Nineteen

47 8 14
                                        

Gusto kong matawa sa itsura ngayon ni Kyle. May mga pasa-pasa ito sa mukha at parang may blackeye.

Galit itong lumapit sa amin.

"What took you here Kyle?"
tanong ni Tim sa kapatid niya.

"I just feel like ditching off my taping."

"Does your manager knows that."

"I'm savage."

Ano ba namang magkapatid to, englishan ng englishan. Makalayas na nga.

Tumayo ako at papasok na sana ng bahay nang harangan ako ni Kyle.

"Where are you going Manang?"

"Huwag niyo ako dinadamay sa englishan niyong magkapatid ah!"

Biglang natawa si Tim dahil sa sinabi ko.

"Oh God, I really love my day off because of you Iyah. You really make me laugh."

"Ewan ko sayo Tim. Kanina mo pa ako pinagtatawanan."

"Cause you're too cute." sabi niya at parang natameme ako doon.

"Can you stop flirting each other. It's disgusting." sabi ni Kyle.

"You're just jealous."

"Ako magseselos? Sainyo? No way! I have a lot of hot girls than this old fashion promdi girl." sabi ni Kyle, nasaktan ako sa sinabi niya.

Inalis ko kamay niya, at pumasok sa bahay.

"Kainis na yun ah, magpapakita na lang nang-insulto pa."

Pumasok agad ako sa kwarto ko at nahiga na lang kaysa makita ko pagmumukha ng mayabang na yun.

"Why did you leave us there!"

"Ay butiki! Ano ba Kyle! Palagi kana lang nangugulat. Pwede namang kumatok diba? Bigla kana lang pumapasok diyan." Dire-diretso kong sabi.

Halos maitapon ko ang libro kong hawak ng bigla bigla niyang pagpasok at pagsalita.

"Why will I knock on the door? This is our house. I can do whatever I want."

"Okay. Bakit ka ba nandito? di ba may trabaho ka.!"

"I told you, if you dropped off the call I'm going here. So it's your fault."

Nanlaki ang mata ko.

"Anong ako!? Si Tita Rose ang nag-end call hindi ako."

"It's the same. Basta kasalanan mo why I ditched my taping."
sabi niya at humiga sa kama ko.
Kanina pa tumutunog ang cellphone niya.

"Di bumalik kana, at pakisagot na yang cellphone mo. Baka hinahanap kana sa taping niyo."

"Don't think about other people. Andito na nga ako sa harap mo ibang tao pa din ang hinahanap mo."

Ha? Ano daw?

"Anong pinagsasabi mo dyan? Paano kita iisipin eh nasa harapan lang kita."

"What about on the days I'm away, are you thinking of me."

"Hindi." sabi ko at pilit siyang pinaaalis sa higaan ko buti naman at tumayo siya pero seryoso ito.

"Okay, halata naman coz you're busy flirting with my brother."

Kumunot ang noo ko.

"Flirting? Nilalandi ko kapatid mo?"

"Yes, may nalalaman kapang hampas hampas sa balikat niya. And maybe if I didn't get earlier you would kiss each other, right?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya.

"Ano bang problema mo? Ano bang meron sa ugali mo na pati yang bibig mo nababahiran ng kagaspangan ng ugali. Una sa lahat, hindi ako malandi. Pangalawa, hindi kami naglalandian ni Tim. Pangatlo, wala kang karapatan pagsalitaan ako ng masama kasi hindi kita kaano-ano. Pang-apat, wala kang karapatan husgahan ako dahil hindi mo ako kilalang husto."

Kusang lumuha ang mga mata ko. Nakita kong nagbago ang expression ng mata niya.

Lalapit sana siya sa akin pero lumayo ako.

"Ang sakit sakit mong magsalita. Akala mo naman ang gwapo mo. Tingnan mo nga yang pagmumukha mo sa salamin.Ang pangit pangit mo!" sabi ko habang umiiyak.

"This is just a damn make-up."

"Kahit na, kasing-pangit ng ugali mo yang pagmumukha mo! Huwag ka ngang mura ng mura!"

"Fck! Why the hell are you crying?!"

Para na siyang frustrated na nakikita akong umiiyak.

"Kasalanan mo to! Ang pangit ng ugali mo!"

Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"I didn't went home to make you cry for Christ sake."

"Dapat di kana lang umuwi."

"Is that what you want?"

lumayo siya sa pagkakayakap at seryosong tumingin sakin.

"Kung pagsasabihan mo lang ako ng masasakit na salita, huwag kana lang magpakita sakin."

"Okay."

sabi niya at tumalikod sakin.

Bago paman siya makalabas ng kwarto ay tumigil siya pero hindi siya humarap sa akin.

"I'm sorry if I said stupid words to you. It was my fault, I did not control my emotion. Yes, I'm wrong. You are not flirt. Because you can't be flirt. I'm sorry cause I was just.."

Bigla siyang tumingin sakin at pilit na ngumiti.

"jealous." sabi niya saka lumabas ng kwarto.

Iniwan nanaman akong parang bumubuo ng puzzle. Jealous? Bakit siya magseselos?

Bumalik ulit siya at may inaabot sakin.

"Oh ano yan?"

"Basta kunin mo."

Kinuha ko naman ito. Libro ito.

At hindi lang yun basta libro para sa akin. Libro ito ng paborito kong author.

Yung lalaki talagang yun masyadong ewan. Gagalitin ako tapos biglang gagawa ng mga bagay na ikatutuwa ko.

"You're really like a puzzle to my life."

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon