Seventy Six

13 0 0
                                    

"As you can see mostly memories with Mariyah was erased in his memory. I thought naglilimut-limutan lang talaga siya. But to my analysis, he has so much emotion with Mariyah even before naging sila. Kaya what I can suggest is that you go the places you've been before that will really help him remember such places together with you. Besides, makakatulong din yun for him to unwind.And you know quality time together also." sabi ni Caspian..

Nasa study room kami nina Tita Rose.

"Thank you so much Doc." saad ni Tita Rose.

"I'll give you a week first, let's see kung anong progress niya. I'll depend it to you Mariyah. I will ask every now and then for your updates."sabi niya.

"Makakaasa ka Caspian."

"Kakausapin ko lang si Kyle."

"Sige Doc. Samahan kana ni Iyah, may kakausapin muna ako."Paalam ni Tita.

Lumabas na din kamimg dalawa. Sabay kaming naglalakad.

"Nagbago ata ulit pananamit mo?"

"Ah ito ba? Wala lang, parang di naman kasi effective yung sinasabi nila. Haha."

Nakadress na kasi ako hindi na yung sobrang habang saya.

"But it look nice also to you. Conservative pa naman din tingnan."

Yung mga dress ko kasi hindi naman siya above the knee. Mahaba ito.

"By the way can I get your number? Para sa updates mo kay Kyle." sabi niya.

Kinuha ko naman ang phone niya at nilagay ang number ko.

Nagring naman yung phone ko.

"That's me. Save mo na lang din."

Yun naman ang ginawa ko.

Hinatid ko lang siya sa pintuan ng kwarto ni Kyle, di na ako sumama sa loob. Alam niyo na, sungit mode siya lagi sakin.

"Sige ikaw na muna bahala sa Tigre. Hahaha." natawa din siya sa sinabi ko saka tuluyang pumasok.

*toot!toot!"

09*********

Ma'am Mariyah, ako to si Canary. Andito na siya sa Pilipinas. Ito lang ang alam kong makakabawi ako Ma'am. Pasensya na po.

Nang mabasa ko yun ay di na ako nagdalawang isip na magreply.

Salamat Canary! Malaking bagay na yang ginagawa mo. Mag-iingat din kayo ng Mama mo.

Reply sent!

Naghintay pa ako na magreply niya pero wala na.

Sana ay okay lang sila. Kailangan ko magdoble-ingat.

Tamang-tama andito si Timothy at Kristina. Kakausapin ko siya.

Nasa garden silang dalawa.

"Kristina, pwede ko bang mahiram sandali si Tim?"

"Sure, basta ibalik mo agad ha.. Hahaha. Joke..Sige iwan ko muna kayo, mukhang seryoso ang pag-uusapan niyo."

Umalis naman si Kristina, saka ako umupo.

"Is there something wrong Iyah?" nag-aalala niyang tanong.

"Sorry Tim, inaabala pa kita sa sarili kong problema. Wala na kasi akong malapitan."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Relax Iyah, ako lang to oh. Partner in crime." at binigyan niya ako ng assurance na ngiti.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon