Twenty Six

45 9 14
                                        

Nakahinga ako nang maluwag ng tuluyang matapos ang party.

"Thank You Lord!" sabi ko.

Kami na lang ang natitira nina Tita Rose. Si Tim ay nauna dahil ihahatid pa si Kristina.

"Caleb anak, are you going somewhere pa ba?"

Umiling si Kyle.

"Mauna na kayo Ma, sa akin na lang sasabay si Manang."

"Manang? She is not here."

Kinurot ko si Kyle, wala talagang patawad ang lalaking ito..

"I mean Mariyah."

"Ayan ka naman sa kapilyuhan mo Caleb ah! Sa amin na lang sasabay si Iyah."

"Go ahead Ma, ako na bahala kay Iyah."

"Is it okay to you Iyah?"

Tumango ako.

"Mahal, una na tayo."

"Thank you po ng sobra Tito Arman. Ingat po kayo."

"You too. Happy birthday again Iyah, drive safely son." saad ni Tito.

Nauna silang umalis sa amin, mga ilang minuto ay niyaya ko na si Kyle na busy sa cellphone niya.

Tumingin siya sakin at nagsenyas na sandali lang daw. Importante siguro ang kausap niya.

Nakakapagod ang araw na to. Pati paa ko parang suko na din lumakad.

"Let's go." saad niya at naunang maglakad.

"Dahan-dahan naman sa paglalakad. Ang sakit na ng paa ko." pagrereklamo ko kaya tumigil siya at nilapitan ako.

Pagkalapit niya ay tumalikod ito at lumuhod.

"Ride on me." sabi niya, syempre nagulat ako.

"Seryoso ka? Sasakay ako sa likod mo? As in piggy back ganun?"

"Yaah, you said your feet hurts, right? Total baboy ka naman eh di ipiggy-back kita."

Hinampas ko siya.

"MASYADO KA!"

"hahahahahaha. I was just joking. Bilis na para makaalis na tayo. May pupuntahan pa tayo."

"Saan?"

Tanong ko habang sumasakay ako sa likod niya. Nakakahiya, pinagtitinginan kami ng mga crew na nagliligpit ng mga gamit.

"You're tickling me." nakayuko na kasi ako sa may leeg niya.

"Pinagtitinginan kasi nila tayo." Bulong ko sa kanya ..

"Don't mind them." sabi niya saka tumayo.

"Why are you smiling, weirdo."

"Ang sarap sa feeling eh, para akong lumulutang." sabi ko.

"Ang bigat mo, magbawas ka nga ng timbang."

"Tusukin kita nitong hikaw ko makuha mo. Payat na nga ako eh."

Nararamdaman ko ang pagbubuntong-hininga niya.

"Sige na ibaba mo na ako." sabi ko na lang, halata kasing nabibigatan ito sa akin.

"It's okay.''

"Okay? Eh kanina kapa bumubuntong hininga diyan."

"It's not what you think. Never mind, don't mind me."

"Okay. Thank you ha."

"For what?"

"Kasi ang bait mo ngayon? Minus the fact that you throw the shoes given to me."

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon