sa maisisiwalat ko sa kwento ko. May specific na lugar na hindi ko na idedetalye, at ang Pangalan ng Samahan ng relihiyon para na rin sa kanilang siguridad. Humihiling ako sa mga Hindi kayang maniwala na Wag mo nalang Basahin Para Hindi ka ma Stress sa kakaisip at mag effort pa ng coment na out of the topic Mahigpit kong sinasabi na Walang pumipilit sayong maniwala ka... At sa mga Solid believer na may Totoong May Diyos at may mga ibang Dimension ang Mundo natin tara at Samahan niyo ako sa kwento na ito.
Nangyari ito nitong Taon lang na ito, Simula kasi nong umuwi na kami ni Partner sa Cagayan de oro, May mga kababalaghan pa rin na mga nangyayari, andun yung c partner mismo ang nakakaramdam mismo ng mga nakakakilabot na experience pero hindi niya nakikita. Mga kaluluwang naghihingi lang naman ng Tulong at Tinutulongan ko naman kaya hindi na rin nagtatagal ang pangagambala nila sa amin.
[FastForward]
Nagkaroon kami ng Family Reunion na doon sa Davao na held ang venue. Hindi sumama si Partner, kasi may inaapplyan siya na kailangan niyang e follow up. Ako at ang family ko lang ang dumalo doon sa reunion na yun.
Nakipaghalobilo kami sa mga kamag anak na yung araw na yun lang namin nakilala, kwentohan, may programa na nagbigay ng kasiyahan sa lahat. 1pm pagkatapos ng tanghalian, Lumayo muna ako doon sa lugar kasi ang ingay ng music at tumawag pa sa akin si partner. Pagkatapos niyang tumawag, nag sindi ako ng Yosi at isang lalaki ang lumapit sa akin, "couz, bawal mag yosi dito. alam mo bang pinagbabawal ni mayor duterte ang magyosi dito sa davao? sa kung saan saan lang." kamag anak ko na taga davao pero di ko siya kilala. "Pasensiya na, nakasanayan ko kasing mag yosi talaga, pero salamat sa paalala insan.." papatayin ko na sana ang Yosi ng pinigilan niya ako. "Wag mo patayin Couz, doon mo ipagpatuloy sa likod nong building na yun. walang sisita sayo don." sabay turo niya sa katabing abandonadong building na pinagdarausan ng aming Reunion. Kwentohan kami at nagpakilala siya sa akin. "Ako nga Pala Bong, Pasensiya ka na kung nasita kita kanina couz, inunahan ko lang yong gwardiya bago ka pa makita kasi pagmumultahin ka non.." paalala na rin niya sa akin. "Ako nga pala c *******, taga cdo, salamat nga pala sa paalala mo." Sabi ko sa kanya na nag patuloy na ako sa pagyosi. "Gusto mo softdrinks couz? ikukuha kita.." tanong ni Bong sa akin. "Sige insan nauuhaw rin ako.." sagot ko sa kanya na nka ngiti. Pagkaalis niya Bigla akong may nakita na dumaan sa harap ko napakabilis, seconds lang at biglang Nasa gilid ko na si Bong may dalang dalawang softdrinks. "anong sayo dito couz? itong Royal o Sprite?" tanong niya sa akin. "Ah yan na lang Sprite insan." at inabot niya sa akin ito. "Bakit parang napakabilis mo naman nakabalik..?" pagtataka kong tanong sa kanya. "Inaasahan ko na itatanong mo yan sa akin Couz, Gaya ng Maestro na nakasunod sayo lagi, Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Couz, ako ay isang anak ng Maestro.." pagkasabi nito ni Bong sa akin ay biglang nanindig ang mga balahibo ko. "Paano mo nalaman na may Maestrong nakaSunod sa akin..?" agad kong naitanong sa kanya. "Tulad mo nakakakita din ako ng mga hindi nakikita ng pangkarinawang tao. Pero Lamang ang kakayahan ko kaysa sayo, Maestro ang aking ama at may Kapunongan ang mga taong naniniwala sa kanya.." Sabi ni Bong sa akin. "Teka lang, Insan gusto ko lang klarohin. yong ama mo ang sinasamba ng mga Tao?" Na curios ako sa sinabi ni bong. "Parang ganun na nga, Pero Hindi Sila hinikayat ni ama na Sambahin nila ito, Dahil Hindi naman siya diyos. Yong mga tao lang na naniniwala sa kanya ang sumasamba sa kanya, pero ang aking ama ay sumasamba sa diyos. Namatay ang aking ama dahil sa katandaan na walang sakit na dumapo sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi pa naaagnas ang katawan niya..." pagpapaliwanag ni Bong sa akin. "Marami akong katanongan para sayo, pero hindi naman siguro iisa ang Maestro ko at ang ama mo..." tanong ko kay Bong. "Hindi nga, Dahil ang Maestro mo ay kayo lang ng Bayaw mo at ang Nasawi mong Father in law ang Mga Tupa niya." Sagot ni Bong na nakangiti sa akin. Nanlamig ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang tungkol kay buddy at sa ama ni buddy? eh hindi ko naman kasama si buddy. "Paano mo nalaman ang tungkol sa akin at kay bayaw.?" Tanong ko sa kanya na may halong kaba na. "Relax ka lang Couz, Kausap ko kanina ang Maestro mo. Kilala niya ang ama ako. at naikwento niya ang tungkol sa inyo.." Sabi ni bong na tinatapik ako sa balikat. "Gusto mo bang patunayan at tuklasin ang Samahan na sumusunod sa aking ama?" Tanong ni bong naka akbay na sa akin. "Oo ba. interesado akong matoklasan ang mga sinasabi mo insan.." at kumuha ulit ako ng Yosi at sinindihan ko. "Sige pagkatapos ng Reunion natin, Pupunta tayo sa amin Doon sa Cabadbaran. Malapit lang yan sa Butuan city." Sabi ni bong sa akin na nakakatitig at tila ba nagpapakiramdaman kami binabasa ko ang isip niya at ganun din siya. "Napakagaling mo mag tago ng laman ng isip mo Couz, binablanko mo nahalata mong babasahin ko. Magaling yong binasbas ng Maestro mo sayo, Ang nababasa ko na ngayon sa isip mo ay ang Yosi mong hawak napakagaling.." tumatawang pagkakasabi ni Bong sa akin. Ngumiti ako sa sinabi niya Dahil totoo yun, bago niya pa mabasa ang isip ko Nag fucos ako na maipasok sa isip ko ay ang Yosi na hawak ko. Dahil gaya nga ng sinabi niya Lamang ang kakayahan niya sa akin kaya nag iingat ako.
Pagkatapos ng kwentohan at pakiramdaman namin ni Bong ay Bumalik na kami sa Pinagdausan ng aming Family Reunion. Nagtaka pa yong mga kapatid ko at mama ko kung saan daw ako galing sinabi ko lang na Humanap ako ng lugar na pwde akong makapag yosi..
Abangan niyo ang Karugtong nito At Samahan niyo ako na Tutuklasin natin ang Kakaibang Samahan na kinabibilangan ng Pinsan ko. Huwag kayong mag alala Hindi sila kaaway, kakampi sila at sadyang may ibang pamamaraan lang nagbibigay ng malalim na palaisipan sa akin. Salamat at sanay e respeto po natin ang isat isa. God Bless sa ating Lahat...
Silent Rasta  

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon