This is a story about my mom, nangyayari pa rin sa kanya to until now.Nagsimula yun nung mga year 2004, sa paranaque pa kame nakatira nun, sa pagkakaalala ko sunday yun kaya kumpleto kaming pamilya sa bahay. Tanghali nun kaya kakaen na kami ng mapadaan sa harap ng bahay ung kapitbahay namen na parang nagulat nung makita nya si mama, bukas kasi bintana at pinto namin nun. Tinanong nya kung nasa taas daw ba namen si mama nun kasi nakita daw nya nkaupo s harap ng bintana si mama, binati p dw nya pero di sya nilingon, kaya nagulat sya kasi d naman kagad mkakababa si mama nun tsaka nagtaka sya kc ung nakita nya s taas mahaba buhok ni mama e nagpagupit na sya ng buhok halos 1 week na nakalipas. Natakot kami lalo na si mama, sinilip pa namin yung taas pero walang tao. sabi ni papa pabayaan na lang daw kc di naman daw nagpapakita ang gumagaya sa ginagaya.
After few weeks, sa work naman ni mama, sa paranaque din. Di sya nkapasok ng isang araw kaya nagpaalam syang bukas n mkakapasok. Pagpasok nya knabukasan, Parang takot yung visor nya ng makita sya, kasi sabi nung mga katrabaho nya pumasok daw si mama nun kasi nkita nilang nananahi dun sa upuan nya, di nila kinausap kasi nakita nilang mahaba dw buhok e maiksi na buhok ni mama ilang weeks na, tapos nun kinwento ni mama n my nanggagaya nga daw sa knya pero ung buhok nila yung magkaiba, simula nun medyo di na sya inaapproach ng mga kawork nya.
Ilang years dn ang lumipas di na nagparamdam ung doppelganger ni mama pero nung 2015 lang, nagparamdam ulit.
New year nun, dito na kami sa taguig nakatira, sa hotel na nagwowork si mama kaya wala silang holiday, biglaan na di sya nkapasok nun kaya di sya nakapgpaalam agad. Mga 10pm ng tumawag manager nya sa kanya, tnatanung san na sya tsaka bakit ang di na daw xa bumalik, nagtataka si mama e di naman sya pumasok, naitawag na daw nya sa visor nya kanina pa, panggabi kasi shift nya. Nagulat yung manager nya kasi pmasok daw sya, nagtime in pa nga daw sya, hanggang sa nagalit n manager nya bkit daw sya umuwe, e di tumawag si mama sa visor nya n sabihin sa manager na di tlaga sya pmasok. Tinawagan ulit sya ng manager nila at sinabing kakausapin dw sya bukas.
Kinabukasan pagpasok nya, knausap sya ng visor at manager nya, ayaw maniwala na di sya pumasok, pinakita pa skanya ung cctv at kita nga na nagtime in sya suot at gamit pa ung i.d nya, natakot sya bigla kasi hndi daw talaga sya yun, pinakita pa nya yung mga picture namen nung new year, nagtaka narin sila kasi nung pagkatime in daw nya, di na dw sya mahanap sa loob kaya sya tnawagan ng manager, at natakot na din sila kasi nung uwian na, naglabasan n lahat pero si mama daw wala, kaya kinuwento ni mama un ngang may doppelganger sya. No choice sila kundi byaran ung araw nya na un kc kita sa cctv n pmasok at nagtime in sya, sinekreto nlng nila ng visor at manager nya ung nangyari.p.s: Nasa ibng bansa na si mama now at di na daw nkakasunod ang doppelganger pag tumawid ka na ng dagat. Pasensya na mahaba. salamat.
19sisig69
Taguig
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree