Sixteen

65 9 14
                                    

Parang automatic yung kamay ko na napasampal agad sa kanya.

Tumakbo ako palabas, pagkasara ko ng pintuan ko ay napasandal ako sa pintuan. Hinawakan ko ang labi ko,
di ko din maintindihan ang lakas ng tibok ng puso ko. Huhu, first kiss ko yun eh.

Di ako makatulog ng maayos, nakaka-100 gulong na ata ako sa kama pero di pa rin ako makatulog.

"Kasalan to ni Kyle! Magnanakaw ng halik."

Kapag naaalala ko yun, napapapadyak ako sa higaan ko.

"Gusto ko na talagang matulog."

Bumaba ako patungong kusina para uminom ng gatas. Baka sakaling makatulog agad ako.

"Manang."

Muntikan ko nang maibuga ang iniinum ko dahil sa gulat.

"Ano ba! Bakit ba bigla kana lang sumusulpot?"

Hinampas ko balikat niya. Bigla-bigla na lang nasa gilid ko.

"Kanina pa ako dito, ako ang nagulat sayo. Akala ko multo ka."

Tiningnan ko siya ng masama. Hindi na lang ako sumagot baka humaba nanaman ang usapan namin. Tumalikod ako para ilagay sana sa sink yung basong ginamit ko nang inagaw niya ito sakin.

"Iinum din ako."

"Nagamit ko na yan, ayun oh may baso pa. Kumuha kana lang."

"I refer drinking the same glasses with you."

"Ang kadiri mo..... hala siya, uminom nga."

"What's wrong with that? I have already kissed you, so there's nothing wrong anymore if we shared same glasses, spoons or plates."

"Blah bla blaah.. tama na! Di na nga ako makatulog dahil doon inulit mo nanaman. Nakakainis ka talaga kahit kailan."

Padabog akong naglakad pabalik sa kwarto.

"Nakakainis talaga siya, parang wala lang sa kanya yung nangyari. Samantalang ako kulang na lang bilangin ko lahat ng buhok ko para lang makalimutan yun."

Nahiga ulit ako at pinilit kong makatulog.
-----------------------------------------------------------------

"Anong nangyari sayo? Ang itim ng eyebag mo." sabi ni Rita habang inaayos ang mga hinugasan ni Manang.

"Wala akong tulog."

"Bakit? Di ka makaget-ovet sa date niyo ni Kuya Timothy?"

"Di ah, si Kyle kasi."

"Si Sir Kyle? Bakit naman? Nasasaktan kang di mo siya makikita araw-araw dito sa bahay? O mamimiss mo pang-aasar niya?"

"Hindi din. Bakit ko naman mamimiss pang-aasar nun. Buti nga yun eh, para tahimik buhay ko."

"Ang close niyo na nga eh."

"Kami close? Hindi no!"

"Oo kaya, lagi kayong masaya pag nag-aasaran. At alam mo ba napapansin ko lang, iba ang glow ni Sir Kyle kapag kausap ka niya."

"Natural ibang saya niya kapag nakikita niya akong napipikon. Alam mo ba, pag kausap ko siya nauubos din ang pasensya ko."

"Hindi eh, iba talaga. Parang crush ka niya.! Oo tama! May gusto siya sayo."

"Paano mo naman nasabi yun?"

"Kapag di ka niya nakikita, tinatanong niya kung nasaan ka tapos pupuntahan ka. Maya-maya makikita ko na lang, nag-aaway na kayo. Kahapon nga eh, nang umalis ka oras-oras tinatanong kung nakauwi na daw kayo. At kitang-kita ko ang ang galit sa mata niya.Oh my, ang talino ko. Napagconnect ko ang mga pangyayari. Tapos nagtanong pa siya kung saan kayo pumunta, nang malaman niya agad siyang umalis. Bago din kayo makauwi, nauna siyang dumating. Feeling ko sinundan niya kayong dalawa sa mall."

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon