Mga itim na Anghel (Part 4)

866 14 0
                                    


Kumusta Mga Spookify Avid Readers? Heto na Ulit ang Karugtong na Sinusubaybayan niyo...
Bago ko simulan ang Kwento, Pagpasinsyahan niyo kung natagalan akong mag Update mga Kaibigan...
ito na ang Nalalapit na Finale ng Kwento...
Kaya Simulan na natin.
Nong Matapos na namin ang 'Burn Offering' na ritwal para sa paglilinis ng aming sarili o sa aming mga kasalanan na nagawa. Nakilala ko ang Anghel na Reygel An, Siya yong Gumagabay sa akin na Lumaban at Huwag sumuko sa aking matinding Karamdaman.
Hanggang sa isang araw, Habang naka higa lang ako sa isang pahabang upuan na nilagay sa lilim ng puno ng Talisay. Nagpapahangin ako non para makalangahap naman ako ng Presko na hangin, May humawak sa kaliwang balikat ko mula sa likuran ko. "Malalim iniisip mo anak...? Nag aalala ka dahil sa nalalapit mong paglalakbay Tama ba ako?" Napalingon talaga ako sa nagsasalita mula sa likod ko. pamilyar na boses. "Maestro..? Salamat po at nagpakita kayo muli sa akin, kailangan na kailangan ko kayo sa mga panahon na ito..." Napatulo luha ko ng Makita ko ulit ang Lolo Maestro ko para akong Bata na nawalay sa magulang... Tuwa, Lungkot at Pagkasabik ang nararamdaman ko na makita siya ulit. Kaya niyakap ko ang Lolo ko. "Namiss mo talaga ako Anak ko... Matapang ka na Puting Tupa..." Hinahaplos ng Maestro ko ang buhok ko. "Ang haba na ng buhok mo anak, paputulan mo na ito, Ibalik mo yong Dati kong Apo na Maangas tingnan. Napapabayaan mo na Sarili mo..." Nakangiti itong Tinitingnan ako. "Bilib ako sayo apo, Di ako nagkamaling Ikaw ang napili ko sa lahat ng Apo ko na sumunod sa yapak ko, Ang katatagan ng Loob mo ang Nagpaparito sa akin. Sa Gitna ng Panganib at pangangamba na kinakaharap mo ay di mo sinisisi ang Diyos, Bagkus ay tinangap mo ang Kapalaran at mga pasakit na Nararanasan mo kahit nasa dulo ka na ng Kandilang Nakasindi. Alam mo ba na Sinusubokan ka lang apo, kung saan at hanggang kailan ang Pananalig mo sa Ating Diyos Ama. Di mo siya Tinanong kung bakit ikaw pa..., Hindi mo siya Sinisisi.. At Hindi ka Nagalit.... Pinatunayan mo na Ang Isang Puting Tupa ay Tapat sa Kanyang Tagapagbantay na Pastol. Kahit nakagawa ka ng mali dahil sa Sakripisyo mo, Ay Bumawi ka pa rin para maituwid ang Dinaanan mong Baluktot. Hindi ka nagpatinag sa Takot, Hindi mo kinamuhian ang diyos kahit Namimilipit ka na sa sakit. Mas Lalo mo pang Hinigpitan ang Iyong Pananalig at pagkapit, pinaninindigan mo ang Pagiging Kawal mo. Kaya Natutuwa sayo ang Balaan (Sagrado) ama... Kaya inutusan niya akong Bumaba at Tulongan ka para tanggalin ang Sumpa na nasa katawan mo. Pero Anak Mapangahas ang Ipapagawa ko sayo... Malaki ang Tiwala at paniniwala ko sayo na Kakayanin mo to. Poprotectahan kita...
at ng Lahat ng Kasamahan sa Kapunongan. Wag ka ng Malungkot anak, Nandito lang Ako. Natatandaan mo pa ba ang Sinabi ko sayo dati na Ako at kayo, kayo ay ako... Kaya Alam ko lahat ng Nararamdaman mo...Kasama mo ako lagi anak..." Napangiti ako sa sinabi ng Lolo Maestro ko. At Nong sinabi na niya sa akin ang Lunas para matangal ang sumpa sa Katawan ko ay Parang Napanghinaan ako ng Loob.. "Maestro naman bakit ganun ang Lunas nito... wala na bang iba pang paraan bukod sa gagawin ko talaga yan? parang kapareho lang ng ginawa ko dati bago pa ako tablan ng Sumpa na ito... Aaminin ko natatakot ako sa gagawin na yan..." Sabi ko sa Maestro na Napailing at Napatulala na nakatingin sa Buhangin ng Baybayin. "Anak Marami kaming Gagabay sayo, Kaya Gawin mo ito Bago ka pa Bawian ng Buhay ng Mga Itim na Anghel. Lalabanan namin sila Para di sila Magtagumpay sa balak nila sayo... Naka Antabay ang mga Kabalyero ng Puting tupa. Sisiklab ang Digmaan na ito kung Magpupumilit silang Kuhanin ka... Alam na rin ito ng mga Archangel kaya sila ay nagbabantay kung sakaling may makisali na mga Alagad ng Diyablo...
Gagawin ko lahat para sayo anak, Dahil Ayaw ko Na ito ang Dahilan para Maudlot ang Mission mo dito sa Lupa. Kaya napaka Bigat at may mabubuhis na buhay nitong Kinakaharap ng lahat ngayon...
Apo kita at alam kong hindi ito ang Nakasulat sa Libro ng Buhay mo na iyong nilagdaan bago ka pa mamuhay sa Mundo... Mataas pa ang Edad na aabotin mo at may nilagdaan ka doon na ikaw mismo ang pumili non na yan ang araw na magbabalik ka na sa piling ng diyos ama. kaya Labanan mo ito at gawin mo ang Pinapagawa ko sayo..." (May mga Sinabi pa ang lolo maestro ko kaso di kona isisiwalat yun Kasi Pribado na at secreto na yun ng pagkatao ko..) Matapos sabihin ng Maestro ko yun ay Naglaho na naman siya. Tsaka naman pagdating ni Ate Bening. "Pinsan dadating daw ang boung pamilya mo, Nagtx ang mama mo sa akin na may ticket na sila sa Eroplano para Pumunta dito kasama mga kapatid mo.. Grabi pag aalala nila sa kalagayan mo. Sinabi pa niya na gusto ka daw ipa hospital ng mga Kapatid mo. pero dahil alam daw ng mama mo ang nangyayari sayo Sinabi na niya sa mga kapatid mo ang totoong nangyayaring mysteryo na nakabalot sayo. Nong una daw nagalit sila dahil bakit daw di mo sinabi ang tungkol dito. pero nakumbinsi rin sila ng Mama mo..." Napakunot noo nalang ako sa sinabi ni Ate bening. At Iniba ko yong topic kasi ayaw ko pag usapan ang mga tungkol sa mga kapatid ko. "ate bening, naparito ang Lolo ko kanina lang. Sinabi na niya ang Lunas para sa sumpa ko. At Tutulongan daw ako ng Mga kabalyerong Puting Tupa..." Napanganga si Ate bening sa Sinabi ko. "Talaga pinsan? Pangalawang beses na yan na tumulong ang mga Kabalyerong Puting tupa sayo di ba? Napaka sagrado ng Mga Mandirigmang Anghel na yan... Natutuwa akong Malaman yan, Makikita ko na naman sila kung ganun.. Alam na ba nila Bong At Bobet ito?" Nagagalak na tanong ni ate bening sa akin. ang Ngiti niya na parang Maluluha sa ngiti. "Ate kahit di ko naman sabihin sa kanila, Malalaman din nila yun. Ang Lakas kaya makiramdam ng Dalawa mong kapatid. Kahit wala sa Eksena magugulat ka na lang dahil boung detalye malalaman nila." Sagot ko kay Ate Bening..
(FastForward)
8pm... sinumpong na naman ako ng sakit ko habang Ka usap ko si Reygel an. Ang Anghel na Nagpapalakas ng Loob ko na Lumaban lagi sa Karamdaman ko. Bakas sa kanya ang Kalungkutan sa Tuwing Sinusumpong at namimilipit ako ng Sakit ko, Nakita ko pa sa Kanya na Lumuha yong mata niya napapaiyak siya na Naawa sa kalagayan ko. Kaso ayaw ko kaawaan ng anghel na ito. Kaya Pinapakita kong Matatag na ako kahit ang Totoo Iniinda ko na ang Sakit sa ulo ko. lalo na nong Tumutulo ang Dugo sa Ilong ko, At Halos himatayin na ako sa sobrang pamimilipit. Pero laging nandyan si Ate bening din na Tumutulong kapagka ganun na ang Nararamdaman ko.
Nong mahimasmasan ako at bumuti kaunti ang Pakiramdam ko. bigla nalang Nagkakagulo ang Mga kasama kong Puting Tupa sa Labas. May Namataan daw silang mga May dalang ilaw na Parang Flashlight . Kaya Tumayo ako at pumunta sa may pintuan para tingnan ang Mga yun. Nakita ko lang ang Mga Ilaw marami nagkalat sa paligid na nagkukubli sa dilim, Nasa Itaas ng mga Bakawan at ang iba nasa lupa. pero walang makikita na nakahawak sa umi ilaw na parang flashlight. Nakalitaw lang ito, At gumagalaw galaw. "Pinsan wag kang Lumabas.!.. Mga Kalaban na itim ang mga Yan, Sandata nila yang mga umiilaw na nakikita natin.." Sabi ni Kuya bobet. "Si isagani...(kasamahan naming Puting Tupa din) May binili yon sa kabilang bayan at papabalik na yun dito... baka mapahamak yon tulongan natin..mga kapatid tara at sundoin natin...!" sabi ng isang Kasama naming puting tupa din. "Sige lima lang susundo ang iba dito lang, Sumigaw lang kayo kung kailangan niyo ng Tulong... Isoot niyo ang mga Saliko niyo mga Kapatid..! Mag iingat kayo.." Pagpapahintulot ni kuya Bobet sa kasama pa naming mga Puting tupa. Ngunit di pa man sila nakakalayo, May sumigaw na sa di kalayuan.
Si isagani ang sumigaw na yun, Lulusob na sana ang lahat ng Puting tupa ng Hinarang sila ng Makapal na parang Ipo-ipo na may Mga buhangin kaya Napa Atras ang mga kasamahan ko. "Balik !!!Balik !!! sa Loob masyado silang malakas..." Sigaw ni Bong.. "Patibong yan Wag kayo mag pull out lahat...! Sinadya nila to para Magtagumpay sila sa pakay nila sa akin...!" sigaw ko kina kuya bobet at sa iba pa. Kaya nagsibalikan sila sa loob. "Si kapatid na isagani, hindi pa naman niya soot ang saliko niya.. Hindi man lang natin siya natulongan...! Diyos ama Pakingan niyo kaming Mga Tupa mo... Tulongan mo si isagani na kawal mo din na wag Makuha ng mga Itim na kalaban...!" sabi nong Matandang Kasama namin na Puting Tupa din. Lumipas ang Tatlong Oras Nawala yong mga Kalaban na nagkubli sa Dilim at Napagpasyahan ng Ibang Kasamahan na Hanapin si Isagani. At Dalawang oras ang iginugol nila para mahanap ito. Ngunit bigong Mahanap si isagani. Nalungkot ang lahat, At nag alay ng Ritwal na dasal para kay isagani. Sa kalagitnaan ng aming pagdadasal, Binato Ang Bubong na Kinaroroonan namin, Hindi kami huminto at nagpatuloy lang kami. Pero biglang Kumalat ang isang nakakasulasok na amoy... Ang Baho nasusunog na Gulong ang sakit sa ilong pag nalanghap. Kaya nagtakipan kami lahat ng ilong namin, Nasusuka ako at lalo sumakit ang ulo ko kaya napaluhod ako, Inalalayan ako ng mga kasama kong puting tupa para tumayo. Mayamaya pa Lumakas ang Hangin at May sumisigaw...
napakalakas at malaki na Boses.. Latin yong lengwahi... at may pinapaalis ito, Nawala yong masamang amoy at lumitaw sa harapan namin ang Dalawang Lalaki.. isang matandang Ermetanyo at isang naka Cowboy attire...
Ang Lolo Maestro ko at Ang Maestro mismo na Ama nina Kuya bobet. Dalawang Maestro sa iisang gabi lang... Napangiti lahat ng mga Puting Tupa at nagpalakpakan ang mga puting tupa. (Pagpupugay ito na Nagpakita muli ang Mga Kataas taasang Maestro ng Mga Puting Tupa..)
"Ikinalulungkot kong ibalita sa inyo mga Tapat kong Kawal, Na isa sa inyo ay nasawi Bukas sa paglabas ng Araw makikita niyo ang Kasama natin na wala ng Buhay." Sabi ng Maestro na ama nina kuya bobet. Parang Cowboy parin ang dating nito. yong saliko niya tulad ng saliko din namin lahat, Yong Panyo na green nasa Pulso niya nakatali. "Anak Halika dito At May basbas akong Gagawin sayo..." Pinalapit ako ng Maestro sa kinatatayuan nilang dalawa ng Lolo ko na maestro ko din...
Abangan Ang Huling bahagi ng Kwento,
Ang Sinasabi ko mula umpisa nitong Kwento na Mapangahas ay Mangyayari na At Ang Nakakakilabot na Gagawin kong Pagsubok para sa Lunas ng Sumpa ng Mga Itim na Anghel...
Salamat at Nagtyaga kayong Hintayin ang Kwento ko mga Kaibigan..
God bless sa Lahat...
Silent Rasta
PS: Respeto sa Kapwa Tao at Manalig lagi sa Diyos.
Pps: Mag coment lang ng Naayon sa Kwento.  

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon