Fifty Nine

6 1 0
                                        

"Kumain ka Iyah ng marami. Tingnan mo nga ang sarili mo ang payat mo na. Ito oh kamote at fried fish.Alam kong paborito mo yan kaya nagpahanda ako."

"Salamat po Tita Rose."
Masaya kong kinuha ang pagkain at nilantakan ito.

Simula kasi nung lumipat ako sa kabilang bahay, wala akong matinong makain. Puro de lata. Pwera na lang pag andun sina Tim na dinadalhan ako ng pagkain.

Sama-sama kaming nag-aalmusal.

"Akala ko ba uuwi ang anak natin? Nasabi ba sayo Iyah kung nasaan siya?" tanong ni Tito Arman.

"Ah..Hindi po."

Sabi niya uuwi siya. Kahit na nagtatampo ako sa kanya kagabi umasa pa rin ako na uuwi siya. Pero walang Kyle na dumating kagabi. Halos di pa ako makatulog kakaisip kung saan siya umuwi at baka kasama niya si Margaux. Baliw nga siguro ako kasi sinabi ko pang ihatid niya si Margaux, ako tuloy yung parang nababaliw na kakaisip kagabi kung ano ginagawa nila. Haist.

"Baka may biglaang taping sila Dad. Hayaan niyo na umuuwi naman yun dito pag wala siyang gagawin." sabi ni Tim at ngumiti sa akin.

"Anyway Tim and Mariyah, I expect a lot of you today's meeting with our new client."

"Hoy Arman, di ba sabi ko kapag kumakain walang business business." saway ni Tita Rose. Haha. Ayaw niya daw kasi ng stress ang pinag-uusapan kapag kumakain.

"Sorry mahal. Oh eat this." Sinubuan ng kanin ni Tito Arman si Tita.

"Aww. Ang sweet mo talaga."

Napangiti na lang kami ni Tim sa paglalambingan nila.

After naming magbreakfast kay Tim ako sumabay na kotse papasok sa office. After 2 weeks ay papasok na ako.

"Ready kana bang pumasok ulit?"

"Oo, mas magagampanan ko ng maayos ang trabaho ko kung nasa office ako. At okay na din naman pansamantala ng natigil muna ang panggugulo ng Tito ko."

"Basta tumawag ka kaagad sakin ha. Anyway, may hinired naman si dad na magbabantay sa labas ng office mo."

"Ang dami niyo na talagang tulong. Hindi ko na alam kung paano ako makakabawi. "

"Just keep safe, that will be fine. Nga pala, kamusta na kayo ng kapatid ko?"

Nagkibit-balikat lang ako.

"Oh I smell lover's quarrel."

"Si Kyle kasi, nagsinungaling sakin kagabi. Hindi naman ako magagalit kung kasama niya mga kaibigan niya at kung saan sila pumunta. Pero bakit kailangan niya pang magsinungaling. Kasama niya pa si Margaux. Ano ba naman kung sabihin niya ang totoo diba? Kapag ang lalaki nagsisinungaling kung nasaan siya at kung sino kasama niya, ano ba ang ibig sabihin nun?"

"Depende kasi, hindi ko alam kung anong rason niya."

"Ikaw bilang lalaki, ano yung reason bakit nagsisinungaling kayo sa mga girlfriend niyo?"

"Mali atang nagtanong ako sayo kung kamusta kayo. Nadamay ako. Hahaha."

"Okay lang kung ayaw mong sagutin."

"There are white lies and bad lies. Depende sa tao kung ano yung reason. I believe Kyle will not cheat on you. Sasayangin ka ba niya? I guess not."

"Sana nga."

Pagpasok namin sa kompanya marami ang bumati sa akin.

"Ma'am lalo kang gumaganda." Bati sakin ng isang staff. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Good morning Ma'am." Bati sakin ni Canary. Pumasok na din siya kasi sinabi kong papasok na ako.

Hinanda ko ang irereport namin.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon