Four

52 8 0
                                        

Halos magdadalawang-linggo na ako dito at unti-unti na rin akong nasasanay sa kanila. Lagi kaming magkasama ni Rita at kadalasan naman kapag may pasok siya ay kasama ko si Tita Rose. Tinuturuan niya ako sa pagtatanim na ikinatuwa ko naman. Lalo na kapag nakikita mong nagsisitubuan sila.

"Ayan, dapat tama lang ang mga patubig kasi baka malunod sila pag nasobrahan sa tubig." sabi ni Tita habang dinidiligan ko ang mga halaman.

"Kailan kaya sila mamumulaklak. Gusto ko ng makita ang mga bulaklak nito." masaya kong sabi.

"Ganyan din ako palaging excited sa pamumulaklak nila. Tara muna sa loob, may sasabihin kami ni Tito Arman mo."

Seryoso niyang sabi. Palalayasin na kaya ako?

Pagka-upo namin ay tinawag niya si Tito Arman. Paglapit nito sa amin ay may mga dala itong makakapal na papeles.

"Iyah, wag kang magugulat sa sasabihin namin ngayon ah." sabi ni Tita Rose.

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.

"Papaalisin niyo na ho ba ako dito?" halos maluluha na ako sa pagtanong ko.

"Hahahahaha.. Ano ka ba! Bakit naman namin yun gagawin. Hindi namin yun gagawin sayo."

"Hay salamat sa Diyos! Kinabahan po ako eh."

Lalong natawa ang mag-asawa saakin. Totoo naman eh nakakakaba kung papaalisin nila ako dito. Wala naman akong kakilala dito.

"By the way, your Tito Arman decided not to go to work para tulungan niya akong i-discuss sayo ang mga dapat mong malaman.. I want you to be open minded okay?"

"Bago yun, ano ang alam mo Iyah tungkol sa mga magulang mo?" tanong ni Tito Arman.

"Sabi po nila Lola, patay na ho sila. Sanggol pa lang ako ng maaksidente sila sa isang plane crash. Wala daw pong aalaga sakin kaya kinuha nila ako. Nagkikwento naman ho sakin sina Lola na mabait daw po mga magulang ko. Yun lang po."

Hinawakan ni Tita Rose ang kamay ko.

"Yes it's true that your parents died when you're still a baby. But your parents died because..."

Tumingin muna si Tita kay Tito Arman at tumango ito sa kanya.

"It's time to let her know."

"Your parents died in an ambush."

Nagulat ako sa narinig ko. Ambush? Bakit? Bakit naman sila pinatay? Sino ang pumatay sa kanila? Bakit nagsingungaling sina Lolo.

"I know you have a lot of questions right now. And let me help you answer all of them."

"Bakit nagsinungaling sina lolo...." halos maluluha ko ng sabi.

"It's because they want to protect you. Your father's family is known as one of the richest clan in the country. Siya ang panganay at legal na anak sa magkakapatid. Your dad inheret almost all of the shares of their family. At dun nagsimula ang galit ng mga kapatid ng daddy mo. Lalo na ng mapangasawa niya ang mommy mo. Your mom came from a simple family. They're not rich netheir famous. They don't want your mom. But your dad fight for your Mom. They got married and they have you. Akala namin tapos na ang problema ng dumating ka, but it became worst for the siblings of your dad. Lahat ng ari-arian niyo ay ipinangalan sayo. Until one day, it happened. As your mom and dad are going home from work, they were ambushed by masked people and got killed. An hour before that incident, your dad call your Tito Arman, he gave the authority to take in-charge the company. Siguro naramdaman na nilang may nakasunod sa kanila. Binilin ka din samin ng mommy mo, kasama doon ang lolo at lola mo. Your Tito Arman is one of the trusted co-partner in business industry.Buti na lang at nandoon sa bahay ninyo ang lolo at lola mo. We tried our very best para matago kayo sa masasamang ugali ng pamilya ng daddy mo. Your dad is the legit son that's why they envy your dad. We know very well that they will haunt you, dahil pag napatay ka nila automatically mapupunta ang lahat ng shares sa magkakapatid. Pinalabas namin sa media na nawawala ka and your lolo and lola died. Dun lang natigil ang pagpipilit nila. Now para hindi sila magduda saamin, we decided to give 25% of the shares to the 2 brothers of your dad. At yung isang kapatid na napatunayang nagpapatay sa mga magulang mo ay nasa kulungan parin hanggang ngayon. No need to worry kasi sisiguraduhin naming hinding-hindi siya makakalabas. Now that you are back, we will give what you deserve. We promise that we are going to protect you."

Humagulgol ako sa iyak ng malaman ko ang totoong nangyari sa pamilya ko.
Halos hindi ko maisip ang nangyari sa kanila. Grabe naman kasama ang pamilya ng tatay ko. Bakit kailangan nilang mangpatay ng kadugo nila dahil lang sa pera.

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang niyayakap ako ni Tita Rose.

"Masakit malaman ang totoo, pero kailangan mong malaman ang totoo. Huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa. Pamilya mo na kami. Hindi kami makakapayag na may mangyari sayong masama."

"The 50% share of the company is yours, the 25% is ours. At ang tirang shares ay pinaghati-hatian ng ibang small companies. Yung 25% na shares dati ay naibigay na sa Uncle mo kaya wala ng habol sayo. No need for your safety Iyah. We will help you and protect the company of your family." sabi ni Tito Arman.

"We know you are intellegent, hindi man kita nakikita araw-araw. Sinusubaybayan ka naman ng mga tauhan namin to keep you safe and keep us updated. We know you finish your degree with flying colors. Kayang-kaya mong patakbuhin ang kompanya ng pamilya niyo."

"Hindi ko ho kaya."

"Huwag kang mag-alala hindi pa sa ngayon. Not now Iyah, we need more workshops to do bago ka ilabas sa publiko." sabi ni Tito..

Natatakot ako sa mga mangyayari saakin.
Ito na ba ang umpisa ng pagbabago ng buhay ko?

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon