"Pinalinis ko na tong kwarto mo. Kapag may kailangan ka tumawag ka lang sa intercom."
Tumingin-tingin naman si Kyle sa palibot ng kwarto niya. Nakauwi na kami.
"Dito kana lang Mariyah. Di ba sabi mo aalagaan mo ako?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Sa kabilang kwarto lang naman ang kwarto ko."
"Tamad akong tumawag."
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Okay lang ba Iyah? Magpalagay na lang ako ng beddings mo dito."
"Sige po."
"Salamat Iyah, sige bababa na ako. Magpapahanda ako ng makakain."
Tumango ako. Inayos ko yung mga gamit niya.
"Tss. Funny."
Napatingin ako sa kanya. Tinitingnan niya yung mga picture namin sa wall.
"Bakit?"
"Ganito ako kainlove sayo?"
Tinuro niya yung mga picture.
"Malay ko sayo. Gusto mo alisin ko na mga yan?" sarkastikong tanong ko.
"No...no.. I'm fine with it. Tss. Not affected at all."
"Dito ka lang,magpahinga ka muna. Punta muna ako sa baba."
Di naman siya sumagot at nahiga sa kama niya.
Pagkapunta ko sa kusina ay nandoon sina Tita Rose, Manang Loreng at Rita.
Sabado pala ngayon kaya nandito ngayon si Rita.
"Oh Iyah, bumaba ka? Inaway ka nanaman ba ng anak ko?"
"Hindi po. Nagpapahinga naman po siya kaya bumaba muna ako. Ano po bang maitutulong ko?"
May nilalagay sila sa wrapper na kulay violet.
"Tamang-tama, itong si Rita ay nakaisip gumawa ng Kamote-ube turon daw."
"Wow parang masarap po ah.Tulong na po ako."
Yun na din ang ginawa ko. Madami kasi ang gagawin dahil para sa lahat na ng nandito sa bahay yung meryenda.
"Para naman maiba yung taste mo sa kamote, puro ka na lang nilagang kamote.Haha."
"Masarap kaya."
"May naisip ako. Di ba may amnesia si Sir, isuot mo kaya yung dati mong damit yung parang pang lola."
"Grabe ka naman sa panglola."
"Hahaha. Joke lang, pero di ba Ma'am Rose, pag sinuot niya yun baka sakaling maalala kaagad siya ni Sir."
"Oo nga Iyah, try mo kaya."
Sabagay wala namang mawawala kung susubukan ko. Tutal andiyan pa naman yung mga damit kong dati.
"Sige po."
"Maiwan ko muna kayo diyan ha, ipapadala ko yung isang folding bed sa kwarto ni Kyle."
"Sige Ma'am Rose."
Nang matapos na kami ay niluto na yun ni Manang Loreng at nilagyan niya ng violet na syrup sa ibabaw.
Nagtimpla ako ng gatas at kumuha din ako ng turon para dalhin kay Kyle.
Pagkapasok ko sa kwarto ay nanonood ito ng T.V. Yung folding bed na may foam ay nasa gilid naman na.
"Magmeryenda ka muna." Inilapag ko yun sa side table niya.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...