Nagising ako ng maramdaman kong nilalamig na ako. Tumayo ako pero nagulat ako ng may nakapatong na sakin na jacket. Pagtingin ko sa katabi ko halos kulang na lang ipulupot niya ang sarili niyang katawan sa sobrang lamig. Binigay niya sakin ang jacket niya.
"Kyle.. Kyle..." Ginigising ko siya para makauwi na din kami. Mag aalas 2 na din ng umaga.
Tumagilid siya at humarap sa akin. Tiningnan niya lang ako at yinakap.
"I need warm body."
Namumula ata ang mukha ko. Umaalis ako sa pagkakayakap niya.
"Halaaa. Tayo kana, uwi na tayo. Ang lamig na dito. Baka hanapin tayo sa bahay."
"I'll just make excuses?"
"Tulad ng?"
"Nagtanan tayo at.. Ouchhh!"
Kinurot ko siya."Ano ba namang palusot yan?"
"Ba't ka nangungurot? Sinisira mo skin ko."
Ang arte, pero totoo naman mas maganda nga ang kutis niya. Mas maganda pa nga ang kutis niya kaysa kay Tim.
Inagaw niya bigla jacket niya.
"Kaya pala nilalamig ako kinuha mo jacket ko."
Nanlaki mata ko sa sinabi niya.
"Hoy sobra ka! Di ko yan kinuha. Di ko nga alam kung bakit nakapatong na yang jacket mo sakin!"
"So you're saying I'm the one who put my jacket to you?"
"Syempre, tayo lang naman nanditong dalawa. Kung hindi ako, edi syempre ikaw."
Biglang nanlaki mata niya at tumingin sa paligid.
"Pwera na lang kung......
TAKBOOOO!!!"
"AHHHHHHH" Napatakbo din ako dahil sa pagtakbo niya.
"Hoy! Hintayin mo ako!"
Pumasok agad siya sa kotse niya.
Ang bilis na ng tibok ng puso ko. Hindi ko na din maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko.
"Balak mo ba akong iwan?!" Galit kong sabi sa kanya.
Habang siya ay tumatawa.
"Hahahah. I can't believe it! Sa tanda mo ng yan naniniwala ka parin sa multo. Hahaha."
"Hindi ako matatakot kung di ka tumakbo!"
"I was just pranking on you! Hahaha"
Tiningnan ko siya ng masama, balik nanaman siya sa pagiging makulit niya. Bumaba ako ng kotse.
"Heeey! Where are you going?"
"Aayusin ko mga kalat dito!"
"Don't mind that! Hayaan mo na may kukuha na lang niyan."
"Grabe ka! Matapos mong magkalat, iba ang papaayusin mo. Ayos din yang ugali mo no?" Sabi ko habang nililigpit ang mga gamit.
"What I'm trying to say is, mang-uutos na lang ako na mag-ayos niyan."
"Ganun pa din yun, ngayon gagamitin mo pa pera mo. Akala niyo namang mga mayayaman lahat nadadaan sa pera. Kung kaya mo namang gawin, ikaw na ang gumawa huwag ka ng mang-utos. May kamay ka naman. Kaya di umuunlad ang Pilipinas eh. Ang daming tamad."
Sunod-sunod na sabi ko.
Pinigilan niya ako sa ginagawa ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
Pinisil niya ang pisngi ko, pagkatapos nun ay tinulungan niya akong magligpit ng mga gamit.
"Ang daldal mo.Ito na nga, liligpitin ko na PO. Okay na PO ba?"
"Good." sabi ko at lihim na ngumiti.
----------------------------------------------------------
"Kayong dalawa saan kayo galing?!"
Yan agad ang sinabi sa amin ni Tita Rose nang makapasok kami sa loob ng bahay.Nagulat sina Manang Loreng sa pagdating namin ng mag aalas-4 na ng umaga.
"Ikaw kasi Nanay Loreng, sabi ko sayo quiet ka lang." sabi ni Kyle agad siyang nilapitan ni Tita Rose at piningot sa tenga.
"Ouch Ma!"
"Huwag kang magrereklamo! Saan mo dinala si Iyah ha! Dinamay-damay mo pa sa kalukohan mo!"
"Ma! Mamaya na tayo mag-usap. Pagod kami, balik kana sa tulog. Sige ka, magsisilabasan lalo ang wrinkles mo."
"Anong sinasabi mong pagod ha?! Anong ginawa niyo?!"
Pinagpapalo niya si Kyle, gustong-gusto ko ng matulog. Inaantok pa ako. Di ako nakatulog sa byahe pagbalik sa bahay kasi ang dami niyang sinasabing pang-aasar sakin. Tulad ng kung bakit daw ang pangit ko, kung bakit daw mahaba buhok ko, kung bakit daw ang baduy ko, para daw akong jejemon. Pinapabayaan ko na nga lang siyang magsalita kasi iniisip ko mapapagod din siya magsalita pero HINDI. Hanggang pagdating namin ng bahay ang daldal niya pa rin, pati yung mga artistang patay na patay sa kanya kinikwento niya. Ganoon ba talaga ang mga artista madaldal?
"Totoo ba yun Iyah?"
Nagulat na lang ako sa tinatanong sakin ni Tita Rose . Ano na ba ang pinag-uusapan nila? Masyado na atang lumipad ang utak ko.
"Ano po ba yun?"
"Totoo bang niyaya mo si Kyle para mag stargazing?"
Hala.. ako pa daw ang nagyaya. Kapal naman ng lalaking to. Sasagot na sana ako, pero sinenyasan ako ni Kyle na um-oo na lang.
"Ah opo, namimiss ko po kasi yung probinsyang feeling. Sorry po inumaga na po kami. Nakatulog po kasi ako, nahihiya nga po ako kay Kyle kasi napagod sa byahe. Naistorbo ko pa siya."
Pagsisinungaling ko, kaya naman si Kyle ay halos mapunit na ang bibig dahil todo-ngiti. Pasalamat siya, pinalusutan ko siya. Nagmukha siyang mabait kay Tita Rose.
"Ah ganoon ba? Akala ko kung may ginawa nanaman tong kalokohan. Oh siya kung ganoon magpahinga na kayo, alam kong inaantok pa kayo."
"I told you Ma, I'm well-behave. Mana ata to sayo, mabait. Go back to your sleep Ma and Nanay Loreng." pagmamayabang niya at nagkiss sa mama niya sa pisngi. Bumalik na sa kani-kanilang kwarto sina Tita Rose.
Umakyat na din ako at papasok na sana sa kwarto. Pero humarang nanaman si Kyle.
"Ano nanaman, doon ang kwarto mo diba? Gusto ko ng matulog."
"Thank you!"
sabi niya ng nakangiti."Para sa?"
"Dahil nagdate tayo kagabi. Thank you sa pagyaya sakin makipagdate."
"Anong date pinagsasabi mo? Hindi yun date! Tsaka ako pa magyayaya sayo? Ang yabang mo talaga."
"Sshhhh.. Matulog kana, basta nagdate tayo kagabi.
I'm your first date. Bye, sleep well Manang!"
Sabi niya at tumakbo patungong kwarto niya.
So para sa kanya date na yun? Napangiti na lang ako, para siyang bata. Ang kulit!

BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
Literatura FemininaNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...