Hi po. Ako po si Jacq (di totoong pangalan). Share ko lang po to. Sana mapost nyo po to. Wag nyo na lang din po ako sana ipakilala. Silent reader lang po ako. Actually di nga po ko naniniwala sa mga kwentong gaya nito dati until something happened to us. So eto na nga!
April 2014 po ito nangyare. Pupunta ako nun sa legarda for ojt with my flor & Jaz (mga bff ko). So sakay kami tren from cubao. Pag akyat namin sa station sa gateway nakaramdam na ko na parang bigla akong kinabahan and at the same time nalungkot. Ewan ko kung bakit? Di ko rin po talaga alam.
Nung pag akyat namin sa mismong waiting area kakaalis pa lang nung tren. So waiting kami. Maya maya nagulat kami kay jaz kasi bigla syang may pinulot. Sabi ko "Ano yan?" "Wala lang to" sagot nya na nakangiti pa.
Fast forward.
Break time namin sa pinag oojthan namin biglang banat si jaz "Jollibee tayo! Sagot ko!" Kami naman ni flor nagkatinginan nalang. Pero syempre go kami.
Habang kumakaen. Chika chika!
Flor: Oy jajaz may sakit ka no?
Jaz: Papasok ba ko kung may sakit ako?
Flor: Eh bat nanlibre ka? Hahahah.
Tas sinabi nga samin ni jaz na may napulot syang wallet sa lrt station. May laman daw na 6000php tapos picture ng babaeng teenager tas may papel na nakatupi.
Sabi ko "Ano yung nakatuping papel?" Wait tignan ko. Kinuha nya sa wallet yung papel tas inopen nya. Nagulat kami sa nakasulat. "Enjoy your last day!" Pero dinedma namin. Dedma kain kami. Pero nagbiruan na kami na "Hala jaz. Tegi ka na bukas!" Mga normal na biruan ng magkakaibigan.
Fast forward uwian na kami. While on our way home chikahan pa din syempre.
Jhaz: Grabe mga bilat mukang di ako makakapasok bukas.
Flor: Anong arte mo na naman yan? May pera ka lang kaya tinatamad ka eh.
Jaz: Gaga! Para kong lalagnatin.
Ako: Be baka ito na talaga last day mo. Charot!
Jaz: Lul.
Nagkahiwa-hiwalay na kami sa cubao. Si jaz at flor sumakay pa ng jeep. Taga Marikina kasi si flor tas cainta si jaz.
10pm that day. Nagtext sakin si jaz. "Be. Pasabi di ako makakapasok bukas. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Parang may nakasampa sa likod ko. Kaloka!"
Ako dedma na kasi medyo antok na.
The next day pasok na kami ni flor.
Ako: Be. Anyare dun kay jaz. Nilagnat na ata.
Flor: Charot nya lang un may pera eh.
Ako: Gaga. Baka naman masama talaga pakiramdam.
Dedma. Fast forward uwian na.
Flor: Si jaz talagang sinulit yung pera nya, wala talagang paramdam si ate naten.
Ako: Oo nga walang text. Hahahaha.
The next day nagising ako ng maaga 5am. May 2 text messages ako. Pag open ko # lang. So dedma di ko binasa.
Fast forward. Edi nagkita na kami ni flor.
Flor: May nagtext ba sayo na # lang?
Ako: Yup! Bakit sayo din?
Flor: Oo. Anong sabi sayo?
Ako: Di ko pa binabasa eh.
Flor: Check mo nga.
Agad kong kinuha cp ko. Tas binasa ko yung text.
"HI. THIS IS JASMINE'S MOM (Real name ni jaz, jasmine). WALA NA SI JAZ. SHE PASSED AWAY A WHILE AGO AT 4AM. GUSTO KO LANG MALAMAN NYO KASI ALAM KONG BESTFRIEND NYO SYA."
Nanginig talaga ko. So tinawagan namin ung #. A girl answered and yun nga mom nga nya, sinabi nya na wala na si jaz. Not knowing kung anong reason. Then naalala ko ung wallet. Ewan ko. Parang I feel na may involvement yung wallet sa pagkamatay nya. I think may curse or orasyon yung wallet. I don't know if gawa lang ba ng imagination namin kasi parang di naman sya plinano. And as written on the paper nga na "Enjoy your last day" talagang nangingilabot ako until now.
End. Miss youuu jaz!
Jacq
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree