**Third's POV**
"What is the meaning of this Kyle Caleb?!"
Galit na galit ang daddy ni Kyle ng lumabas ang balita tungkol sa kinasasangkutan ni Kyle at Margaux.
Halos ito ngayon ang laman ng social media. At maging sa t.v., dahil hindi lang siya artista kundi anak din ng sikat na business tycoon na si Arman Santos.
"What?!"
Lasing nanaman si Kyle na umuwi sa kanilang bahay.
"For Christ sake, are you stupid? You dare bring shame to this family. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sayo? Sa pamilya natin? Ha!"
"What?! I'm just a man. Isn't it a normal thing for a man. Tss."
Susuntukin na sana siya ng daddy niya buti na lang at pinigilan ito ng mommy niya na umiiyak na din.
"So is this the reason you always came home drunk ha? Tama lang sayo na hiwalayan ka ni Mariyah!"
Napasuntok si Kyle sa dingding kaya dumugo ang kamay niya sa lakas ng pwersa ng pagkakasuntok niya.
"Do not even dare to include her to our f*cking conversation!"
Isang linggo na mula ng makipaghiwalay si Mariyah sa kanya at hindi niya ito matanggap. Hindi na din siya makapagtrabaho ng maayos. Galit na galit din ang manager niya sa kanya na pilit siyang tinutulungan para maitago sa media ang scandal na kinasasangkutan niya.
Lumabas na nga ito at mas natatakot siya sa magiging reaksyon ni Mariyah.
Biglang dumating si Timothy na galit na galit din dahil sa nakitang balita.
Agad niyang sinuntok si Kyle. Agad naman na gumanti si Kyle kaya inawat sila ng magulang nila.
"How dare you do this to Mariyah!"
Pinunasan ni Kyle ang dumugo niyang bibig.
"You are free now to woo her. I am giving you my blessing brother. Oh Ma, malaya na si Mariyah. Pwedeng-pwede na sila ni Timothy. Diba sila naman talagang dalawa ang gusto mong magkatuluyan." ngumisi si Kyle kay Timothy.
Umiiyak ang mommy nila dahil pati sila ay nag-aaway na. Inaawat ng dad ni si Timothy habang ang Mama naman nila ay umaawat kay Kyle.
"Hindi ka ba nag-iisip ha?!" bulyas nito kay Kyle.
"Wow nagsalita! Gustong-gusto mo naman nga na maghiwalay kami diba? Aminin mo na may gusto ka sa kanya. Kaya nga buntot ka ng buntot kahit saan siya pumunta. Tss."
Agad na tumakbo si Timothy at hindi na nagdalawang isip na suntukin ulit siya. Hindi na nakontrol ng daddy nila si Tim sa sobrang lakas nito, dahilan para mapahiga si Kyle. Kwinelyuhan niya kaagad si Kyle..
"Oo mahal ko siya. Pero nagpaubaya ako kasi kapatid kita at matagal mo na siyang mahal. Kung aagawin ko siya sayo, alam mong kayang-kaya ko yun gawin. Ayusin mo ang buhay mo kung ayaw mong tuluyang mawala sayo si Mariyah!"
Tumayo na si Tim at umalis.
"Kausapin mo yang anak mo." sabi naman ng daddy nila sa Mama nila saka umakyat na din ito.
Nakahiga lang si Kyle at itinakip ang braso niya sa mga mata niya.
"Ma! Ang sakit.."
Hindi na kinaya ni Kyle at umiyak siya sa Mama niya. Pinilit naman ng Mama niya na itayo siya.
Pinagsusuntok ni Kyle ang sahig.
"Tama na anak. Maaayos din ang lahat ng ito."
"Hindi ko na alam Ma. Hindi ko alam kung makakatayo pa ba ako sa problema kong to. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ni Mariyah."
",Sshhhh.." Niyakap niya ang anak niya.
"Ma, sinubukan kong ayusin. But everything is out of control. Mariyah is no longer in my arms. My career is f*ck up. Ano ang gagawin ko Ma?"
Halos mamaos na sa kakaiyak si Kyle hanggang sa makatulog ito.
Nagpatulong ang Mama ni Kyle para maiakyat siya sa kwarto at mapunasan.
Awang-awa siya sa anak niya. Alam niyang mali ang ginawa nito pero hindi siya makakapayag na magkaganito ang anak niya.
Tumawag siya sa attorney nila at nagpaimbestiga sa kumakalat na video. Hindi siya papayag na masisira ang buhay ng anak niya.
Samantala alam na din ni Mariyah ang balita tungkol kay Kyle at Margaux. Gusto niya mang kamustahin si Kyle pero nasasaktan pa din siya kaya mas nananaig ang galit sa puso niya.
Lumipat na ng condo si Mariyah. Simula ng maghiwalay sila alam niyang di siya titigilan ni Kyle kaya binenta niya ang bahay na tinirhan niya noon. Alam naman ito ng mga magulang ni Kyle.
Kasama niya si Rita sa condo. Si Tita Rose niya na din ang nag-insist na isama si Rita para may kasama siya. Kahit na may mga nakabantay naman palagi sa kanya. Sa kabilang unit ay nandoon ang mga agent na nagbabantay ss kanya para proteksyunan siya.
"Iyah tama na. Kanina kapa umiiyak."
"Hindi ko akalaing mas masakit pala pag lumabas na sa balita mismo. Ang nakakainis pa, nag-aalala pa rin ako sa kanya."
Hindi na din alam ni Rita kung paano pa icocomfort si Mariyah. Ina-update din siya ng Mama ni Kyle kung kamusta ito. At lalo lang siyang nag-alala dahil umiiyak din ito. Para niya na ngang anak si Mariyah.
"Akala ko ba mahal niya ako. Bakit niya ginawa sakin yun?"
"Iyah naman eh, tahan na kasi. Kinakabahan na ako sayo. Isang timba na ata ang niluha mo ngayong araw. Di ka ba nauubusang luha?"
Sinubukan ni Rita magbiro para man lang tumigil si Mariyah umiyak pero mas lalo lang itong umiyak.
Buti na lang at nakatulog na si Mariyah.
Kaya ang hindi na nag-aksaya ng oras si Rita. Nagreply siya sa lahat ng nagsasabi ng masama kay Sir Kyle niya. Kahit na niloko ni si Mariyah ay naniniwala pa rin siyang hindi ito magagawa ni Kyle.
"Aba, ang bastos ng nagcomment na to ah! Makareply nga!"
"Hoy babaeng nuknukan ng pangit. Hindi masama si Kyle Santos. Baka yang Margaux na yan ang feelingera."
At yun nga ang ginawa ni Rita magdamag. Pumatol sa mga comment section na may kaugnayan kay Kyle.
Nag-scroll lang sya sa fb ng makita niyang may mga nagshare ng picture ni Mariyah sa isang coffee shop. Umiiyak ito at mag-isa lang siya. Naawa si Rita kay Iyah. Sobrang mahal talaga nito si Kyle.
Binasa niya ang caption.
"Rumored girlfriend of Kyle Santos was currently seen today at cafe alone and crying."
Marami ang mga nakikisimpatya at nagsasabing magmove-on na lang siya at di niya deserve si Kyle. Karamihan ay bad comments about kay Kyle.
Hindi naman nakaligtas sa mata ni Rita ang comment kay Mariyah.
"Patunay lang yan na mas mahal ni Prince Kyle ang aming Queen na si Margaux. Die Bitch!"
"Aba't anong die die sinasabi mo dyan ha! Kung ikaw na lang kaya mamatay ng mabawasan ang mga pangit sa mundo."
Gigil na gigil si Rita sa babaeng nagcomment nun. Sa sobrang inis niya ay kumuha siya ng picture nito and in-edit. Nilagyan niyang bigote at ginawang bungi saka ito inupload dun sa comment section.
Madami ang natawa sa comment niya pero yung babae mismo na nasa picture ay blinock na siya sa fb.
"Kahit dito man lang Iyah ay matulungan kita." bulong ni Rita kay Mariyah bago natulog.

BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...