Forty Two

45 5 4
                                        

"Meron naman dun na isang kwarto. Doon ka nga."

"Ayoko nga!"

"Bakit ba gusto mo dito sa kwarto ko?"

"Alangan naman doon mo ako patulugin sa kwarto ng lolo at lola mo dati. Mamaya magpakita pa sakin sina lola mo."

"Hahahahahahaha... Hala ka!! Yan kasi lagi mo akong inaaway. La, ito na ho yung kinukwento ko sainyo si Kyle. Lagi niya akong inaasar. Turuan niyo nga La ng leksyon....

Aray! Bakit ka namamato!?"

Bigla niya akong binato. Nakikita kong natatakot siya sa sinasabi ko. Hahahaha.

"Umalis ka nga dito. Doon ka matulog!"
Nahiga na siya sa kama ko kaya hinatak ko paa niya.

"Ako diyan! Alis.."

Napaupo siyang bigla.

"Just to remind you, bahay ko na to. I. WILL. SLEEP. HERE. You go out."

saka niya tinakpan mukha niya ng unan.

"Bangungutin ka sana!"

Padabog akong lumabas. Nang makalabas ako bumalik ulit ako.

"Namiss mo agad ako?"

"Hindi ah! Nakalimutan kong wala akong pamalit na damit. Lalabas muna ako."

"No need, I already bought some clothes. Andun na sa room mo.

Oh ano?Tutunga ka lang diyan? Baka gusto mo ako pa magbihis sayo ng damit. I'm willing to do that."

Napangiwi ako sa kanya.

"Bastos!"

Tumatawa siya habang papalabas ako. Kahit kailan talaga may sira ang ulo niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Napangiwi ng makita ko ang damit na binili niya.

Kinuha ko mga binili niya.

Padabog akong kumatok..

"Balak mo bang siraan ang pintuan!"

Gulo-gulo na buhok nito at halatang nakatulog na.

"Anong klaseng damit naman tong binili mo! Pasusuutin mo talaga ako ng ganito?!"

Binato ko yun sa kanya. Tawa naman siya ng tawa.

"Hahaha.. Why? What's wrong with wearing of nighties! Hahahaha!"

"Wrong? wrong?! Lahat mali! Ikaw kaya pasuotin ko niyan. Nakakainit ka ng ulo."

"Sayang naman nito kung di mo susuotin?"

"Edi ikaw magsuot niyan!"

sabi ko at naglakad pabalik ng kwarto.

"Napakamanyakis mo talagang lalaki ka!" sabi ko habang naghahanap sa cabinet ni lola kung may magagamit akong damit.

"Nighties?! Seryoso ba sya! Ipakain ko sa kanya yun eh!"

inis na inis pa din talaga ako.

Maya-maya ay may kumakatok.

"Ano nanaman!?"

"Ah Iyah, si Tatang Berto mo ito."

Napasampal ako sa noo ko. .Ano ba yan Iyah, pati si Tatang Berto nasusupladahan mo na.

Pinagbuksan ko ng pintuan si Tatang Berto.

"Pasensya na ho Tatang. Akala ko si Kyle."

Natawa siya sa sinabi ko.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon