Ang sakit na ng kamay ko, inaantok pa ako. Ito kasing si Rita eh, talagang nahirapan akong matulog kagabi.
Pumasok ulit si Canary na may mga dalang folders.
"Pipirmahan ko pa yan?"
"Yes Maam."
"Ayoko naaaa."
Natawa sakin si Canary.
"Ang dami naman nito. Iwan mo na lang dito sa gilid. Babasahin ko pa yan lahat."
"Maam, naghihintay po pala si Sir Ethan sa labas. Papasukin ko na po ba."
"Yes please."
Pagpasok ni Ethan ay may dala itong pagkain. Sinalubong ko siya, agad naman itong nagbeso sa akin. Medyo nahihiya pa ako. Naalala ko kasi si Kyle. Pinagbabawalan niya akong makipag-usap kay Ethan. Ang hirap naman nun kasi magkatrabaho kami. In-charge siya sa Financial dept.
"Salamat ha. Nag-abala ka pa. Upo ka."
"How is our Pres.?"
"Nakakapagod maghapon. Ang hirap talaga magtrabaho."
"Hahaha. Don't stress yourself sige ka papangit ka."
"Dati na akong pangit no."
"Who said that? Ang ganda kaya ng Pres. ng kompanya namin."
"Che bolero. Anyway, may gusto ka daw i-discuss."
Nagchange topic agad ako, baka kung saan nanaman mapunta ang usapan na to.
"Ah yes.. Regarding the fund of our new construct building in Cubao. Mayroon lang akong nakitang nakakaduda. Look at these."
"Who is in-charge to this project?"
"It's Kristina's team."
Napakunot ang noo ko.
"Merong dalawang buwan na hindi inilagay ang mga procured materials pero nakalagay ang budget. Paanong nangyaring napirmahan ang check without the list of materials."
"That's what I'm asking also. Since bagong construct pa lang ang building, we can invistigate who are accountable for the loss money."
"Thank you Ethan for raising this problem to me. Magpapatawag na lang ako ng board meeting regarding this issue."
Tumango siya.
"Smile Iyah, hindi bagay sayo na nakakunot ang noo."
Hinawakan niya ang mukha ko at parang minamassage, nagulat ako sa ginawa niyang yun."What on Earth is the meaning of this?"
Tinapik ko kaagad ang kamay ni Ethan nang marinig ko ang tinig na yun. Boses pa lang alam kong siya na yun.
"Oh it's you Kyle. We're just talking about some issues."
"Kasama ba sa issues na yan ang pagmasahe ng mukha ng boss mo?"
Ngumisi si Ethan. Haay naku.
"Ethan you may go back to your office. Salamat ulit."
Umalis na nga si Ethan, nagpamewang naman ako kay Kyle.
"Can you please explained what just happened? Bakit siya nakahawak sa mukha mo?"
"Kung ano yung nakita mo, yun na yun. Hindi ko kailangan mag-explained."
"But I need an explaination."
"Haist, ang kulit mo naman. Ewan ko dun, nagulat na lang din ako sa ginawa niya."
Kinuha niya panyo niya at dumiretso agad sa table ko.
"Where is your alcohol? Hindi niya ba alam na boyfriend mo ako!"
Kinuha ko ang alcohol ko sa bag ko at ibinigay sa kanya. Bigla niyang binuhusan ang panyo niya at papalapit sakin.."Excuse me! Nangliligaw kapa, hindi pa kita boyfriend. What are you doing? Ano ba alcohol yan!"
"Pareho na din yun! Don't move your face! Tss. I'm just removing the bacteria he left on your face. Tss. Baka kung ano pang virus ang dala niya."
"Ang OA mo ha!"
"Yes I'm really OA, this is because of you.Maghilamos kana nga lang."
Hinatak niya ako papasok ng comfort room ng opisina ko. Wala akong nagawa kundi maghilamos ng mukha ko.
Paglabas ko ay nakita kong inuubos niya yung pagkaing dala ni Ethan para sakin..
"Bakit mo inubos. Sayo ba yan?!"
"I'm hungry. I'll just buy you later."
"Binigay sakin yun ni Ethan hindi sayo."
"That's why I'm eating all of these."
"Baliw kana, patingin kana sa doctor."
"Nakakabaliw ka kasi."
Napangisi na lang ako sa pinagsasabi niya.
"Tumigil ka nang paglalandi mo sakin."
"Uyy nagugustuhan niya na ako."
"Baliw. Bakit ka nga pala nandito?"
"Wala lang, I don't have work today. Na- cancel yung show ko sa Cebu kaya dumiretso ako dito."
"Umuwi kana lang sa bahay. Magpahinga ka muna."
"You sounded like a wife. Ulitin mo nga, it's really nice to hear."
"Tigilan mo nga ako. Umuwi kana kasi, may trabaho ako. Kita mo to? Ang dami kong pipirmahan."
Kumuha siya ng upuan at lumapit sakin.
"Just continue your work. I'm just here, don't mind me."
"Huwag ka diyan, di ka makakatulog ng maayos."
Nag-lean lang siya ng ulo sa mesa ko pero nakaharap sakin.
"It's okay, I want to sleep near you.Wake me up when you're done with that. Let's go home together."
sabi niya at ipinikit ang mata niya.And there's something inside me na parang kinikilig. Ah ewan. Ito na ata ang sinasabi nila na kinikilig. Napangiti na lang ako.
Di ko maiwasan na mapatingin sa kanya habang ginagawa ang trabaho ko. Nakakadistract naman kasi ang mukha niya.
Nakatulog agad ito ng mahimbing.
"Buti na lang hindi na mahaba ang buhok mo at wala kanang bigote. Gumwapo ka tuloy sa paningin ko."
Hala! Bakit ko ba yun nasabi? Tinapik ko din ang kamay ko na humahawak sa mukha niya. Baliw na din ata ako.
"Hello Canary? Pwede bang pabili sa labas ng maliit na unan. Salamat."
Utos ko kay Canary.
Makalipas ang 30 minuto ay pumasok si Canary na dala ang maliit na unan.
"Hala si Kyle Santos."
"Ssssshhhh. . Akin na yan." saway ko sa kanya, bigla kasi siyang na-starstruck kay Kyle.
"Maam si Kyle."
"Oo alam ko, tulungan mo ako dito. Chance mo na tong mahawakan si Kyle."
"Maam nanginginig ako."
Hala siya. Ganoon ba talaga pag nakakakita sila ng artista?
Inangat ko ang ulo niya at inilagay ang unan sa mesa para mas maging komportable ang pagtulog niya.
Naalimpungatan siya pero agad kong hinimas ang ulo niya para makatulog ulit. Buti naman at nakatulog siya.
"Ang sweet mo naman Maam na girlfriend."
"Ngee.. Di ko siya boyfriend no. Nakikitulog lang yan dito."
"Wow ang sweet niya naman Maam, binabantayan ka sa trabaho. Mas pinili niya pa kayo Maam kaysa magpahinga sa bahay niya.Ang swerte mo Maam. Halatang mahal na mahal ka. Alam niyo ba Maam, sinabi niya rin sa isang interview na he is in love."
Napangiti ako at tumingin sa napakaamo niyang mukha. Dapat pala tulog lang siya palagi. Hahaha
"Oo nga eh, ang swerte ko sa kanya."
![](https://img.wattpad.com/cover/120043360-288-k993140.jpg)
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...