Sixty One

4 1 0
                                        

"Engineer, pakisiguro na lang po ang safety harness ng mga construction worker."

"Yes Ma'am."

Nasa site ako ngayon ng ginagawang bagong project. Nakita ko si Chester na andito din pala at busy din kasama ang architect. Aba marunong din naman pala magseryoso pagdating sa trabaho.

Kumaway siya sakin ng makita niya ako at nagpaalam ata sa kausap niya. Tumakbo siya papalapit sa akin.

"What brought you here Ms. Santiago?"

"Huwag mo nga akong tatawaging ganyan hindi bagay pag sayo galing. Di ba nga sabi ko sayo pupunta ako ngayon."

"Ah yeah I forgot. You look more beautiful Mariyah."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko na lang siya sinagot.

"Since you are here already, can I invite you now for a lunch?"

"Okay. Your treat?" biro ko.

Pero pumayag agad siya. Inalis niya ang helmet naming dalawa at inakay agad ako sa pinakamalapit na restaurant.

"Did you cried last night?"

bigla niyang tanong habang umuupo ako.

"Bakit?"

"It's obvious on your eyes. Are you alright?"

Tiningnan ko ang mata ko sa cellphone ko. Namumugto pa rin ito. Kahit ano na lang ang ginawa ni Tim para mapatigil ako sa pag-iyak. Nagalit din siya kay Kyle. Hindi pa rin ito umuwi kagabi.

"Okay lang ako. Huwag kang mag-alala. Sige order kana. Kung ano yung oorderin mo yun na lang din yung akin."

Tahimik lang ako habang hinihintay ang order namin.

"Have you ever fall in love?" tanong ko kay Chester.

Bigla naman siyang nabilaukan.

"Why asked all of a sudden?"

"Wala lang. I am one of the fan of happy ever after fairy tales. I believe in true love. Love for me is very sacred..I was blinded of my belief in love. Or should I say I was blinded with my expectation about Love.Lumaki ako na puno ng pagmamahalan. Lahat masaya ang nakita ko. Akala ko dati kapag nagmamahal ang dalawang tao masaya na kayo habang buhay. Mali pala ako. Haay. Naiintindihan mo ba ako?"

"Ah....no?"

Napabuntong hininga na lang ako. Halata naman kasing napakababaero nito kaya malamang hindi pa to naiinlove.

"Hayaan mo na nga, huwag mo na lang akong intindihin. Kumain na tayo."

Kumain na ako.Tahimik lang kaming dalawa.

"You asked me if I ever fell in love right? Of course I do. For how many times I fell in love. That was what I thought. Pero hindi pala."

Nagulat ako ng bigla siyang nagtagalog. It was not fluent but atleast it was understandable.

"Marunong ka naman palang magtagalog!"

Natawa siya bigla at nagpeace sign sa akin.

"Since you asked an interesting question I might as well answer right?
Minsan may mga taong darating sa buhay natin na akala natin sila na yung makakasama natin habang buhay. Yun pala sila yung way para mas maintindihan natin ang Love. Love has many forms. Mahirap intindihin ang Love, basta just go with the flow. But always guard your heart. You are broken hearted?"

"Paano mo naman nasabi yun? Haist."

"Usually people who ask this question are those who have love problems."

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon