Fifty One

24 2 0
                                        

Ilang araw o linggo na ata ang nakakalipas simula nang itext ako ni Kyle at yun na ang huli. Ilang beses kong sinubukang ipalawanag sa kanya pero  ayaw niyang maniwala. Hindi niya din sinasagot na ang tawag ko. Kaya tinitext ko na lang atleast mababasa niya.

As for Chester, he's willing to help naman para ipaliwanag kay Kyle pero I doubt na makikinig yun. Knowing Kyle na singtaas ng Eifel tower ang pride hindi siya makikipag-usap dito.

And good thing, bumalik na sa ibang bansa ang parents niya. Kaya malaya nanaman siya sa mga kalokohan niya.

"Why don't you try to visit him on his set. Maybe he'll be glad to see you there."

"Paano ko naman magagawa yun? Baka ano nanaman ang gawin sakin ng mga fans nila." nagbuntong hininga ako. I really want to see him.

Kahit papaano ay namimiss ko din naman siya. Oo na, ang hirap din minsan paniwalaan na nahulog na talaga ako sa mokong na yun.

"Leave it to me. I'll help you with that. Trust me." sabi niya sabay kindat sakin.

"Ewan ko sayo. Ano man yang plano mo, huwag mo na lang ituloy. Wala akong tiwala sayo."

"Hahaha. Funny you! Bye Ms. Santiago I have a meeting, thank you for your treat." sabi niya at nagmamadaling umalis. Mukhang may panibago nnaman siyang date,meeting meeting daw. Lokohin niya pagong.Hahaha. Napakababaero talaga. Tsk tsk!

Tumayo na din ako, uuwi na lang din ako. Tinext ko na ang guard ko para magpasundo. Naghintay ako sa labas.

"Maam Santiago?"

May isang lalaking naka coat and tie ang lumapit sakin.

"Yes po?"

"Ako po ang inutusan ni Mr. Santos na sumundo sayo."

Tiningnan ko siyang mabuti.

"Ito po ang text ni Sir." pinakita niya sa akin ang text ni Tito Arman.

"Ah okay po."

Nawala kahit papaano yung pagdududa ko nang makita ko ang text ni Tito.

Sumunod ako sa kanya. Nagulat ako dahil iba ang sasakyan. Baka bago lang ito.

"Kuya pabalik na lang po ako sa opisina."sabi ko kay kuyang driver pero hindi ko inasahan na ngumisi ito.

Bigla akong kinabahan mas lalo na nang sa ibang daang siya dumaan.

Agad kong kinuha ang cellphone ko, at kung minamalas ka naman talaga bigla niya itong hinablot at tinapon sa labas.

"Yes boss, nakuha ko na siya."
may kausap yung lalaki sa cp niya.

"Tito Arman!"

"Tumahimik ka! Hindi ito si Arman Santos tanga!"

Hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko, mas malala pa ito kaysa nung may humahabol sa akin sa Batanes.

"Sino ka?Anong kailangan mo sakin?"

"Tumahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko yang ulo mo!"

bigla niyang nilabas ang baril niya.

"Kuya.. sino ka ba? wala naman akong ginawa sayo.." nagsimula ng punatak ang mga luha ko.

Bigla niyang hininto ang sasakyan at tinutok ito sakin.

"Isa pang salita, papatayin talaga kita."

Pinigilan ko ang paghikbi ko.. Takot na takot na talaga ako.

Walang ibang makakatulong sa akin. Hindi ko alam ang kahihinatnan nito.

Sa sobrang layo ng ibinyahe namin di ko alam kung saang lugar na ito ang alam ko lang nasa bundok na kami at wala ng bahay na makikita pa dito.

Itinigil ito nung driver at muli ay nagulat ako ng itutok niya nanaman ang baril sakin.

"Baba. Huwag mo susubukang tumakbo kung ayaw mong mamatay kaagad."

Tumango lang ako. Wala akong magagawa kundi ang sumunod lang dahil kung hindi baka barilin niya ako.

Pumwesto siya sa likod ko at nakatutok ang baril sa likod ko.

"Lakad! Sundan mo ang trail na yan."

Yun nga ang ginawa ko pero patuloy lang ako sa paghikbi kada paglakas ng paghikbi ko ay sinisigawan niya ako kaya pigil na pigil ang pag-iyak ko.

Nang makarating kami sa isang abandonadong bahay ay pinapasok niya ako dito.

Nagulat ako nang pagbukas ng pintuan.

"Boss, sabi ko naman sayo eh. Tiwala lang at madadala ko tong babae sayo."

"That's my man.. Very good ka talaga! Sige itali mo na yan! Siguraduhin mong hindi yan makakatakas!"

"Yes boss."

Gulat pa din talaga ako. Hindi ko inakalang siya ang may pakana ng pagpapakidnap sa akin.

"Kuya......"

"Are you surprised?" He smirked.

"Bakit mo to ginagawa Kuya?" umiiyak na talaga ako ng malakas.

"Shut the f*ck up Mariyah, you're asking? Sa tingin mo bakit ? Hahaha. Of course because of money. Money is everything Mariyah..."

"Pero.. Mayaman naman kayo ah.."

"Mayaman? Not like you Mariyah.. Ngayon ka lang dumating ni wala ka ngang pinaghirapan tapos ganoon kaagad ang minana mo. You deserve nothing Mariyah!" pagkasabi niya nun ay isang napakalakas na sampal ang binigay niya sakin.

Hindi ko aakalain na kaya niyang gawin to sakin.

"Kuya Castie... sa lahat ng dapat gumawa nito.. Bakit ikaw pa, magkadugo tayo.."

Ngumisi siya..

"Well I don't treat you as my family. Kung ang magulang mo nga ay pinatay ng Tito natin, ikaw pa kaya na pinsan ko lang. Mas maganda kung mamatay kana lang. My family must be the one to inheret your wealth.Bakit bumalik kapa!"

Kitang-kita ko ang galit sa mata niya.

"Now that you're back, our company is at stake. Kasalanan mo to. Unti-unting bumabagsak ang kompanya. Dad is furious with me. Ang laki na ng pera ng nawawala sa amin. And you're the one to blame!"

"Madali lang naman pag-usapan Kuya. Madadaan natin to sa pag-uusap."

"F*CK OFF B*TCH!"tinulak niya ako ng sobrang lakas dahilan para matumba ako.

"Itali niyo na yan!" Yun ang huli niyang sinabi saka umalis.

Tinulak tulak naman ako ng lalaki at itinali sa upuan. Sobrang sakit ng pagkakatali niya ng paa ko at kamay ko. Nilagyan niya din ng ducktape yung bibig ko.

Iyak lang ako ng iyak.

Panginoon, hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako pero sana may dumating para tulungan ako.

Ilang oras na ang lumipas, iba iba na rin ang nararamdaman ko. Nauuhaw, nagugutom, naiihi at napapagod na din ako. Hindi ako makasalita dahil sa ducktape kaya iginalaw ko ang katawan ko dahilan para tumingin sa akin yung driver.

Pilit akong nagsalita kahit alam ko naman na hindi niya maiintindihan. Kaya lumapit siya at inalis ang ducktape sa bibig ko, pero sobrang sakit nun.

"Kuya naiihi na po talaga ako. Pwede po bang mag-cr muna."

Buti na lang at pinabigyan niya ako, inalis niya ang mga nakatali sa akin.

"Huwag mong subukang tumakas, kung ayaw mong huwag ng sikatan pa ng araw."

Tumango lang ako , takot ko lang sa sinabi niya..

Pagkatapos kong magcr ay itinali na ulit ako.

"Kuya nagugutom na ako.."

"Wala akong paki." sabi niya saka nilagyan ulit ng ducktape ang bibig ko. Ang sama nila..

Itinulog ko na lang ang gutom ko. Umaasa akong panaginip lang lahat ng ito at pag gising ko ay nasa bahay na ulit ako.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon