Ten.

49 8 5
                                        

"See that?" tinuro niya ang nasa kabilang kalsada. Ano kaya ang trip niya, naglilibot lang naman kami sa kalsada.

"Oh ano niyan?"

"Ano ba sa tingin mo? That's me whose on the billboard."

"WEEE?"

Naningkit ang mata niya.

"Mahaba pa din buhok mo. Akalain mo yun may billboard ka pala kahit isa lang."

"Are you joking me Manang! Gusto mo bang libutin natin buong NCR? Bilangin mo lang kung ilan ang billboard na may mukha ko. Tss."

"Bakit ka napipikon? Malaking bagay ba talaga sa mga artista kung sikat kayo? Haay"

"It doesn't matter to me. But since it's you, it all matters. Damn it!"

"Ha, ba't ka nagmumura?" Hindi ko kasi narinig sinabi niya kasi halos pabulong na ito at sa labas siya nakatingin.

"Wala! Sabi ko mukha ka talagang Manang!"

Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Arghhh.. Don't give me that look and can you stop pouting your lips! It's disgusting."

"Sumusobra kana ha!" galit kong sabi sa kanya.

"Oohh scary.. Wa..wait.. Look at there!"

Tiningnan ko ang tinuturo niya.

Billboard ito ng lalaki. Hawig ni Timothy.

"Wow! May billboard din si Tim?"

Tumingin na ako kay Caleb kasi di siya sumasagot.

Seryoso itong nagdadrive.

"Hoy, okay ka lang?"

Bigla niyang pinara ang kotse at galit na tumingin sakin.

"Are you really joking me?! That's not Timothy! It's me! Can you stop talking Timothy when you're with me. Goodness!"

"Galit ka ba sa kapatid mo?"

"I'm not mad at him. Sayo ako galit!"

"Alam ko naman yun eh, bakit ba galit ka sakin?"

Nagtinginan kami ng masama, alam ko naman na umpisa pa lang ng makita niya ako inis na inis na siya sakin. Pero bakit? Yun ang hindi niya sakin masabi.

Marami na ang nagbubusina sa mga kasunod naming kotse kaya nagdrive ulit siya at di na ako kinausap.

"Saan tayo pupunta?"

"Because you made me mad. You'll face your consequence."

Seryoso niyang sabi. Hindi na ako nagsalita pa. Kung itatapon niya man ako sa bangin bahala na siya.

Nagpark siya sa isang kainan.

"Kakain tayo?"

"Ay hindi hindi mag-gogrocery tayo. C'mon do not ask question that is too obvious. Tss."

"Malay ko ba kung ikaw lang kakain kasi nga wala namang tayo."

Napatingin siya sakin at tumawa.

"Akalain mo yun, millenial ka din pala. Humuhugot ka din. Saan mo yan natutunan? Hahahaha"

Di ko na lang sya pinansin atleast tumawa sya kaysa naman galit siya.

May sinuot siyang shades at naghood din.

"Huwag mong sasabihin na manghohold-up ka dito?" Gulat kong sabi. Naku mukhang idadamay pa ako nito sa kalokohan niya.

"What are you talking?! Tss.. Sa yaman ko, sa tingin mo kailangan ko pang manghold-up? Where's your head Manang?"

"Araaay ha. Ang sakit mo naman magsalita. Kunting segway naman!" Pilosopong sabi ko.

"Sino ba namang tanga ang tatanong niyan! For Christ sake Manang, I'm a celebrity. Ay oo nga pala, wala kang alam. Ang mga artista hindi pwedeng basta-basta na lang lumabas kasi pinagkakaguluhan."

"Alam mo ang yabang yabang mo. Sobrang layo mo sa kapatid mo. Kung gaano siya ka-humble ganun ka din naman kayabang. Kahit nga siguro huwag kanang magganyan.. Di ka naman sikat."

Binigyan niya agad ako ng masamang titig.

"Stop comparing me to my boring brother, magkaiba kami. Sinong nagsabing di ako sikat? Let's see."

Inalis niya ang shades at jacket niya, pagkatapos ay lumabas ng kotse.

"Baba!"

Nang makababa ako ay inunahan niya ako sa paglalakad. Siguro ay ayaw niyang ipakita sa ibang tao na kasama niya ako.

Imbes na sa restaurant kami pumasok ay naglakad pa kami,papasok sa isang mall.

"May artista!!"

"Papicture tayo bilis!"

Lahat ng madaanan namin ay napapatingin sa kanya.

Ikinagulat ko na lang ng madami ang nagsitakbuhan at lumapit sa kanya.

"Tabi Miss!" Sabi saakin ng babae at agad na lumapit kay Caleb.

"Pwede ho magpapicture?"
Kinilabit niya si Caleb, pero bago ito pumayag ay tumingin sa banda ko at binigyan ako ng nakakalokong ngiti yung tipong nagsasabing "Sino ang sinasabi mong hindi sikat?"

Mas dumami ang mga kabataan na tumakbo at pinagkaguluhan siya. Natatapakan na din ako, at di ko namamalayan na natutulak na ako papalayo sa kanya hanggang sa di ko na siya makita dahil sa dami ng tao.

Mas madami pa ang papatakbo sa  kanya,dahil siguro gusto nilang makakuha ng larawan si Caleb ay di na nila tinitingnan ang dinadaan nila. Pati ako ay naitutulak nila.

"Arayy.." gusto ko ng umiyak ng natumba ako at tumilapon ang cellphone ko. Naku bigay pa ito ni Tim.

Sinubukan kong kunin ang cellphone ko pero nasisipa ito papalayo.

"Teka lang ho." magmamakaawa ko sa mga dumadaan kahit na para akong bata na gumagapang.

Mas lalong napalayo ang cellphone ko kaya agad ko itong tinakbo para makuha dahil baka matapakan.

Nang makuha ko ito ay agad kong binuksan baka nasira kakasipa.

"Hay salamat okay naman."

Tumingin ako sa kinaruruonan ni Caleb.

"Hala nasaan nayun?"

Inilibot ko ang tingin ko. Wala na siya.

"Caleb?" Napapatingin sakin ang mga dinadaanan ko. Di ko alam kung saan ako pupunta.

Tinitingnan din nila pananamit ko. Mas lalo akong umiyak.

"Caleb nasaan ka na ba?"

Nang makita ko ang daanan palabas, lumabas agad ako.

"Caleb.."

Lumalayo ako sa mataong lugar kasi ayoko kung paano nila akong tingnan.

"Miss okay ka lang?"

May tatlong lalaking lumapit saakin. Pero iba ang ngiti nila..

"Nawawala ka ba? Samahan ka namin."

"Ayoko."

Tumakbo ako papalayo sa kanila.

"Caleb....Nasaan kana ba?"

Umupo ako sa gilid, at umiiyak. Yumuko na lang ako at yinakap ko ang sarili ko. May mga dumadaan din pero wala silang pakialam.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon. At alam kong namumugto na din mata ko kakaiyak.

Lord, pinabayaan na ba ako ni Caleb? Ito ba ang gusto niyang mangyari sa akin?

Biglang may humatak sa akin patayo at yinakap ako ng mahigpit.

"You scared the hell out of me! I'm so sorry."

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon