"Bakit ba ganyan ang damit mo? Kanino ka ba nagpapapansin?"
Sinimangutan ko siya.
"Anak, ayan ka nanaman sa kasungitan mo kay Iyah.Tumigil kana ha. Nga pala Iyah, kakausapin ka daw mamaya ni Doc Caspian."
Sabi ni Tita Rose habang nagdidilig ng halaman. Nasa garden kami ngayon. Buti naman at pumayag tong lumabas.
"I have to be there also." sabi niya.
"Hindi anak, may tatanungin lang si Doc regarding sa relationship niyo dati. Si Iyah na lang." sabi niya
Binelatan ko naman siya.
"Aba tuwang-tuwa kapa atang makakausap na solo si Caspian. Di ka type nun uy!" sabi niya.
Nakakausok nanaman to ng ilong.
"Bakit may sinabi ba akong type niya ako. Huwag mo nga ako nilalait-lait."
"Totoo naman eh. Look at how you dress, tingin mo magugustuhan ka niya. Tss."
"Ulit-ulit? For your information sabi niya sakin kahapon he like the way I dress. Bleeh."
Nanlaki naman mata niya..Kala mo ha wala akong pang bato sayo. Naku talaga Lord, patawad kung nagiging isip bata din ako.
"Sinabi niya yun?!" di makapaniwalang tanong niya.
"Oo tanungin mo pa siya!" pagyayabang ko din sa kanya.
"Naniwala ka naman. Ano ka, uto-uto. Hahaha."
"Ha-Ha-Ha.." tumawa ako ng sobrang plastic at uminom ng juice. Baka madehydrate ako ng wala sa oras.
"Ma'am Rose, nasa living room na po si Doc Caspian." lumapit saamin si Rita.
"Sakto! Baka magpatayan na tong dalawa. Sige na Iyah puntahan mo na siya."
Tumayo ako at tumingin ulit kay Kyle.
"What?!" angil niya.
"Tumitingin lang! Sungit!"
sabi ko saka tuluyang umalis. Nakakainis!
Pagkarating ko sa living room ay busy si Doc Caspian magbasa ng magazine.
"Good afternoon Doc."bati ko sa kanya. Tumayo naman siya at binati ako.
"Sige Doc upo kana. Ano po ba maitutulong ko?"
"I'm just making a case study. Since isa ka sa mga importanteng tao sa buhay ni Mr.Santos, I want to know your relationship with him."
"Err.." parang nahiya naman ako magkwento.
"Don't worry hindi naman ako chismoso. Hahaha. Part lang to ng case study para alam ko kung saan ako magsisimula sa therapy namin."
Nahalata niya siguro na nag-aalangan ako magkwento.
"How was your relationship with him?"
"Bago naging kami, ganito din kami. Aso at pusa kumbaga. He had his grudge against me nung magkita kami dito sa bahay nila. He was inlove with me 4 years ago ng hindi ko alam. Naghintay at hinanap niya daw ako kahit saan to the point na nagquit siya sa pag-aartista dati."
Habang nagkikwento ako ay nag-eencode naman siya sa laptop niya at nirerecord din ang boses ko. Buti na lang at hindi siya nakatingin sakin.Baka mailang lang ako.
"Just continue.." sabi niya.
"Kaya namuo yung galit niya sakin kasi di ko talaga siya maalala, habang siya daw di niya ako makalimutan. Anong malay ko naman na mahal niya ako. Di nga tumatak sakin yung mukha niya nung nagkita kami noon sa Batanes." natatawa ako pag-naalala ko yun. Nakita kong napatawa din si Doc.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...
