"Naalala ko nga pala, di ba may sasabihin ka sakin?" Tanong sakin ni Kyle. Pauwi na kami. Sa kanila kami ngayon uuwi dahil namimiss na daw ako ni Tita Rose.
"Kasi ganito yun, may pumunta sa office kahapon. Nagpapaschedule sila ng meeting sakin. Gusto nila kunin akong model para sa photoshoot na gagawin next week."
"Really that's great!!" Tuwang-tuwa niyang sabi.
"Eh kaso ayoko."
"Why? Wait, what kind of endorsement is it?"
"Clothing line siya. Parang mga wedding dress yun eh."
"So may partner ka dyan as groom syempre. Kapag hindi ako ang kukunin na partner mo, do not accept their offer. Pero kapag ako, accept it."
Napataas na lang ako ng kilay sa sinabi niya. Napakasigurista talaga.
"Eh ayoko nga eh. Wala naman akong kaalam-alam sa mga ganyan."
"Ganito na lang, isama mo ako sa meeting."
"Parang alam ko na mangyayari kapag isinama kita." sabi ko. Bigla na lang siyang tumawa.
"Hahaha. You know me that well. Hindi ako makakapayag na iba ang partner mo. Dapat ako maging partner mo sa photoshoot na yan. By the way sino ba ang may-ari ng clothing line?"
"Alexandra Dela Torre-Rodriguez daw eh. Siya daw mismo ang pumunta sa office kahapon."
"Wow, she's a hella great designer. Kilala siyang sikat na fashion designer not only here but also outside the country."
"Mas lalo mo naman akong pinapakaba. Huwag na lang. Tawagan ko sila mamaya na kumuha na lang sila ng iba. Sino ba naman ako para kunin niya diba?"
"Why not? You're tall, slim and beautiful."
Napatingin naman ako sa kanya.
"Tse, wag mo nga ako binobola."
"It's true. You just have to believe in yourself. Besides you always surprise me. When will you meet her?"
"Kailan ka ba may libreng oras para kasama kita."
"Wow ang considerate naman ng girlfriend ko. A day after tomorrow I'm free the rest of the day."
"Sige kausapin ko sila para makapagset ng schedule."
Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay nila.
"Kamusta na Iyah? Lalo kang gumaganda ah. Matagal-tagal kanang di napunta dito."
"Oo nga Manang Loreng eh. Hayaan niyo po dadalasan ko na ang pagpunta dito."
"Manang Loreng nasaan si Mama?" tanong ni Kyle .
"Nasa harden niya anak. Tamang-tama nandoon ang kapatid mong si Tim. Oh siya pumunta na muna kayo doon at ipaghahanda ko kayo ng makakain." paalam ni Manang Loreng.
Magkahawak kamay kaming pumunta sa garden ni Tita Rose. Matagal na din akong di nakakapagtanim.
Naabutan namin si Tita Rose na tinuturuan si Tim magtanim. Hanggang ngayon pala hindi niya pa din alam kung paano magtanim.Haha
"Ano ba yan anak pinapatay mo na ang halaman. Lumayas kana nga diyan. Kawawa ang mga mahal kong halaman."
Natawa kami ni Kyle ng pinapagalitan ni Tita si Tim.
"Ma.." Napatingin naman silang dalawa sa amin ng tinawag ni Kyle si Tita.
Agad na tumayo si Tita Rose at niyakap kaagad ako. Niyakap ko din siya. Natawa na lang ako ng makita ko si Kyle na nakabusangot.

BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
Chick-LitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...