Fourteen

55 9 5
                                        

"Are you okay?

Tumango lang ako kay Tim at ngumiti. Nakakahiya naman kay Tim, kasama ko siya pero parang lumilipad ang utak ko. Si Kyle kasi eh, di namamansin. Ano kaya problema niya?

"May problema ba si Kyle?"
sabi ko kay Tim.

"I don't know, maybe on his work. Ang alam ko tapos na ang hiningi niyang 2 months na leave sa trabaho. Nakapagtataka nga eh, usually nag-a-out of town siya pag nagli-leave siya sa trabaho ngayon nasa bahay lang."

"Baka namiss niya lang kayo."

Bigla siyang tumawa.

"And that's impossible, Kyle is not expressive of what he feels. Nakakapagtaka nga na artista yan eh. He's a great actor.I'm not saying this because he's my brother."

"Oo nga eh, di naman gwapo."

"Hahahaha, some say magkamukha kami. So does it mean, I'm not good-looking?"

"Hala hindi naman kayo magkamukha, wala akong sinasabing pangit ka ah. Gwapo ka nga eh."

Napahawak ako bigla sa bibig ko. Ano bang pinagsasabi ko, nakakahiya.

"Hahaha.. you're flushing red Iyah."

"Eeeh.. Tingin ka lang sa kalsada. Nahihiya ako sa sinabi ko."

"It's okay Iyah, actually I'm fluttered." Ngiting-ngiti siya habang nagdadrive. Hindi na lang ako nagsalita pa, baka kung ano nanaman kahihiyan ang masabi ko.

Pagkadating naman sa parking lot, nauna siyang lumabas.

"Wait."

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya. Ang gentleman niya, hindi katulad ni Kyle.

"Anong gagawin natin dito?" sabi ko nang pumasok na kami sa mall.

"To buy you new clothes."

Tiningnan ko suot ko, masyado bang pangit? Napasimangot ako.

"I'm sorry Iyah, I didn't mean to offend you. What I'm saying is, as part of your transformation we need to change also your style in clothing."

"Hindi okay lang. Naiintindihan ko naman." ngumiti ako sa kanya.

Pumasok kami sa bilihan ng mga damit.

"Good morning Sir, Maam. Para kay Maam po ba?"
Nakangiting sabi nung babae kay Tim.

"Yes please, give her anything that is formal and casual attire."

"Okay Sir. Maam on this way please."

Inakay ako ng babae na sumama sa kanya, tumango si Tim.

"I'll wait you there. Magbabasa muna ako ng magazine." nakangiti niyang sabi.

Sumama ako sa babae, may tinawag din siyang iba para tulungan siya sa mga damit na kinuha niya.

"Pasok ka po Maam."

"Isusukat ko yan lahat?" halos manlaki ang mata ko sa dami ng kinuha nila.

"Yes po. By the way Maam, ang gwapo po ng boyfriend niyo. Bagay kayo."

"Naku nagkakamali ka, hindi ko siya boyfriend." Parang lalo siyang natuwa sa sinabi ko.

"Sige magsusukat na ako." sabi ko ulit.

"Sige Maam, pagtapos na po kayo sabihin niyo po para mapakita kay Sir."

Halos lahat ay sinukat ko, at pagkatapos kong masukat ay ipapakita ko kay Tim.Karamihan naman sa damit na sinukat ko ay nagustuhan niya maliban na lang doon sa mga damit na maiiksi daw masyado.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon