Sa mga hndi nakaka intindi ng Title ibg sabhin po nyan ay
''Hindi matahimik",, Sa Bisaya "Kondinar" Pra mas lalo nyo p maintindihan ang kwento. Ganito ksi yon e,,,
itong isang bayaw ko na si Erwin isa sa mga tinawag ni Bayaw SR na MEBS Boys, Sumali sa Laro na Basketbol,, lega kasi sa amin dito... isinali niya pala ako at si Moi at iba pa naming kapitbahay. sila lang yong mga walang ka Apeal apeal sa aming tatlo syempre ako ang PINAKA,, Pinag Kamalan lang Hahahaha
Ayon nga wala naman kasi si SR dito kaya nahaloan tuloy kami ng mga Hindi ka ayaAyang mga kasama. hahaha Joke,,, ok start na tayo sa Main ng kwento tama na ang Joke, lagi ninyo ako sinisisi pag sumakit tyan niyo sa katatawa,,, inaano ko ba kayo? hahaha
Sa simula pa lang ng Laro grabi na ang hiyawan ng mga Girls,,, Sympre hindi dahil sa akin yun hahaha Dahil doon sa kabilang kuponan.
Gwapo daw? Eh hindi naman,, Maputi pa si Bayaw sa kanya, at yong dimple niya? malalim pa butas ng ilong ko don,, ha haha. Hindi naman sa Na iinsecure ako sa kanya pero hamak na Tall, Dark and Nevermind naman ako. hahaha
Ang Dami niyang Fans pati si ate (partner ni SR) ko napapatili sa kanya
Kung nandito si bayaw malamang sasadyain niyang e Foul ang Tokmol na si Lance. Yes yan ang name ni tukmol,, Pangalan pa lang Parang sasakyan na sarap e Hulog sa Bangin hahaha Peace sa lahat ng Pangalan na Lance. hahaha
kapag siya nakahawak ng Bola kahit di naman pumasok grabi makatili ang mga Jologs sa paligid,,
Sa Akin si Alata lang yata nag tse Cheer Ang Sagwa pa ng Boses parang Pusa na niipit sa Pintuan hahaha kaya nong ako may hawak ng Bola sinadya kong kunyari ipapasa ko sa kasama ko pero binato ko kay Alata, kakainis kasi talaga yong boses ng dwende na Ewan ko ba Silahis yata siya nararamdaman ko kasi ang lihim niyang pagtingin sa akn hahaha Susmaryosep ilayo sana ako ni kupido kay Alata. hahaha
Balik tayo sa Kwento wala namang kwenta kc si Alata, ahahaha,, Matapos ang Laro Panalo kami at Talo sila Lance. at sa Hindi inaasahan Natumba itong si Lance Bigla nangisay kala ko sumayaw lang gimmi gimmi,, hahaha kaya isinugod nila ito sa Hospital. At sa Kasamaang palad Namatay ito sa Hospital. Pumutok daw yong Ugat niya sa ulo yun ang BaliBalita,, Rest in Peace nga pala sa kanya Buti nga sayo hahaha joke lang,, bad attitude.
Nong Naglaro kami ulit iba na kuponan ang kalaban namin pero hindi ko inaasahan na makikita ko itong si Lance sa Court,, Galit na galit ang Hitsura niya. Hindi tuloy ako makapag laro ng maayos kasi Lumalapit yong kaluluwa niya kapag nasa amin ang Bola. Ayaw niya kami pa scorin,, Kaya nong mag breaktime Napagpasyahan ko na pahinga muna ako at kailangan ko ng Subtitution. Naupo lng ako,, itong si Alata lumapit na sa akn.
"Galit sa team nyo ang kaluluwa na yn,,, kayo sinisisi nya s pgkamatay nya." Tnitigan ko lng c lance na panay tngin sa kuponan ko n nglalaro. "Bablik ako s Laro,, pigilan mo sya mgagawa m ba yon?" tanong ko ky Dwende alata na tnitingnan dn ang kaluluwa ni Lance,, hndi sya sumagot sa snabi ko. lumapit kasi si karla at ate sa akin,, Pinunasan ni my loves karla ang pawis ko sa likod. "Anong ngyari syo at bkit wla ka sa mood mglaro ? " tnong ni karla s akn.
"Hndi mo kc ako tsini Cheer kya di ako mka fucos s laro hehe" dinahilan ko ky karla ayw ko ipaalam s knya ang totoo at bka umuwi matakot p at dahil don binatokan ako ni my loves
ok lang batok ng pagmamahal yun,, hahaha
Nong bumalik ako sa laro ng sign of cross muna ako,, Ayon na naman si Lance pag nasa amin ang bola sasalubongin nya ang may hwak at mapupunta s kalban ang bola. Kya napikon n ako s knya. nong hawak ko ang bola hindi ko pnansin ang ngbabantay kong kalaban, hnintay ko n c lance lalapit s akin. Nong lumapit nga sya,, ginamitan ko ng dasal n itinuro ni bayaw SR. Ayon di sya nkalapit pero pumuwesto ito s ibabaw ng Ring at sinusupal pal niya ang bola kahit papasok n sana sisipain niya,,(Doon kaya niya gawin yun sa NBA finals sa team ni Stephen curry Hahaha) ang sama ng ugali ng kaluluwa ng tukmol na si lance,,
Natalo kami nong laro na yun,, pinagalitan ko si Alata kasi di man lang nya ako tinulongan. Sabi ni Alata kung gagawin niya yun Lalo lang daw lumala ang Gulo kasi Isa na daw demonyo si Lance,, Naisip ko may dedemonyo pa pala sa pagmumukha ni Alata? hahaha aba its a tie lang kaya sila,, hahaha
Alam niyo nong kuponan ni Lance ang Naglaro? tinutulongan niya kaya nananalo ang team niya. Hindi na maganda ito,, wala silang kaalam alam na may kababalaghan sa lega na nagaganap. kaya nag mesage ako kay Bayaw tungkol dito,, sinabi ko sa kanya mula umpisa, pero d ko sinimulan nong baby pa ako hanggang sa lumaki ako at naging ganito ako kasi mapapagalitan ako non sa pagsasayang ng oras niya sa akin,, hahaha
ayun nga sinabi niya kung hindi pa na iilibing si lance ay puntahan ko daw ang lamay nito. lahat ng sinabi ni bayaw SR sinunod ko. buti nalang at di niya sinabi na Hahalikan ko ang bangkay ni lance sa loob ng kabaong,, dahil bahala na hindi kami mag champion i dont care anymor hahahah
Pumunta nga ako sa lamay ni lance kasama ko pa sina moi, erwin, karla myloves at si Ate at yong kasama niya na ewan ko ano itatawag ko sa kanya basta may kauganayan siya kay ate,, si bayaw na mag eexplain sa nyo,,. nakipaglaro pa nga sila ng Tong its don eh hahaha sinunod ko yong sinabi ni bayaw na kukuha ako ng bulaklak sa lamay niya at ipapahid ko sa salamin ng kabaong ni lance,, pagkatapos non dinala ko yong bulaklak sa Court at nagtirik ako ng kandila doon, gabi na yun kaya walang nakakita bukod kay Erwin na sinamahan ako,, siya lng sinabihan ko. ayaw pa maniwala kahibangan daw kasi,, nung ngdasal ako bgla lumamig ang paligid wala namang hangin na umihip,, hanggang sa nagpakita na itong kaluluwa ni Lance,, iba na itsura nya kamukha na nya si Alata,, hahaha joke naagnas n kc mukha nya at yong dating gwapong gwapo ang mga kabbaihan s kanya kung makikita lang nla ang htsura nito na kaluluwa ay naku imbes na makakalaglag typan dati baka pati bulbol magsipulasan na sa sobrang nakakatakot na itsura niya,, hahaha
Hindi ako ntakot s knya kahit may pa nganga nganga pa syang nalalaman,, sarap niya subuan ng nag aapoy na kndila ng mapaso ang bastos nyang dila na inilalabas pa nya. "Tigilan mo na ang pangugulo Lance,, Patay ka na, tangapin mo na wala ka na at di ka na parte ng Laro,, pag hindi ka pa tumigil sa pagkokondinar mo mappilitan akong ipadala k sa Laboratoryo...! mukha kasing zombie ang sagwa ng itsura mo men.." bigla siyang naglaho at akala ko nakinig sya at tapos na yun pro di pa pla kc nsa likod ko n pla c tukmol,, nagulat ako. Malas at di ko nadala ang green na panyo,, kaya atras lng ako ng atras,, ayaw ko pumikit kasi sabi ni SR pag pumikit ka ay malaki ang tsansa na sasaniban ka ng kaluluwa. mbilis ang kaba ko s dibdib,, si Erwin nagtaka ano ngyayari hndi nya kc nkikita c lance. panay sigaw lng nito na uwi na kmi, pero hndi pwede kc masusundan kmi ng kaluluwa na to kapag di ko natapos ang ritwal n itinuro ni SR,, Kaya napilitan na akong Gwin ang last panlaban ko,, ang ebanghelyo na sagradong dasal n tyak magdadala ng pasakit sa kaluluwa ni lance.
Al* k****a Ra**** te***p !!
bglang may mga kamay n humila sa kaluluwa ni lance sa ilalim ng sementadong lupa,, ang nakikita ni erwin ay may malakas lang dw n hangin na parang may ipo ipo hndi nya nkita ang mga nagaganap. Tuloyan n nga nilamon ng lupa ang kaluluwa ni Lance,, binalaan ko sya nong una pro tinakot nya ako kaya ayun sumalupa na ang kaluluwa nya, hndi sya napunta s langit. sabi ni Bayaw, kapag ang dasal na sagrado para sa kaluluwa ay gnamit at yong kaluluwa na nagkondinar ay kinuha ng anghel na bababa galing sa itaas yun ay makkapunta sa kaharian ng dyos,, pero pag kinuha ito sa ilalim ng lupa ito ay may kaugnayan sa demonyo. ibig sbihin ang kaluluwa n lance ay demonyo n ang may hawak non,,
Bumalik kami ni erwin s lamay ni lance andun pa ksi sina karla at moi, ate at yong mukhang ewan ko ba talaga ano masasabi ko s knya,, habang nasa lamay kami yong mama ni lance biglang umiyak na pagkalakas lakas na halos dambahin niya ang kabaong. Kaya nagpanic tuloy mga tao sa paligid at tiningnan ang kabaong nakita nla na naka buka daw ang mata ni lance at naglabasan ang mga uod sa mata, bibig at ilong nito,,, anu man yong ngyari sa katawan ni lance tanging si Bayaw SR lang ang may Alam. kasi di ko pa naitatanong s kanya bakit ganun ang nangyari sa katawan ni Lance,, masasabi ko na isa nga tlagang kababalaghan ang mga nangyayari nong gabing yun kasi muntik din magkasunog mismo sa lamay,, pumutok yong bulb na malapit s kabaong ni lance at nagliyab buti nalang at mala bombero yong mga sugarol sa paligid binusan ba nman ng kape yong apoy hahaha aba hanep kape na pamatay apoy ngayon,, kaya mga kids...dont try that at home only accidentaly profetional can do dat hahaha
At dahil wala ng istorbo sa lega ay yes maayos na kami nakakapglaro at muntik na kami mag champion kung di lang nilaglag nong isa namin kasama ang laro,,, muntik na siya bugbugin nina erwin at moi, hahaha
At dito na nagtatapos ang kwento ko,, about sa tikbalang na Unisex Case unclosed pa rin kasi di ko talaga kaya yun. hinihintay ko pa c bayaw SR ang bahala sa kanya.
Kakabayoin yun ni bayaw ,, ya tigidig tigidig aabotin niya hahahaha
bye bye mga lalabs kong mga Spookifyers,, Tsaka give my Regards don sa magandang nag coment sa huling kwento ko,, crush kita hangang don lng yun dhil wala tyong Poreber hahaha
~Bewolf Buddy
11 June at 04:37 ·
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree