Forty Seven

25 4 0
                                    

"La, Lo... Si Kyle ho.. hmm. b-boyfriend ko po."

Naiilang pa din ako sabihin na boyfriend ko na ang isang Kyle Caleb Santos.

Nandito kami ngayon sa puntod ng lolo at lola ko. After niyang sabihin na magpakasal na kami, di ako mapakali kaya binawi niya din agad. Sabi niya akala niya daw papayag agad ako kasi kung pumayag daw ako magpapakasal daw talaga kami agad-agad. Baliw talaga.

Nagulat ako sa pagluhod ni Kyle sa harap ng puntod nila.

"Lola and lola, sayang po at di ko kayo nakita. Nagpapasalamat po ako na inalagaan niyo po si Mariyah at hindi niyo ho hinayaang paligawan sa iba. Ako po pala si Kyle ang 1st boyfriend ni Mariyah. I'm happy to meet you po. Huwag po kayong mag-alala, aalagaan kong mabuti si Mariyah at syempre.."

Bigla siyang tumingin sakin at ngumiti.

"mas mamahalin ko din po si Mariyah."

Siguro kung ibang tao ang nakakakita sa kanya ay pagtatawanan siya sa ginawa niya. Pero ako hindi. Sobra akong natatouch sa ginawa niya.

Tumayo ito hinalikan ako sa noo.

"Thank you Mariyah. Pinakilala mo ako sa mga grandparents mo."

Dahil lang dito di mapawi ang ngiti niya.
Nagtagal pa kami ng ilang minuto saka umuwi. Dumaan din kami sa dati naming bahay para magpaalam na. Ngayon ay nandito na kami sa bahay ni Kyle.

"Nanay, matagal-tagal ho bago kami makabalik ni Mariyah. Kayo na lang ho uli bahala dito. Lagi po kayong mag-ingat."

"Kayo din Kyle anak at Mariyah. Masaya akong natagpuan niyo na ang pagmamahal sa bawat isa. Nawa'y mas magmahalan pa kayo lalo at huwag maghihiwalay.Oh siya, humayo na kayo at baka kayo'y malate sa flight niyo."

Niyakap ko siya.

Naging malaking parte ang lugar na ito sa pagsisimula ng pagmamahalan namin ni Kyle. Dito kami unang nagkita at dito din kami nagkaaminan ng pagmamahal.

Tiningnan ko ang mga kamay namin ni Kyle na magkahawak habang nagdadriven siya.

"Kyle...may isa lang sana akong pakiusap."

"What is that?"

"Pwede bang ilihim muna natin ang relasyon natin?" Bigla siya napatigil. Inalis niya din ang kamay niyang nakahawak sakin.

Buti na lang at walang mga sasakyan na dumadaan dito. Iginilid niya ang sasakyan niya.

"Why will we do that?! Ikinahihiya mo ba ako?"

"Hindi naman sa ganun. May career kang inaalagaan. Ayokong masira yun, at ako naman ayokong pag-isipan ng masama ang pamilya mo ng mga tao. Ayokong may sabihin sila sainyo."

"Ano naman kung mangyari yun! Wala silang pakialam sa mga buhay natin. F*ck!"

"Masyado pang maaga para aminin ang relasyon natin. Ok lang naman na tayo lang muna ang makakaalam, wala namang makakaapekto sa relasyon natin basta alam nating dalawa na tayo."

"But I want us to be real in front of many people."

"Artista ka Kyle, may kaloveteam ka. Di natin maiiwasan na may sasabihin sa ating masama. Lalo na sa akin. Alam mo yan. Sa kompanya naman ayokong isipin nila na ginagamit mo ako dahil tagapagmana ako. Please Kyle, para na lang sakin pag-isipan mo to. Haist. Ayoko din naman na itago relasyon natin. Pero kasi kapag inamin natin sa publiko, hindi tayo malayang magagawa ang mga gusto natin. Susundan at susundan tayo ng mga fans mo at ng mga media people."

Napasandal siya sa upuan niya at pumikit.
Iniisip niya din siguro ang consequences pag umamin siya sa publiko na may relasyon kaming dalawa.

"Fine. But I want you to be careful with all the guys surrounding to you. Masyado kang manhid na minsan hindi mo alam may gusto na sayo ang tao. Matuto kang umiwas sa mga taong alam mong pag-aawayan natin."

saad niya.Nginitian ko siya.

"Oo naman. Ikaw nga diyan eh may kaloveteam. Ang ganda ganda pa. " Pagbibiro ko.

"Tss. You're more beautiful than her."

"Pagdating natin sa Manila, sasabihin kong umuwi muna ako dito upang mabisita sina lolo. Ikaw naman sabihin mo na lang na nagbakasyon ka lang."

"Ako nang bahala mag-explain .Don't worry."

"Hindi ka ba masaya?"

"Tss. Don't asked stupid question." sabi niya.

Nagkibit balikat na lang ako. Alam ko kung gaano siya kaposessive at kung gaano niya gustong ipagmalaki na girlfriend niya ako pero kasi mahirap sa sitwasyon namin ang ganun.

Gabi na nang nakarating kami ng Maynila. Wala kaming imikan sa airport. Mahirap na kasi.

"I told you Ma she's with me. Please don't worry okay? We're going home. Pasundo na lang dito.Bye."

"Galit ba sila?"

"They were just worried to you. Akala nila tinanan na kita. Kung pwede lang diba. Tss."

Inis pa din siya.

Ilang oras din bago nakarating yung driver nila.

Naupo siya sa unahan at natulog habang papauwi kami sa mansyon nila.

Napabuntong hininga ako. Sorry Kyle kung kailangan natin itago ang relasyon natin.

"Wait, stop the car."

Bigla siyang lumabas at lumipat sa likod katabi ko.

"Sleep, malayo pa sa bahay at traffic."

"Pero..." alinlangan kong sabi.

"We're just friends." madiin niyang sabi sa driver.

Pinilit niyang ipiling ang ulo ko sa balikat niya.

Napangiti na lang ako ng lihim.

-----------------------------------

"Wake up.." naalimpungatan ako sa paggising sakin ni Kyle.

Wala na din yung driver. Siguro ay pinauna nitong umalis.

"Nandito na pala tayo."

Inayos ko sarili ko, nagulat ako ng yakapin ako ni Kyle.

"May taping na ako araw-araw simula bukas. Malayo dito, so probably I'll be staying in my Jeep. Please always keep in touch. Call me always when you're not busy. Call me when you wake up. Call me when you're eating. Call me when you're going home. Call me when you are going to sleep. And most importantly, wag mo ako masyadong mamiss. Baka makauwi ako ng wala sa oras. Eat on time. Kapag may lakad ka sabihin mo sakin kung saan.Do not wear revealing clothes. Make it possible to send me everyday your OOTD para alam ko kung okay ba yun suotin o hindi. And one more thing, huwag na huwag kang makikipagkita sa lalaki. If it is important or work-related that's fine but first ask permission to me."

"Ang dami mo namang bilin. Para namang mangingibang-bansa ka."

"I'm possessive in my teritory. And you are my property. I don't want others to interfere in my property. What about you? Wala kaman lang bang sasabihin?"

Napaisip ako..

"Wala.. Kampante akong mahal mo ako.Dahil doon alam kong di ka magloloko o gagawa ng ikakasira ng relasyon natin."

"You trust me that much?"

"Oo bakit may chance bang lokohin mo ako?" pagtataray ko kaya natawa siya.

"Magtityaga ba akong mahalin ka sa loob ng 4 na taon kung magloloko lang din ako. Ngayon pa na tayo na. I love you." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Ramdam ko na ang hininga niya.

Di ko namalayan na ako na mismo ang naunang humalik sa kanya.

"I love you too Kyle."

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon