Paggising ni Kyle ay hinanap niya kaagad si Mariyah. Napatakbo siya sa ibaba at hinanap si Mariyah.
"Ma, si Mariyah?"
Nagulat silang lahat ng bumaba si Kyle sa kusina. Sakto kasing nag-aalmusal silang pamilya.
"Umalis na siya kagabi pa." sagot ng Mama niya.
Nalungkot naman si Kyle at aalis na sana.
"Anak, sandali. Mag-almusal kana dito. Halika." Tuwang-tuwa ang Mama niya dahil ngayon lang ulit ito nagpakita sa kanila na kompleto sila.
"Hindi na Ma."
Umalis ito at bumalik sa kwarto niya.Tatayo sana ang Mama niya pero pinigilan ito ng kanyang asawa.
"Hayaan mo na siya."
Ang akala ni Kyle ay magiging maayos na ulit sila ni Mariyah, umalis lang din pala ito.
Tiningnan niya ang kabuuan ng kwarto niya. Malinis na ulit ito at hindi na nangangamoy alak. Kinuha niya ang mga larawan na kuha niya. Lahat ay nakangiti si Mariyah.
"I miss you so much my love."
Binuksan niya na ang cellphone niya na isang linggo ng naka-off. Napuno ng mga message ang cellphone niya galing sa iba't-ibang tao. Pati manager ay galit na galit sa kanya dahil hindi niya ito kinakausap.Naapektuhan ang mga project niya at mga sponsor. Madami ang nagsasabing hindi siyang magandang endorser. Hindi niya na alam kung ano pa ang gagawin niya. Dahil sa isang pagkakamali ay nasayang lahat ng pinagpaguran niya at higit pa doon ay nawala ang pinakamamahal niya.
Sakto namang tumawag ang manager niya. Sinagot niya na ito dahil ayaw niya ng takasan ang problema niya.
"Finally you answered! Ano na Kyle?! Tatakasan mo na lang ba ang problema mo ha?!"
"Wait me in the network. Pupunta ako."
"Hindi na kailangan, madaming reporter at columnista ang naghihintay na mainterview ka. May press conference si Margaux mamaya. Antayin natin ang sasabihin niya. Balita ko may sasabihin siyang mahalaga sa publiko. After ng press con. niya saka na tayo magsalita. For now, paghandaan mo muna ang mga sasabihin mo. I'll call you later."
Sa isip-isip ni Kyle ay ano nanaman ang kalokohan ang gagawin ni Margaux para magpatawag siya ng Press Con.
____________**_______________**_________
**Mariyah's POV**
Kakatapos lang ng meeting ko sa bago naming kliyente. Napahilot na lang ako ng sentido ko sa sobrang sakit.
"Okay ka lang?"
Tanong ni Tim na kasama kong naglalakad papuntang office ko.
"Oo, sumakit lang ng kaunti ang ulo ko."
"Baka over-fatigue na yan ha. Magpahinga ka din kasi. Masyado kanang nagtatrabaho."
"Okay na to. At least di ko masyado naiisip si Kyle. Kamusta nga pala siya ngayon?"
"Araw-araw mo na lang sakin yan tinatanong. Ikaw na kasi kumausap sa kanya.Hinahanap ka niya kanina paggising niya."
Natahimik ako, nang makatulog na siya kagabi ay umalis na din kaagad ako.
"Kumakain na ba siya?"
Hinawakan ako ni Tim at pinaharap sa kanya.
"Masyado kang nag-aalala sa kanya. Natanong mo ba ang sarili mo kung okay ka lang? Kung kumakain ka ba sa tamang oras. Tingnan mo nga ang sarili mo, napapabayaan mo na ang sarili mo. Pumayat kana, minsan tulala. Alagaan mo din ang sarili mo Iyah."
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...