"Waah,ang ganda pa din talaga dito. Di ko ipagpapalit ang Batanes!"
Nakatayo ako sa kotse niya habang nagdadrive siya.
"Woaaahh ang sarap ng hangin, walang polusyon!!"
"Can you please stop it! Para kang baliw kakasigaw diyan. We're not even in a cruise ship para magfeeling Rose ka. Ano to Titanic! Maupo ka nga Tss."
"Masaya lang ako na nasa Batanes ulit ako. Hmm.. KJ nito."
Umayos ako ng upo pero nakaharap ako sa gilid ko. Ang ganda talaga ng Batanes. Bukod sa tahimik na, napaka-peaceful pa.
Simula kanina pagbaba sa airport, di na maalis ang ngiti ko."Isang barangay na lang.. Malapit na samin!"
Tiningnan niya akong masama ng mapahampas ako sa kanya.
"Hehe. Excited lang." sabi ko at nag-peace sign sa kanya.
"Ano kaya ang una kong gagawin.. Ah alam ko na! Pupunta ako sa dati namin na bahay. Bibisatahin ko bagong may-ari nun."
"Baka mainlove ka sa bagong may-ari ng bahay niyo dati."
"Ha?Anong pinagsasabi mo diyan. Di ko naman kilala kung sino, basta ang alam ko lang yung pinagbilhan ko nun dati ipinamili din. Gusto kong makita kung giniba ba o binago na lahat sa bahay namin. Tsaka bakit ako maiinlove kung sino may-ari nun. Hindi ako ganoon." Sabi ko sa kanya.
"Good. Matulog kana lang, ang daldal mo."
"Ayoko ang haba na ng tulog ko kanina."
"Oo nga eh. Yakap na yakap ka sa braso ko." sabi niya at ngumisi.
Nahiya ako nang maalala ko yun kaya tumingin ulit ako sa kalsada.
"Ang ganda talaga dito noh? Alam mo ba kung papipiliin ako, mas pipiliin ko pa rin yung dati."
"Yung tagahuli ng pagong?"
Bigla akong napatingin ulit sa kanya. Napasimangot ako.
"Hindi yun! Ang tinutukoy ko simpleng buhay. Baliw!"
"Nga pala, ano bang trip mo noon at nanghuhuli ka ng pagong?"
"Kasi po hinuhuli sila ng mga kanayon namin at binibenta. Endangered species na nga, kukunin pa nila. Kawawa naman yung mga susunod na henerasyon natin diba. Wala na silang makikitang mga pagong."
Tumango siya at napahawak sa baba niya.
"Yah right. Kawawa yung mga anak natin."
Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya.
"Anong anak ang sinasabi mo dyan!"
"You said next generation right? Eh yung magiging anak din naman natin magiging future generation din naman. What's wrong with that?"
Parang gusto ko ng malusaw sa pinagsasabi niya. Minsan talaga wala syang preno sa pagsasalita.Hirap din akong malaman kung nagbibiro ba ito o hindi dahil ang seryoso ng sinasabi niya.
So iniisip niya na kami ang magkakatuluyan ganun? Ihhhhhh ..kasi naman..
"Hey are you blushing?"
Tiningnan ko kaagad ang mukha ko sa side mirror. Hala! Sobrang pula ko pati ng tainga ko.
"Hindi ah! Mainit lang talaga!"
"Okay sabi mo eh.Bigla niyang ginilid ang sasakyan niya.
"Bakit?"
Hindi siya sumagot. Lumabas siya at pumunta sa may dampa ng kalsada. Tumalikod ito.Ang ibaba nito ay dagat.
Lumabas agad ako.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...