* * Mariyah's POV * *
"Ate, pwede magtanong?"
Pinakita ko sa kanya ang papel na hawak ko. Tiningnan niya lang ako ng masama at tumalikod sakin. Ang taray naman nun.
Napabuntong hininga ako at naglakad-lakad pa. Ang bibigat pa ng dala kong bag.
"Ate...."
"Ewwww! Get off your filthy hands! You're so kadiri!" Sabay labas ng alcohol niya at nag-spray sa part kung saan hinawakan ko. Ang arte-arte naman ng babaeng yun.
"Lord! Kunting tulong naman dyan oh." Naka-upo ako sa kalsada, ang bigat na nga ng mga dala kong gamit at antok na antok na din ako dahil wala pa akong maayos na tulog.
"Umalis ka nga dyan Miss! Ang laki mong harang sa daan."
Napasimangot ako sa sinabi ng babae. Siya nga itong malaking harang sa daan, ang taba-taba.
Dinampot ko ang mga dala kong gamit at buong lakas na tumayo.
"Sorry Lord! Nagkakasala pa tuloy ako. Kaya ko to!!"
Naglakad-lakad pa ako.
"Kaya ko to Ate!
Kaya ko to kuya!
Kaya ko to bata!"sabi ko sa mga nadadaanan ko at kinakalabit sila. Sila naman ay inis na umiismid saakin.
Lolo naman, bakit mo ba kasi ako pinapunta sa Maynila.
Ang sasama naman ng mga ugali nila. Magtatanong lang naman ako kung alam nila yung lugar na nakasulat sa papel. Damot-damot nila. Hindi naman ganito sa probinsya namin kapag may taga-Maynila na nagtatanong sa kanila. Haist.
Gagabi na at wala pang nakakatulong sakin. Naglakad ako papunta sa park. Kinilatis ko muna lahat ng nandoon. Ayoko namang magtanong sa lalaki, sabi ng lolo ko wag daw ako magtitiwala sa mga kalalakihan lalo na sa mga taga-maynila.
"Yun kaya..hmm.. mukha namang mataray. Wag na lang.. Yun naman mukhang maarte." Lumingon-lingon pa ako baka sakali may makita akong pwedeng mapagtanungan.
"Ayun.. mukhang mabait."
Nagtungo ako sa babaeng nakaupong mag-isa at may binabasa.
"Hello." Bati ko sa kanya.
Agad naman itong ngumiti. Sabi ko na nga ba, mabait siya. Nakahinga ako ng malalim. Kinuha ko ang papel sa bulsa ko.
"Magtatanong lang sana ako kung alam mo kung saan ang lugar na ito?"
"Mian Hamnida. Ihaeka andoeyo." sabi niya sabay bow.
Ha? Ano daw? Nagbow din ako pero pinigilan niya ako.
"Aniyo. Aniyo. No speak English."
Sabi niya na halatang nahihirapan magsalitang English.
"Korean." Turo niya sa sarili niya. Nagbow ulit siya.
"Mian Hamnida." ngumiti siya na parang humihingi ng tawad.
Napabuntong hininga ako, mabait nga nakausap ko hindi naman kami magkaintindihan.Humingi ako ng paumanhin sa kanya, nakaistorbo pa tuloy ako sa ginagawa niya.
"Lola! Lolo! di niyo naman ako sinabihan na ganito dito. Eh di sana nakapaghanda ako, nakaka-trauma tuloy."
Naglakad-lakad ulit ako. May batang naglalaro. Baka mas matino pa tong kausapin.
"Bata." Mahinahong sabi ko, tumingin siya sakin. Ibinigay ko ang papel sa kanya at kinuha niya naman ito. Tiningnan niya ito.
"Alam mo ba kung saan yan?"
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...