Akala ko talagang magiging maayos ang pananatili ko sa bahay na ito. Ilang araw ng wala akong lagnat pero mukhang sa araw-araw na nakikita ko ang lalaking ito ay parang lalagnatin nanaman ako.
"Manang Mariyah! Manang! Manang!"
Tulad niyan, palagi niya akong tinatawag na Manang. Mukha daw akong matanda at kung anu-ano na lang ang pinapagawa niya sakin. Kapag nandyan sina Tita Rose di niya ako kinikibo. Kapag alam niyang walang ibang tao saka niya ako aasarin. Mayroon pang isang beses na binato niya lahat ng damit niya sa sala at pinapulot sakin. Abnormal ata to o sadyang papansin lang.
Di ko siya pinansin at pumunta sa kusina.
"Hoy Manang!"
"Caleb why are you shouting to Manang!!"
"Ouch! Ma! Stop it!"
Natawa ako ng makita kong pinipingot siya ni Tita Rose.
"Hindi ba kita tinuruan ng tamang asal ha!"
"I'm not referring to Nanay Loreng, tss. I'm referring to that girl!"
"Aba't salbahe ka talaga! Halika nga dito!"
At hinila na siya ni Tita Rose paalis sa kusina. Hay salamat buti naman. Natatawa din si Manang Loreng.
"Pagpasensyahan mo na si Caleb ha. Makulit talaga yun, buti nga at umuuwi na yan dito. Himala nga at mas madami ang oras niya na nandito sa bahay kaysa noon. Natutuwa akong nakikita siya dito at parang bumabalik ang kakulitan niya. Simula ng mag-artista yan, parang tumanda agad ang pag-isip."
"Pati po hitsura parang tumanda." wala sa sariling nasabi ko ito na ikinatawa ni Manang Loreng.
"Hahaha, may ginagawa kasi syang teleserye na kung saan ang role niya ay ganuun dapat ang hitsura. Manood ka Iyah kapag gabi."
"Naku hindi po ako interesado sa panonood ng tv."
"Try mo lang Iyah, maganda ang teleserye ni Caleb. Lalo na't ang kapareha niya ay si Margaux."
"Sige po papanuodin ko mamayang gabi."
Sabi ko na lang kahit wala akong balak na manood.
"Iyah, pinapatawag ka ni Maam Rose." Nakangiting sabi ni Rita sa akin. Agad naman akong pumunta sa sala kung saan nandoon silang mag-iina. Nakangiti sakin si Timothy habang yung isa ay ang sama nanaman ng tingin. Yaay!
"Maupo ka anak, may mahalaga lang akong dapat sabihin. First of all, I want to say sorry for the wrongdoings of my son. Pilyo talaga yan, pinapaalis ko na nga ng bahay eh."
"Ma, now that I want to stay here pinapaalis niyo naman ako. Noong ayaw kong bumalik dito, pinipilit niyong umuwi ako dito. Don't tell me, you're choosing her over your gorgeous son."
"He! Tumigil ka dyan sa kakapa-cute mo Caleb! Walang epekto yan sakin, gusto mo ihampas ko tong tsinelas ko sayo ng tumino kana. Pati itong si Iyah, pinagdidiskatahan mo. Mas mayaman pa si Iyah kaysa sayo."
"I don't care! She's still a Manang-looking to me." sabi nung lalaki. Grabe talaga siya makapaglait.
"Stop it Caleb! You're talking rubbish again. Watch your mouth."
"Whatever dude! Araaaaay! Maaa!" sabi niya kay Timothy.
Biglang may tumilapon na unan na tumama sa pagmumukha niya mismo. Natawa ako sa ginawang iyon ni Tita Rose.
"What are you laughin' at Manang! tss."
"Isa pa Caleb ng kaka-Manang mo kay Iyah, itong vase na ang tatama dyan sa ulo mo. Umalis ka nga dito, di ka naman kailangan sa pag-uusap namin."
Bored na umalis siya, buti naman.
"Sorry talaga Iyah sa pagiging isip-bata ng anak ko. Hayaan mo, di kita irereto sa kanya. Dito kana lang kay Timothy. Hahaha."
Ngeeh.. Ano kaya yun? Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Tita Rose.
"Isa ka din Ma eh! Ako na nga kakausap kay Iyah, natu-trauma na siya sainyo."
"Ah basta, magiging Mrs. Santos siya! Sige na anak, ipaliwanag mo na kay Iyah ang dapat niyang gawin."
"Ganito kasi yun, we hired private tutor to teach you the basic etiquette in business industry. Pati na rin ang about sa business ng pamilya niyo. It will start tomorrow. We are doing this para pag humarap ka sa pamilya ng daddy mo, they will not humiliate you or doubt your ability. This may be a tough start, but you'll get it. And we are going to start with your transformation."
"I told you, you really look like a Manang. Hahaha."
Nagulat ako ng bigla na lang nasa likod ko na yung lalaki. Nakakaasar na siya.
"Ikaw talaga! Halika nga dito!" Hinabol siya ni Tita Rose.
"Kahit anong make-over it won't help her. Wala ng pag-asa. Hahaha." Sigaw niya habang tumatakbo.
Napabusangot tuloy ako sa sinabi niya. Siya lang ang lalaking nagsabi nun sakin, napakawalang-hiya talaga.
"He's being so childish again. Don't mind him. So, are you ready tomorrow?"
"Hindi ko alam, pero bahala na."
"Don't worry, I'm always at your back. Di kita pababayaan." isang matamis na ngiti ang ibinigay niya saakin. Nakakahawa naman ang ngiti niya, pati ako napapangiti.
"Salamat sa tulong niyo sakin Timothy."
"Ano ka ba, you're part of our family. Oh by the way, this is yours." May inabot siya sakin na kahon. Kahon ng cellphone!
"Hala! Para saan to?"
"Para sayo yan, let's say, a simple gift for our friendship. Bawal tumanggi sa regalo. Para na din may communication tayo, in case may kailangan ka or you need help just beep me. Okay?"
"Pero...."
"Wala ng pero, pero.. Just take it please."
"Sige, maraming salamat dito ha."
"Anything for you. Sige mauna na ako."
Saka siya nagpaalam para pumunta na ng opisina.
"Tsk! Tsk! I think
my brother likes you."Biglang sumulpot sa gilid ko yung lalaki.
Wala akong balak na pansinin siya kaya tumalikod na ako at akmang aalis na pero hinawakan niya ako sa braso."You are not allowed to like other guys."
Seryoso nitong sabi saka umalis.
Ha? Ano daw? Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking yun!
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...