Talagang nilagnat ako ng tuluyan kaya maghapon akong nakahiga lang. Buti na lang inaasikaso ako nina Tita Rose. Naalala ko si Lola, dati siya ang nag-aalaga sakin pag nagkakasakit ako.
"Ito Iyah, inumin mo ulit. Kapag hindi pa humupa ang lagnat mo, magpacheck-up na tayo ah."
Sabi ni Tita Rose, kanina niya pa kasi pinipilit na magpacheck-up na ako pero hindi ako pumapayag.Takot kasi ako sa hospital. Tumango na lang ako, sana talaga humupa na ang lagnat ko.
"Sorry talaga Iyah sa ginawa ng anak ko ha. Pinagsasabihan ko nga kanina, hindi niya daw maalala ginawa niya. Pasaway talagang bata yun, minsan na lang umuwi lagi pang lasing."
"Bakit ho? Saan po ba siya umuuwi?"
"Simula ng mag-artista yan, bumili ng sariling bahay at condo. Doon na siya, pero kadalasan sa condo niya siya. Baka sa magiging asawa niya yung bahay na pinagawa niya."
"Ah may nobya na pala siya."
"Bakit Iyah, gusto mo ba siya? Hahaha."
"Ngeeeh.. Hindi po, imposible po yang mangyari."
"Naku Iyah, wag kang magsasalita ng tapos. Di natin alam mangyayari. Malay mo isa sa mga anak ko maging asawa mo. Haha"
Napangiti na lang ako kahit tutol ako sa sinabi niya. Imposible namang mangyari yun.
"Sige aasikasuhin ko muna mga halaman ko. Magpahinga ka muna ha. Kung gusto mong manood ng t.v.,ito ang remote control. Pag may kailangan ka tumawag ka lang sa intercom."
"Salamat po."
Pagkalabas ni Tita Rose ay nahiga lang ako. Gusto kong magbasa ng aklat pero baka mahilo lang ako. Sa totoo lang, yung mga aklat na dala ko tapos ko ng basahin. Wala pa akong bagong aklat, haist.
Na-curious akong bigla ng makita ko ang remote control ng TV, gusto kong manood pero parang naaalala ko boses ni lolo na bawal na bawal akong manood ng TV.
Huwag na nga lang."Manang, pasensya na ho sa istorbo. Maaari po bang paakyatin niyo si Rita kung wala siyang ginagawa? Salamat po." sabi ko saka inend ang intercom.
Nakakabagot kasi pag walang kausap.
Habang hinihintay si Rita ay binasa ko na lang ulit ang librong binigay sakin ng isa sa mga kaklase ko noon.Maya-maya ay bumukas ang pintuan.
Ang inaasahan ko ay si Rita, pero hindi siya ang pumasok.
"Bakit?"
Galit nanaman siyang tumingin at lumapit sakin.
"So it's really you. I thought I was just drunk. tss"
Napaatras ako ng upo. Nakakatakot na nga hitsura, nakakatakot pang tumingin.
"What the f*** are you doing inside our house?" Lumapit pa siya ng kaunti.
Sabi ng lolo ko huwag akong magpapakita ng takot kasi mas lalo akong aapihin. Kaya kahit takot ako sa kanya ay matapang ko siyang sinagot.
"Ha? Teka lang ho Mister ha. Una sa lahat, hindi ko alam kung bakit kayo nagagalit sakin. Kagabi pa ho kayo ganyan, kung anu-ano ang sinasabi pero di ko maintindihan. Wala ho akong maalala na nagkita na tayo o kakilala kita. Kaya sana po wag niyo ako pagsalitaan ng masama."
Para siyang natulala sa sinabi ko, yan dapat kang masindak.
"Out!!!" Napatalon ako dahil sa pagsigaw niya. Akala ko pa naman nasindak ko siya sa sinabi ko.
"Ano ba kasi ang nagawa kong kasalanan sayo?" halos maiyak-iyak na ako dahil sa takot.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinilit na pinatayo.
"You really don't know me?!" paasik niyang tanong.
Tuluyan na akong naiyak.
"Hindi talaga." sabi ko habang umiiyak at iniinda ang mahigpit niya hawak sa mga braso ko.
"Liar!"
"Nasasaktan ako."
Parang kumalma siya ng sinabi ko iyon. Binitawan niya ako at tiningnan akong mabuti.
"Why don't you remember me Mariyah?"
"Bakit mo ako kilala?"
Napaismid siya at bigla na lang akong tinalikuran.
"Since you're at our house, I will make sure you'll never be happy here."
Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Bakit ba ang sama ng ugali niya? Wala naman akong matandaan na ginawa sa kanya. Ni di ko nga siya kilala, san ba niya hinugot ang galit niya sa akin.
Maya-maya ay dumating si Rita na may pag-aalala sa mukha. Di na ako umiiyak ng dumating siya.
"Okay ka lang ba Iyah?"
"Bakit siya ganun?"
Ikwinento ko kay Rita ang mga ginawa at sinabi nung lalaki saakin. Pati siya ay galit na galit din. Napaiyak nanaman tuloy ako ng maalala ang huli niyang sinabi.
"Ssshhhh.. tahan na Iyah.. Hayaan mo na si Sir, di naman yun dito nauwi kaya walang mangyayaring masama sayo."
Nabuhayan ang loob ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...