Sixty Nine

7 0 0
                                        

"Arman...ang mga anak natin?"

Papunta kami sa hospital ngayon kung saan dinala sina Kyle at Tim. Mugtong-mugto na ang mata ko kakaiyak. Hindi ako mapakali.

"Tahan na Hon.Magiging okay sila. Matapang ang mga anak natin."

Alam kong kinakabahan din si Tito Arman pero mas pinipili nitong magpakatatag para kay Tita.

Pagdating namin sa hospital ay madaming reporter sa labas. Pinipigilang silang mkapasok.

Bigla silang nagsitakbuhan ng makita kami.

Hindi kami makadaan dahil sa kanila.

"Stop! Pwede ba kahit ngayon lang. Bigyan niyo ng katahimikan ang pamilya namin. Hindi pa namin nakikita ang mga anak namin. Magpapainterview kami pero huwag ngayon." Buti na lang at sumunod sila sa sinabi ni Tito Arman kay a di na kami nag-aksaya ng panahon at mabilis na pumunta sa E.R.

Andun si Kristina sa labas ng E.R. at tulad namin ay umiiyak din ito. Niyakap niya kaagad si Tita Rose.

"Tita... Si Timothy."
Niyakap naman siya ni Tita at kino-comfort.Nagpaalam ako kay Tito para pumunta sa chapel ng hospital.

Ako lang ang mag-isa sa chapel.
Ilang minuto akong tulala, iniisip kung bakit nangyari to. Masaya pa lang kami kanina.

"Lord, huwag niyong kukunin si Tim at Kyle. Pamilya ko na sila. Mama, Papa, Lolo, Lola..Kausapin niyo naman si Lord oh na sana huwag munang kukunin si Kyle at Tim.. Hindi namin kaya...

Hindi ko kaya."

Napaluhod ako sa sahig at iyak ng iyak. Hindi ko na inisip kung sino makakakita sa akin o makakarinig.

"Almighty God, please please."

Sumasakit lalo ang dibdib ko pag naiisip ko na mawawala sila samin. Para ko ng kapatid si Tim at hindi ko din kayang mawala sakin ang pinakamamahal kong si Kyle.

"Lord, iligtas niyo lang sila sa kamatayan promise lalayo na ako kay Timothy."

Napatingin naman ako sa pinanggagalingan ng boses na yun. Si Kristina, hindi ko namalayan na katabi ko na pala siya at umiiyak din.Nakatingin lang siya sa Altar.

"Ang sakit sakit Mariyah."

Umupo ako at hinawakan ko ang kamay niya.

"Magiging okay sila. Magtiwala lang tayo sa Panginoon." Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Alam mo ba kung bakit ayaw ko sayo?"
Pinunasan niya ang luha niya at tumingin sakin ng seryoso. Umiling lang ako.

"Kasi ganyan ka. Masyado kang mabait! Masyadong nag-aalala sayo si Timothy. Mas close pa kayo samantalang ako simula pagkabata nakabuntot na ako sa kanya hindi niya pa rin makuhang ngumiti o tumawa tulad ng ginagawa niya kapag kasama ka niya.  Sino ka ba ha? Ngayon ka lang naman dumating sa buhay namin pero bakit kinuha mo sakin si Tim?!"

"Hindi.. Hindi ko kinuha si Tim. Mahal ko siya bilang kapatid. Para ko na siyang Kuya. At alam niyang sobrang mahal ko ang kapatid niya."

Tumingin ulit siya sa altar, ganoon din ako.

"Nainsecure ako sayo, kasi mabait ka. Lahat ng ginagawa ni Timothy sayo gusto ko sa akin niya ginawa yun. Kahit wala kang ginagawa minahal ka pa din ni Timothy. Samantalang ako lahat na lang ginawa ko, tinaboy ko lahat ng nagkakagusto sa kanya. Simula pa noong bata kami hanggang magcollege. Lahat ng nagkakagusto sa kanya ,inaaway ko. Hanggang sa malaman ni Timothy yun. Galit na galit siya sakin."

Tumawa siya pero umiiyak.

"Mali ba ang ginawa ko Mariyah? Mahal ko lang naman siya ah."

Bigla akong naawa sa kanya. Matagal niya na palang mahal si Timothy.

"Pinilit ko si Daddy na kausapin si Tito Arman na ifix marriage kami. Tuwang-tuwa ako ng pumayag si Tito. Akala ko pagkakataon ko na yun, lahat ginawa ko para mahalin niya ako. Pero wala pa din. One time nagpakalasing ako.  Umaasang makakalimutan ko siya pero hindi eh. Trinaydor ako ng kaibigan ko. Sinet-up niya ako habang lasing na lasing ako, may pinatabi siya sa akin na lalaki. Kinabukasan nagulat ako paggising ko andun si Timothy nakita niya ako may katabing lalaki. Hindi ko makakalimutan ang blankong mukha niya na hanggang ngayon ay ganoon niya pa din ako tingnan."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Dapat sinabi mo sa kanya na set-up lang yun. Baka sakaling magbago yung turing niya sayo."

"I've tried. Hanggang ngayon pinapaliwanag ko sa kanya pero ayaw niyang maniwala. Napagdesisyunan kong lalayo na ako pagka gumaling na siya. Kaya Lord, please huwag niyong kukunin ang magkapatid."

Lumuhod siya at nanalangin pero umiiyak pa din siya.

Lumuhod na din ako at nagdasal.

Panginoon, alisin niyo po ang pangamba sa puso namin. Iligtas niyo po sila sa kamatayan Panginoon.

Pagkaupo ko ay hinawakan ni Kristina ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Sorry sa mga ipinakita kong pag-uugali sayo."

Naluha naman ako sa sinabi niyang yun..

"Ano ba yan, naiiyak nanaman ako. Okay lang ako, naiintindihan kita. Lakasan natin ang loob natin para sa mga taong mahal natin." Nagyakapan kaming dalawa.

"Friends?"

tanong niya.

"Oo naman!", kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Masaya akong naging okay na kami at hindi na iba ang trato niya saakin.

Sabay kaming bumalik sa E.R. at saktong kinakausap na ng doctor sina Tita kaya tumakbo kami kaagad papalapit sa kanila..

"Thank you Doc." sabi ni Tito Arman. Napaupo naman si Tita Rose.

"Kamusta po sila Tito?" tanong ko kaagad. Hinawakan ni Tito ang kamay ko.

"Timothy is out of danger, pero si Kyle..."

Di na din napigilan ni Tito at napaiyak siya. Mas lalo akong kinabahan.

"Tito anong nagyari kay Kyle?"

Niyakap ako ni Tito.

"He saved Timothy. Bago paman makabungo ang kotse ay pinatalon niya na si Timothy. Naiwan siyang mag-isa sa kotse. The doctor said, he's not in a good condition. Kailangang ilipat siya sa ICU."

Halos manghina ako sa sinabi ni Tito.

"Hindi po totoo yan. Okay lang siya. Okay lang si Kyle."

"Iyah anak..Tama na yan.. Magiging okay si Kyle.." Niyakap na din ako ni Tita Rose.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Kyle. Hindi ko kakayanin kung pati siya mawawala sa akin..

Biglang may dumaan at nagmamadali silang pumasok sa E.R. at alam na alam ko kung para saan ang gamit ng apparatus na dala nila.

Napatakbo ako sa pintuan ng E.R.

"Kyle, huwag kang susuko!"  kahit alam kong hindi niya ako maririnig sigaw ako ng sigaw.

Nirerevive na siya ng doctor.

Lord please, huwag mo siyang kukunin sakin. Ayoko! Hindi ko kaya!

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon