Thirty Two

36 7 5
                                    

"Thank you Iyah for taking me out today. Namimiss na nga kitang kasama lagi sa bahay eh. Busy kana din sa trabaho. Kamusta kana man sa trabaho mo?"

"Okay naman po. Miss ko na din yung ginagawa natin palagi sa bahay.
Nakaka-stress din sa trabaho pero buti na lang po lagi akong tinutulungan nina Tito Arman at Tim. "

"Speaking of Tim, do you notice some changes in him. Is there something bothering him?"

Para akong nakonsensya sa sinabi ni Tita. Sinabi niya sakin yun habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko.

"Tita..."

"Yes?" napatingin siya sakin.

Matagal bago ako nakapagsalita..

"Spill it Iyah? May problema ka ba? Is my son giving you hard time?"
tinutukoy nito si Kyle.

Yung konsensya ko sobra sobra na.
Huminga ako ng malalim.

"Magpapaalam na po sana ako, aalis na po ako sa bahay."

Nabitawan agad ni Tita ang kubyertos niya.

"Why? Ayaw mo na ba samin?"

"Hindi po ganoon Tita. Simula po ng tumuntong ako ng Maynila, kayo na po ang naging pamilya ko. Hindi po ako nagkaproblema sa inyo. Kayo na po ni Tito Arman ang nagsilbing magulang ko. Dahil po sa inyo, hindi ko naramdamang ulila na ako."

"So why are you leaving?" malungkot niyang sabi, hindi ako tumingin sa kanya baka magbago pa ang desisyon ko.

"Ayoko pong pahirapan si Tim. Ayokong nasasaktan siya."

Naintindihan niya naman ako.

"It's my fault. I shouldn't paired you up. Nafall tuloy anak ko."

"I'm sorry Tita. Nasasaktan si Tim dahil sakin."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ganoon talaga pag nagmamahal, masasaktan ka. Hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. "

"Ayoko din pong mag-away sila ni Kyle dahil sakin."

"Don't worry about Tim. He can move on, I know that. But to my Kyle, he loves you very much Iyah. Ayoko man na ligawan ka niya, but he proves to me that he deserves to love you. So please Iyah, don't burden yourself. Hindi mo kasalanan kung magustuhan ka ng dalawang anak ko. Hindi na ako magtataka kung bakit nagkakandarapa ang mga anak ko sayo. Hahaha.
And whatever decision you want, I'll accept that. Pero okay lang ba sayo na mag-isa kana lang sa lilipatan mo? Or do you want Rita to come with you?"

"Dadalaw-dalaw pa naman po ako sainyo. Okay lang ho ba na sa akin muna si Rita?"

"Oo naman! Huwag kang mag-alala kakausapin ko din kamag-anak ni Manang na gusto magtrabaho para yun na din ang kasamahan niyo sa bahay. I'll say this to your Tito also so that he can help to look for a trusted security guard."

"Thank you Tita. Bibisita naman po ako palagi. Huwag niyo na lang pong banggitin kay Kyle."

"Bakit naman?"

"Eh alam niyo naman po yun, ang kulit. Ayoko din ma-issue siya. Meron siyang career na dapat pangalagaan. Ayoko din po na nasasabihan siyang masama dahil sakin."

"How so sweet of you my dear. Ang komplikado naman ninyong dalawa. You can't date on public."

Ngumiti na lang ako.

Ilang beses na kasi niyang sinubukang magyaya na kumain kami sa labas, pero bago paman kami makasakay ng kotse ay marami na ang naghahabol sa amin na media. Ang dami din nilang sinasabi tungkol sa akin na masasama. Alam kong may kaloveteam si Kyle. Pero sana naman alam nila na may sariling buhay din si Kyle.

Meron pang isang beses na nagalit si Kyle dahil sa nakakabastos na tanong ng isang reporter. Dahil doon naissue siyang masama ang ugali.

Simula ng nalaman ng mga tao na nililigawan ako ni Kyle marami akong naririnig na masasama tungkol sa akin at tungkol din sa kanya.

"Hello? ....Yes I'm with her. .... Okay we're going home."

"Your Tito Arman called, we need to go home."

"Okay po."

Umuwi agad kami. Ano kaya ang sasabihin ni Tito?

Pagdating namin sa bahay, halatang namomroblema si Tito. Nandoon din si Tim.

"What happened, you seem so worried. Anong nangyari Mahal?"

Sabi ni Tita..

"Oh thanks you're here. I just need to tell something important to Iyah."

Umupo muna ako.

"Iyah, the brother of your father was already released from the jail."

Nagulat ako.

"Oh my.... Paanong nangyari ito Arman."

"Kalma lang Ma, okay. Kahit kami ay nagulat sa nangyari. We called our attorney to file a grievance."

"Ano daw sabi?"

"Bukas pa daw magkakausap."

"Ibig po bang sabihin hindi ako ligtas kahit saan ako pumunta?"

Kinakabahan kong sabi.

"Since nakalabas na siya, hindi natin alam kung ano ang mga pwedeng mangyari. But I'll hire some private investigator para malaman natin lahat ng galaw niya."

"So Iyah, wag ka munang aalis dito. Mas safe kung dito ka muna samin. I cannot risk the chance na malapitan ka nila."

Sabi saakin ni Tita Rose. Tumango ako.

"We will make sure Iyah that nothing will happen to you. Okay?"

"Thank you po Tito Arman."

"Sige na magpahinga kana. We have to discuss something. Timothy go with her."

Tahimik lang kaming umaakyat.

"Sa veranda muna tayo."
pagyaya niya.

Sumunod na lang ako. Inalalayan niya akong makaupo.

"Natatakot ako." sabi ko kay Tim.

"Don't worry, we're here for you. I'm with you. Sisiguraduhin kong walang mangyayari sayong masama."

Niyakap niya ako.

"Bakit ba ang bait-bait mo?" bigla kong sabi.

"Huwag mong sabihin na nagkakagusto kana sakin? Haha" pabiro niyang sabi pero napangiti na din ako.

"Kuya na nga kita eh."

Naupo na siya sa harapan ko.

"Ouch. Kamusta na pala kayo ni Kyle?"

"Okay lang, ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Baka nagbago na ang isip. Haha."

Kinalimutan na ata ako ng lalaking yun. Bigla-bigla na lang hindi nagparamdam.

"Baka busy sa trabaho."

"Ang alam ko sabi niya, magbabakasyon daw muna sila sa Batangas."

"So alam mo na magkasama si Margaux at Kyle sa Batangas?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Silang dalawa?"

"Uh ..uh.. I guess you do not know. I'm sorry."

"Okay lang, bakit ka nagsosorry. Tsaka natural na sa mga artista ang ganun. Alam ko naman na hindi seryoso si Kyle sa panliligaw sakin.. ..Sige, matulog na ako."

Tumayo agad ako.

Pinigilan niya ako pero ngumiti ako sa kanya.

"Okay lang ako."

Saka ako umalis.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon