umusta Spookify Avid Readers... Heto na ang Finale ng Kwento, Pero Bago natin simulan ang Karugtong. Gusto ko lang Pasalamatan ang mga Sumusuporta sa akin at kay Buddy... Sa Hinaba haba na Simula noong Una ko pang Confession, Hanggang Ngayon pinagtyagaan niyo talaga Subaybayan.. Kaya Hindi Na natin to patatagalin At Simulan na Natin... Nalampasan ko ang Pagsubok Na Pinapagawa ni Diwata Necay Sa Akin, Ang Pagsubok na First time at Never ko Enexpect na Magagawa ko ang Nakakasuka Sa tuwing Naaalala ko yun. Ngunit Hindi sinabi ni Diwata Necay Ang Kakambal nitong Panganib na Dadapo sa akin. Isang Karamdamang Hindi ko Dapat Ipagsawalang Bahala dahil Maari kong Ikasawi ito. Sa Madaling Salita Nalalagay Na Ako Sa Banta Ni Kamatayan. Pero Sabi na rin ni Diwata Necay na Malalampasan ko rin ito.. Kung Mag iingat ako At Labanan ang Karamdaman na Kahit anong Oras ay Mararamdaman ko. Kaya Naman pansamantala ko munang Binalewala, Dahil May mas Una Akong Dapat Harapin. Ayokong Mabalewala nalang Ang Paghihirap na Dinanas ko . Kung Hindi Ko magagamit ito kay Rosefel na Siyang NagTulak sa Akin Para Magawa ang Isang Bagay Na Labag sa Batas ng Diyos... Nong PapaUwi na kami Nasalubong Namin ang isang Babae na May Humahabol daw sa kanya na Gusto siyang Gahasain. Bilang Mga Puting Tupa Kailangan namin tulongan Ito Para Mailigtas sa Mga Na Impluwensiyahan Ng Kasamaan. Nakita namin ang Isang Van Na Kulay Pula Walang Plaka. Papalapit sa Amin. "Buddy Tumakas na Kayo Isama mo Yan Doon kayo Dumaan (Itinuro ko ang Daan na Papuntang Sapa, Kaugnay lang Ito ng Papuntang Bukid.) Hintayin Niyo ako Doon, Susunod ako... Sumama Ka Na Diwata Para Alalayan sila." Sabi ko kay Buddy at Diwata. "Hindi Kita eewan bayaw, Kargo konsinsya Kita. Baka Mapaano Ka pa." Pagmamatigas ni Buddy. "Alis na Iligtas mo na yan dali, Wag Ka na Magmatigas Malapit na Sila. Takbo na Kayo... Takbo Na...!!!" Galit kong Sabi sa Kanila. "Sige bayaw... basta Sumunod ka kaagad..." Sagot ni Buddy na Ayaw niya talaga sana akong Iwan. Tumakbo na sila nong Babae papuntang Sapa. Yong Dinaanan nina Buddy ay maraming Tanim na 'Kanipaan' (Ito yong Ginagawang Nipa Para sa Kubo...) Tinahak nila ito kaagad. Si diwata necay Hindi Talaga sumunod, Mas pinili niyang Manatili sa Tabi ko. Nong Huminto ang Pulang Van, Bumukas ang Sliding Na Pintuan nito. At Bumaba Ang Tatlong Tao na Mga Naka Bonet ng Itim. Kaya Hindi ko Makita ang Mga Mukha Nila, Wala Silang Dala Na Anumang Deadly weapon. "Mahal kong Bana, Tutulongan Kita Kaya Wag Kang Matakot.." Sabi ni Diwata necay Sa Akin. Bago Pa man sila maka Lapit sa Aking Kinatatayuan. Biglang May Malaking Aso Na Parang Kambing May Malalaking Tenga Na itim ang Biglang Tumalon Sa Harap nila Hindi ko Alam Saan nangaling Ang Malaking itim na Nilalang, At Inatake ang Tatlong Lalaki. Pinagsasakmal sila nito, Sinusubukan nila itong Itaboy Pero Mas Lalo itong Nagiging Agresibo At Nagiging Mabangis. Kaya Napa atras Ang Tatlong Lalaki at Bumalik sa Loob ng pulang Van. At Umalis ng Mabilis. nakatayo lang Kami ni Diwata necay, At Nag Hihintay sa Nilalang na Humarap sa amin. Na Panay Titig nito sa Papalayong Pulang Van. "Parang Alam ko ang nilalang na Yan? Bakit Nagpakita na ito ulit sa akin at Akoy Tinutulongan..?" Tanong Ko kay Diwata necay. "Siya ang Dating Alaga ng Papa ni Buddy, Sa Tingin koy Nasa peligro ang Anak ng Tagapangalaga sa Kanya.. Yan ay Isang Uri ng Sigbin.." Sagot ni Diwata necay sa akin. Tumakbo yong Nilalang Papunta sa DinaAnan nina Buddy At Lumingon pa Ito sa akin. Na Tila ba Pinapasunod ako. Kaya Sumunod Na rin kaming Dalawa ni Diwata Necay, Pagdating namin sa May Sapa. Hinanap namin si Buddy at Ang Babae. Ngunit napaka tahimik At Medyo Madilim Pa yun Buti nalang At Maliwanag Pa rin ang Buwan. Hindi ko na Matancha Kung Anong Oras na Yun. Ngunit dahil sa Nilalang Na yun na Gumawa ng Ingay..., Natunton namin ang kinaroroonan nina Buddy. Paglapit namin ni Diwata necay, nakita kong naka bulagta na si buddy sa Lupa, walang malay . Yong babae Tinatakpan ang bibig para di makasigaw, Ginagahasa na ito ni Rosefel. "Tigilan mo yan...!! Demonyo ka...!" Saway ko kay Rosefel. Ngunit tumawa lang ito, at pinagpatuloy ang ginagawang kahalayan, Na Parang Hinahamon pa ako Na Pigilan ko siya Kung Kaya ko... "Bakit Puting Tupa? Naiingit ka ba? Gaganitohin ko ang Partner mo..., At Gagawin ko sayo Ang Ginawa ko Sa Kasama mo, Anong Magagawa mo Puting Tupa? Hindi mo naman Ako mapipigilan. Kung Napa atras mo ang Mga Inutosan ko, Ako mismo ang Manghahasik ng Krimen. Sample palang To Puting Tupa, Kaya Magtiis Ka sa Galit Dahil Hindi mo ako kayang Pigilan.." Sabi ni Rosefel na Tumatawa pa. Wala na Akong Binitawan na Salita at Lumapit ako sa Kanya na Patakbo At Agad Kong Hinawakan ang Braso ni Rosefel. "Bakit mo ako Nahahawakan? Wag mong Sabihin..." Gulat na Gulat ang Prinsipe ng Kadiliman. "Oo naisalin ko Ang Itim na Anghel sa Katawan ko, Kaya Oras Na Para Ibalik ka sa Impyernong Kinaroroonan mo...!!!" Kinaladkad ko si Rosefel At Binugbog, Tinadyakan Ko ng Husto, Sa Tindi ng Galit na Naipon ko Ay Nailabas ko sa Kanya Lahat.. Tinulongan Naman Ni Diwata Necay Ang Babae. Kahit Anong Salag ni Rosefel Ay Nasasaktan ko siya. Pero Tawa pa Rin ito ng Tawa Kahit Halos Di na Mahitsura Ang NakakaPang init na Dugo niyang Karakas..."Luma ban Ka Prinsipe Ng Kadiliman...! Para To sa Mga Ginawa mo sa Anak Ko...(Sipa na Tumama sa Noo nito), At para sa Ginawa mong Pamemerwesyo sa Buhay Ko (Isang Sipa Ulit na Dumapo Sa Baba niya) .... Para sa Mga Taong Nasusulsolan mo..! At Para Tigilan Mo na Kami Ibabalik kita Sa Ilalim ng Lupa...(Dalawang Sipa Sa Magkabilaan niyang Pisngi) Sa ngalan ng Diyos ama, Sa Anak At Esperito Santo..." (Sign of Cross Ang Ginawa kong Pagsisipa sa Kanya..) Pagkasabi ko nito ay Kumuha ako ng Hibla ng Buhok niya. At Dumistancia. "Lapastangan ka Puting Tupa. Pagsisisihan mo To Dahil Hihintayin kita sa Kabilang Buhay Mo..! Nakipag Sabwatan ka Sa mga Itim para lang kalabanin ako. Sisingilin ka Rin nila.. Kaya Magkikita Pa Tayo Puting Tupa...!!" Galit na Galit na sinabi ito ni Rosefel sa akin Habang Hawak ang Bibig niya na Putok ang labi. Kinahig ko yong lupa na tinatayuan ko at Inilagay ko doon ang hibla ng Buhok niya, Dinuraan ko ito bago tabonan ng lupa. at sabay sabing "Rosefel...Bumalik ka sa Impyernong Pinangalingan mo...!!" Pagkasabi ko nito ay Dumilim ang paligid. at Biglang kumulog ang langit kahit wala namang Ambon. Kitang kita namin kung paano Malusaw si Rosefel na parang Bakal na tinunaw ng nagbabagang Apoy, At kumalat sa Lupa ang Nalulusaw na si Rosefel, Sinipsip ito Pailalim sa Lupa, Nakita nong babae ang pangyayari lahat. Natatakot siya sa kanyang nasaksihan, Lumapit ako kay buddy. at ginising ko siya, Nong magising si buddy, Hinanap niya si Rosefel. "Asan na Yong Demonyo bayaw ? Para akong Nakuryente kanina Hinawakan niya Ako Sa Leeg... Wala na Akong Maalala, Hindi Ako Nakapalag Bigla nalang Kasi Siyang Sumulpot mula sa Likod ko..." Pagkkwento ni Buddy sa Akin. Yong Babae naman, May Ginawa si Diwata necay Para Makalimutan nito ang Mga nasaksihan na Mga Pangyayari. Hinatid Din niya Ito, Hindi na Kami sumama ni Buddy Dahil Umuwi na Rin Kami. Ilang Araw lang Ang Lumipas... Hapon pa lang Non May Nararamdaman na akong Pagsakit ng Ulo ko, Nahihilo din ako. Yong Sakit ng Ulo ko, Hindi normal kasi Sobrang Sakit Parang Mabibiyak ang ulo ko. Kahit Nagkkwentohan kami mga MEBS boys (Moi, Erwin, Buddy, SR) na Pansin nilang Matamlay daw ako, Pero Kahit ganon Tiniis ko lang At Nakipagsabayan pa rin ako sa Kulitan naming Apat. Hinayaan ko lang yong Nararamdaman ko. noong Gabi Na. Habang Naka online ako, Nakikipag Chat sa mga Friends na Nakilala ko lang Sa Fb. At Nagbabasa na rin ng Mga Stories dito sa Spookify. Lalong Lumalala ang Pakiramdam ko, Parang Namamanhid ang Bou kong Katawan. Pag log out ko non dahil matutulog na lang ako para makapag pahinga. Pumunta muna ako ng Kusina para uminom ng Tubig, Ngunit Nong Aakma na sana akong Iinom ng Tubig sa Baso, Nag Black out Bigla ang Paningin ko, Hinimatay na Pala ako non, At Base sa Salaysay nina Buddy Narinig nalang Nila akong Kumalabog sa Kusina at nong makita nila akong Nakabulagta sa Sahig Basang Basa Sa Tubig Na natapon sa Aking Pagkakabagsak. Tinulongan nila ako At Agad na isinugod sa Malapit na Hospital. Kung Naaalala niyo pa si Nurse Mitch? Siya daw agad Ang Tumolong kina Buddy para asikasohin ako ng mga Doktor. (Wala akong Malay non kaya Hindi ko alam ang mga Pangyayari.) Ipinalipat daw ako sa City Hospital Dahil Wala silang Dugo na dapat ipansalin sa akin Dahil kailangan daw akong MaAbunohan Kaagad, Dahil bumaba daw ang Platelets ng Dugo ko at Lumalala ang Aking Migraine sa Ulo. Nong Mailipat Ako Sa City Hospital. Naabunohan ako ng Dugo kaagad pero wala pa rin akong malay, Hanggang Sa Pagka bukas, Nag Umaga At Nagtanghali na Lang Wala Pa rin daw akong malay. Nag aalala na ang Lahat ng Pamilya Lalo na Si Partner, Iyak daw ng Iyak Pati ang Baby Na tila Alam niya Ang Nangyayari sa Akin. Nong Bigla nalang Daw ako nagSuka at Nangingisay. Kaya isinugod na ako sa Emergency Room, Nagpanic lahat ng Nurse at Doktor. Habang Lumalaban ako sa Bingit ng Kamatayan, Ginamit daw ni Buddy yong Ebanghelyo na Latin sa Pagdadasal At Tinawag na ang Maestro, Dahil Nabigo ang Doktor na Iligtas ako Sa Bingit ng Kamatayan, Bigla daw Nag Patay sindi ang mga Ilaw sa Hospital at Nagulat sila Dahil May Hangin na Nakapasok kahit Sobrang Close ng Hospital (Private Hospital), Nagtataka sila Kung ano ang Nangyayari At Ilang Minuto lang Ay Tumigil din. Lumabas daw ang Doktor at mga Nurse at Lumapit kina Partner Para ipaalam ang Nangyari. May Dala Na Daw na Death Certificate ang Isang Nurse na piFill upon Nila Partner Ngunit Ilang Segundo lang Gumalaw na ako Ulit, At Bumangon. Nagulat ang Nurse na Nag Aayos na Sa akin para ilabas na sana sa Emergency Room. Uhaw na Uhaw ako at Humingi ng Tubig Dahil Pakiramdam koy Ang Layu ng Aking Nilakbay. Binigyan nila ako ng Tubig. Sabi ng Doktor Minsan Daw ay Nangyayari daw talaga ang Ganun. Imposible? Basta Ang Naalala ko lang May Isang naka puti na Lalaki na Pilit akong Pinapasunod At Ramdam ko sa Sarili ko na Bumalik din ako sa Pagiging Bata (Mga 2 or 3 hindi ako sigurado kung ilan Taon ang Pag Balik ko bilang Bata...Pero yong Isip ko Yong ako Na ngayon ) "Sino ka ? at saan Tayo pupunta?" Tanong Ko sa lalaking NakaPuti. "Ako Ay parte ng Katauhan mo, Sumunod ka lang Sa Akin, Dahil may Kailangan kang Makita at Doon ka na Mananatili..." Sabi ng Lalaki na sinundan ko naman at may Mga Kakilala akong mga Nadaanan namin Mga Taong Minsan ko ng Nakasama na. Mga Pumanaw na yun Lahat sila, nakaputi. At Naka ngiti Sa Akin. Para bang Winiwelcome nila ako. Ngunit Biglang May Narinig kaming Mga Dasal, Ang Dasal na Napaka Sagrado at Alam ko ang dasal na Yun. Pinapabalik ako. isa lang Ang Nakaka Alam ng Dasal na ito Bukod sa Mga Kasama ko sa Kapunongan... Si Buddy Dahil siya Lang Naman ang Tinuruan ko nong Dasal Na Yun, Kaya Bigla akong Nakaramdam na para akong MinaMagnet (Hinahatak) pabalik At Pinigilan ako nong Naka Puting Lalaki "Huwag Ka Na Bumalik Paki Usap Tama Na, Alam kong Pagod ka na Hayaan mo na Sila..!" Tsaka ko lang Naklaro yong Hitsura niya Nong hawakan na niya ako. Siya ay Ako din. Nakaladkad kaming dalawa pabalik sa DinaAnan namin. "Bumalik ka na Muna Aking Kawal, Tsaka ka Na Bumalik sa Akin Kung Handa Mo na Silang Lisanin na Walang Pag aalinlangan..." Isang Malambing Na Boses ng Isang lalaki na Hindi ko Alam Saan nag mula yon Hindi ko kasi ito nakikita. At Bigla kong Naramdaman ang Pagbalik ko sa Aking katawan dahil Nakaramdam ako ng Pagka Uhaw. Nasa Tabi ko si Diwata Necay, at Si Kenta, Nag Aabang sila Sa Akin na Nag Aaalala... "Nakabalik ka Mahal kong bana. Sabi ko na Nga ba, Kaya mo Ang Paniningil ng Kamatayan sayo. Pero Mag Iingat ka Pa rin Dahil Susubukin ka ng Mga Itim na Anghel." Dahil sa Sinabi ni Diwata Necay, Natulala ako Dahil Bakit pa ako Nabuhay muli kong May Kakaharapin na naman pala akong Panganib muli. Hindi na Ba talaga ako tatantanan ng Mga Kababalaghan nangyayari sa akin...Hanggang Kailan ko Dadalhin ang Mga Pagsubok Na Ibinibigay Sa Akin.? Hanggang Saan Ako Dadalhin ng kapalaran ko Na Punong Puno ng Mysteryo... Bilang Puting Tupa na naHaloan ng Itim na Anghel. Ito kaya ang Dahilan Kung Bakit Hindi na Nagpapakita sa akin ang Aking Maestro? Ang Lahat ng Nangyari Sa Akin ay Nagpapatuloy pa Rin. ang Mga Kababalaghang Nakikita ko, Nararamdaman, at Naririnig... Ako at Sa Ngalan ng Aming Mga Kasamahan na Mga Puting Tupa ay Naka Antabay Lang Sa Maaring Paglaganap at Pag atake ng Mga Alagad ng Dilim sa Ating Mundo. Kasalukuyan din akong Dumadaan ngayon sa Paglilinis ng Aking nagawang Paglabag, (Dahil Pagsanib sa mga Itim na Anghel.) Hanggang sa Aking Pagbabalik Mga Kaibigan,
Salamat Sa Inyong Pagsubaybay sa Mga Kwento ko. Lagi po natin tandaan, Na Sa Bawat kasalanan nating Nagagawa. Humingi Lang tayo ng Tawad sa ating Diyos. At Huwag Tayo manakit ng Ating Kapwa Tao. Alam kong Magtataka ang Iba Kung Bakit ako Binigyan ng Pangalawang Buhay at Imposible mabuhay Muli, Natural Na makakabalik pa ako sa Aking Katawan Dahil Wala Naman akong Fatal Damage, At Dahil din yon Sa Mga Maraming Nagdasal na Inalalayan din Ng Sagradong Ebanghelyo Na Tanging Kaming Mga Puting Tupa Lang Ang May Karapatan na Gamitin ito. Ang Milagro ng Diyos ay Wag niyong E Smallin. Dahil totoong May Life After Death. Yong Mga Pumanaw Na Mahal niyo sa Buhay Mas Pinili nila Na doon na Sa Kinaroroonan nila. Bakit Pa sila Babalik Kung Alam Nilang Makakaramdam lang Sila Ng Paghihirap At sakit, At Doon sa Mga Hindi matangap ang Pagpanaw nila. Yun ay Dahil May Nasa Likod Ng Biglaang Pag kawala nila, Para naman sa mga Hindi naniniwala Tungkol dito, Just See For youre self... "Let God Decide for Us. Not Us Decide For God..."
God Bless sa Ating Lahat At mag iingat kayo lagi,
Silent Rasta
Ps: Respeto sa Isat isa At Magdasal Tayo lagi sa Panginoon.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree