"Wala na bang mas dadami pa dito Canary?"
Natawa lang ito. Ang hirap pala pag ilang araw na wala sa trabaho. Ang dami kong pipirmahan at babasahing memo.
"Baka mamaya Maam madadagdagan.".
"Ano ba yan? Nagugutom na ako."
"Gusto niyo ho ba Maam magpadeliver ako ng pagkain dito?"
"Hindi na. Ako na lang bababa sa pantry."
Sabi ko at saka lumabas para makatayo na din. Feeling ko mauubos na pwet ko kakaupo.
Habang nasa elevator ako di ko maiwasang matawa dahil dati takot na takot akong pumasok dito. Di ko lang pinapahalata noon pero ang kaba ko sobra.
Bumukas ang elevator at pumasok si Kristina at iba niyang kasamahan sa team nila.
"Good morning Maam Mariyah."
Halos karamihan sa kanila ay binati ako pwera kay Kristina."Good morning din sainyo. Kamusta yung Team Building niyo? Pasensya na kayo ha, hindi ako nakasama. Biglaan kasi akong umuwi samin sa Batanes."
"Okay lang ho yun Maam. Naintindihan namin, naikwento na din po samin ni Sir Tim. May next time pa naman, you should join Maam. Para mas masaya." sabi ni Rain na sa tingin ko ay isa sa mga architect ng kompanya.
"Oo promise next time sasama na talaga ako. Sige dito na ako. See you around."
Nagpaalam na ako sa kanila.
Pagkapasok ko sa pantry, mas madaming mata ang nakatingin sakin. Lahat naman nila ako binabati kapag nadadaanan ko sila. Yun din ginawa ko.
"Ate, isang order nga nito." turo ko sa 1 plated lasagna at espresso.
Sa sobrang lamig sa building na to. Kailangan na kailangan kong magkape.Pagkakuha ko ng order ko. Umupo ako sa tabi ni Tim. Saktong mag-isa lang siya.
"Tim.."
"Oh Mariyah, how are you? I've heard what happened to you at Batanes."
"Okay na ako. Kayo kamusta yung team building niyo? Pasensya na ha. Hindi ako nakasama. Biglaan kasi."
"Hahaha. Yah my brother is really incredible. Don't worry, we have fun. Pero sana nakasama ka. Next time sama kana."
"Oo, huwag lang eepal kapatid mo."
Natawa kaming pareho.
"Balita ko kayo na din ah."
Nahiya akong bigla sa kanya.
"Ah oo. Biglaan lang din. Hahaha" Natawa din siya sa sinabi ko.
"Actually I was hinting that you'd fall for him. It was pretty obvious. But I'm happy for you. Sabihin mo lang sakin kapag nagloko yun, akong bahala sa kanya."
"Ang bait naman ni Kuya Tim."
Dahil sa sinabi kong yun,kumunot ang noo niya.Hahaha.
Hinawakan mo ang mukha niya at pinilit na pangitiin.
"Joke lang. Hahaha"
"Eheeeeeemmmm.."
Napatingin kaming pareho ni Tim sa tumikhim sa gilid namin. Inalis kong bigla ang kamay ko sa mukha ni Tim. Baka anong isipin ni Kristina.
"I'm just here to inform you that we will visit the site in North Edsa." sabi niya kay Tim.
Pagkasabi niya nun ay umalis agad siya pero ang sama ng tingin niya sakin.
"Hala..Baka ano isipin niya."
"Don't mind her. Eat your snacks, see you around Mariyah." paalam niya saka umalis.

BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...