"Next month po mag-uumpisa na ang construction ng condo unit sa Bicol, but unlike to our condo's here in Manila that will be only 30 floors."
Mayroon ako ngayong meeting with Kristina's staff. They're asking for my approval.
Tiningnan ko ang plano at ang location.
"Ilan ang affected household?"
"Estimated is 150 household from 267 household."
"Above 50% ang affected."
"Yes po, but what's good about the location is, it is near at the city proper."
"What about the family who will be affected. Do you think of what will happen to them?
Nagtinginan sila.
"Look, the idea is great. The location is good but what about those families who will lost their houses and their source of income? Instead of cutting trees and destroying houses, why would we look for an abandoned building. At least doon, we will not cut trees at wala na ding maaapektuhang pamilya. I know you've prepared this for how many months, I hope you're not all offended by what I said."
"I agree with Mariyah. Besides marami ang gagawin nating hakbang bago natin masagawa ang construction ng bagong condo."
pag sang-ayon sakin ni Tim.
Buti na lang, para kasing wala silang masabi sa sinasabi ko. Tumatango-tango sila.
"So I guess I have to re-plan again with my team." saad ni Kristina na masyadong intimidating ang tingin.
"Yes." sabi ni Tim.
"Okay, so can we leave now President?" tanong sakin ni Kristina.
"You may, thank you for your time. You did great pa din." sabi ko
Ngumiti sakin ang ibang team ni Kristina, samantalang siya ay umirap sakin bago lumabas.
"Meeting dismissed." sabi ni Tim. Natawa kami dahil halos nakalabas na lahat bago pa siya nagdismissed.
"Congrats on your 1st day. Ang galing mo kanina ha."
lumapit sakin si Tim at nakipagkamay.
"Kinakabahan nga ako kanina eh. Buti na lang nandyan ka."
"Don't worry most of your meetings talagang kasama ako. Hindi halatang kinakabahan ka ha."
"He! Huwag mo nga akong binobola diyan. "
"Excuse me, Maam?"
Pumasok ang secretary ko. Siya si Canary nasa kaedaran ko lang din ito.
"I'll go to my office, see you later. Let's have our lunch together."
"Sige."
"Ano yun Canary?"
"You have a meeting with Mr. Santiago later on Maam."
"Sige salamat."
"You want coffee Maam?"
"Hindi na. Huwag mo na rin akong tawaging Maam pag tayo lang. Let's be friends. Pwede ba yun?"
Nagulat siya sa sinabi ko.
"A...ano po kasi... Naka...nakakahiya.."
"Huwag ka nang mahiya. Mababaliw kasi ako sa opisinang to. Lahat intimidating, pwera kina Tito Arman at Tim. Let's just be professional sa harap ng ibang tao."
"Sige ho. Kayo po bahala.Pero okay lang ho ba na Maam na lang itawag ko. Kasi baka masanay ako, tapos halimbawa may meeting kayo bigla na lang kitang natawag na "Mariyah" nakakahiya naman po yun. Haha."
"Ay oo no? Sige ikaw bahala."
"Anyway Maam, may nagpadala po pala ng flowers sainyo. Buti na lang naalala ko. From Mr. Kyle Santos po. Tumawag din po siya, sabi niya tumingin-tingin ka daw po ng cellphone mo. Sabi niya din na, he'll try to fetch you after ng taping niya. At.."
"Meron pa?" nagrereklamo kong sabi. Tumango ito at parang natatawa din.
Seryoso ba talaga siya sa panliligaw niya. Nakakahiya ang pinagsasabi niya, promise!
"Sabi niya din po na magpapadala siya ng lunch mo kaya huwag ka daw po sasama kay Sir Timothy sa lunch."
Napasapo na lang ako nang ulo ko. Napakavocal niyang tao.
"Pasensya kana ha, pati ikaw naaabala sa kabaliwan ni Kyle."
"Okay lang yun Maam, at least nakausap ko sa telephone ang sikat na artistang si Kyle Santos. Nililigawan ka po pala niya."
"Oo, pero secret lang natin ha. Ayoko kasing may makaalam na iba."
"Bakit naman Maam, ang swerte niyo kaya. Nililigawan kayo ng artista. Sabagay kahit sino naman Maam mabibighani sa ganda niyo."
"Ikaw ha, binobola mo na ako.Sige na balik kana sa trabaho."
Ngumiti ito, umiwas na ako kasi baka ano pa ang itanong niya tungkol samin ni Kyle. Nakakahiya kaya.
Kinuha ko kaagad ang cellphone ko, nagulat na lang ako sa dami ng missed calls at text niya..
Maya-maya ay nagring ulit ito.
"Why are you not answering my calls?" yan agad ang bungad niya pagkasagot ko ng tawag.
"Kasi po, kakatapos lang po ng meeting ko."
"Did your secretary talked to you."
"Opo, at nasabi niya na din lahat ng pinapasabi mo. Huwag mo nga iniistorbo si Canary dyan sa pagpapabantay mo sakin."
"I just want to guard my property."
"Hoy lalaki, di mo ako pagmamay-ari."
"Hindi pa sa ngayon, pero malapit na.Sagutin mo na kasi ako."
Natawa ako sa kanya, masyadong demanding talaga.
"Huwag mo akong minamadali."
"Sasagutin mo din naman ako, bakit mo pa pinapatagal."
"Sigurado ka bang sasagutin kita?" pang-aasar ko sa kanya.
Hindi siya sumagot.
"Hoy ano na?" sabi ko ulit.
"Bakit hindi mo ako sasagutin?"
tanong niya..
Sasagot na sana ako nang pumasok si Tim.
"Lumabas ako kanina, I brought you latte."
sabi niya at nilagay sa mesa ko ang binili niyang inumin.
"Thank you Tim. Nag-abala kapa."
"Anything for you. I'll go ahead. Don't forget our lunch." muli niyang paalala saka lumabas.
"I'm warning you, huwag kang sasama kay Timothy." di pa pala pinapatay nitong kasama ko ang tawag.
"At bakit hindi?"
"Coz I say so."
"Nakakahiya naman kay Tim."
"Sakin hindi ka nahiya!"
"Hindi.."
Malaking buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya. Pikon nanaman ata siya.
"Bakit ba lagi mo akong pinapaselos?"
"Bakit ka kasi nagseselos sa kapatid mo."
"Ewan ko sayo ang manhid mo!!" saka niya pinatay ang tawag.
Beastmode nanaman siya.
"Maam, you're meeting will start on 10 minutes." pumasok ulit si Canary.
Ang bilis naman ng oras, mag-i-scan pa lang ako ng documents na pipirmahan ko may meeting nanaman ako.
Natawa ako sa tinext ni Kyle.
from: Kyle Pogi
Kapag ako hindi mo sinagot, magsisisi ka habang-buhay. Pero mas pagsisisihan mo kapag sumama ka kay Timothy mamayang lunch.
Nagbabanta ba siya? Hahaha
Paano pa kaya kung maging boyfriend ko siya. Naku baka di na ako makalabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
Chick-LitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...
