"Kyle..." hinawakan ko kamay niya nung magturbulence ang eroplano habang pataas ang eroplano. Padeparture na kami.
"Tss. Don't tell me first time mong sumakay ng eroplano?"
"Pangatlo. At ikaw lang din ang kasama ko nung una at pangalawa kong sakay. Kapag ganito hinahawakan mo na ang kamay ko para pakalmahin ako." sabi ko habang nakapikit ng mata.
Naramdaman ko na lang na hinawakan niya na din ang kamay ko. Nang stable na ang lipat ng eroplano ay kumalma na ako at tumingin sa kanya. Nakatingin lang ito sa akin kaya binitawan ko na ang kamay nya.
"Thank you." saad ko.
Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Dati nahihiya ako na ako ang una mismo na mag-initiate ng mga sweet gestures pero ngayon kailangan kong mag-effort para mas mabilis niya akong maalala. Ayokong makalimutan niya ako, yung kami.Hinayaan niya lang naman na nakapatong ang ulo ko sa balikat niya.
——————————————————————
Nagpasundo kami kina Aling Sonya at sa anak niya.
"Buti na lang anak Kyle naaalala niyo ako." sabi ni Aling Sonya habang nasa byahe kami naikwento ko kasi sa kanya ang nangyari kina Kyle at Tim.
"Syempre Nanay Sonya hinding hindi kita makakalimutan lalo na ang mga luto mo. Mamaya po paluto ng paborito kong ulam.
Hoy.. tulungan mo si Nanay Sonya mamaya mamalengke." sabi niya sa akin.
Natawa naman si Aling Sonya.
"Haha ganyan na ganyan nga ang sinabi mo sa kanya nung inutusan mo siyang sumama sa akin mamalengke. Kaso Sir sigurado kaba na isasama ko si Iyah. Baka maulit nanaman yung nangyari dati."
Napatingin naman ako kay Aling Sonya. Naku bakit niya ba yun nabanggit.
"Bakit ano ho ba nangyari dati?"
"Eh diba mun.."
"Wala natapilok lang ako dati." pinutol ko na kaagad ang sasabihin ni Aling Sonya.
Mukhang nagets naman ni Aling Sonya.
"Ah o..oo natapilok siya."
"Sus yun lang pala."
Mga ilang oras pa ay nakarating na kami sa rest house ni Kyle. Nagpaalan sina Aling Sonya na mamimili muna sa bayan pero nagpaiwan na ako kasi aasikasuhin ko pa gamit namin.
"Nilagay ko na ang mga damit mo dito sa cabinet. Doon muna ako sa guest room."
sabi ko"Dito ka na lang. Ayan may isa pa namang higaan diyan. Laging sumasakit ang ulo ko pag gabi kaya kailangan lagi akong may kasama." Saad niya habang nakatingin sa picture frame. Larawan namin yun na dalawa nung birthday ko. Ito yung kuha habang sumasayaw kami.
Inayos ko naman yung hihigaan ko.
"May iuutos kaba?"sabi ko kaya tumingin siya saakin.
"Bakit?"
"Pupunta sana muna ako sa puntod nina Lola."
"Magtatagal ka ba dun?"
"Hindi naman. Mabilis lang." tumango lang ito kaya lumabas na agad ako para makabalik ako ng maaga.
————————————————————————-
THIRD's POVMga 20 minuto nang makaalis si Mariyah ay ito naman ang pagdating nina Aling Sonya. Naabutan nito si Kyle na nanunuod ng palabas sa living area.
" Kyle. May meryenda po akong dala. Yung paborito ninyo ni Iyah. Ihahanda ko lang muna."
"Mamaya na lang po Nay Sonya. Umalis po si Mariyah. Pupunta daw sa puntod ng Lolo at Lola niya."
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
Literatura KobiecaNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...