Three

61 8 0
                                    

Sama-sama kaming kumain ng almusal, kasama ang mga kasama nila sa bahay.

"Ito si Kuya Pedro siya ang family driver natin dito. Kung may gusto kang puntahan sabihan mo lang siya. Ito naman si Ate Minda, siya ang asawa ni Kuya Pedro at nanay ni Rita. Siya ang katulong ko sa hardin at katulong din nina Manang Loreng dito sa gawaing bahay." Ngumiti ako sa kanila.

"Kinagagalak ko po kayong lahat makilala." Ngumiti sila saakin

"Siya naman si Iyah, siya yung matagal na naming hinahanap na alam ko naman na alam niyo kung bakit. Habang nandito siya ay tutulungan niyo siya maka-adjust sa buhay Maynila. As for you again my dear Iyah,this is my son Timothy. "

Ngumiti ito sa akin. Pamilyar talaga ang mukha niya eh. Parang nakita ko na siya pero imposible naman yun kasi ngayon pa lang ako nakalabas ng Maynila. Ay ewan!

"Ahmm Iyah..."

Bigla siyang kumaway sa harap ko. Ay talaga naman Iyah oh! Kailangan talagang matulala ka. Aish nakakahiya.

"Ah sorry po. Hello po Kuya."

"Timothy na lang, wag ng Kuya para naman akong matanda. Haha."

Tumawa ito,para talagang nakita ko na siya.

"By the way, feel at home ha. Don't worry lahat dito mabait." He said. Tumango lang ako kasi medyo nahihiya pa ako.

Matapos nun ay masaya kaming nag-almusal. Nakikita kong maayos silang makitungo sa mga kasama nila sa bahay. Tinuturing nila itong parang pamilya.

"Mahal, natupad na wish mo may instant anak na tayong babae. Oh Iyah gusto mo bang ampunin kana namin?"

Biglang sabi ni Tito Arman.

"Ano kaba Mahal, mas matutuwa ako kapag isa sa dalawang anak natin mapangasawa tong si Iyah. Hahaha. Oh diba di man natin siya ampunin at least magiging daughter-in-law ko pa siya. Di ba Iyah?"

Nagulat ako sa sinabi nila. Alam kong namumula ako ngayon.

"Ma, ginugulat niyo naman si Iyah.. Wag kang mag-alala Iyah nagbibiro lang sila."

"Okay lang Timothy."

"Ayieeeee." Biglang nagsi-ingayan ang mga kasamahan namin sa mesa. Mas lalo akong nahiya.

"Hay naku anak, mukhang ito na ang tamang panahon para magkalovelife ka. Hahaha"

"Ma!" Nahihiya na din siguro si Timothy kaya tumigil na si Tita Rose.

Pagkatapos naming kumain ay sabay na hinatid namin palabas sina Tito at Timothy.

"Tim ingat sa pagdadrive ha. And for you Mahal, kalma lang sa trabaho."

"Ikaw din Ma, may kasama kana ha. Go outside with Iyah. Magshopping kayo or whatever, wag puro halaman Ma ang kausap ha. Love you."

Ahyy.. Ang saya naman nilang tingnan. Siguro kung buhay pa mga magulang ko ganun din siguro kami.

"Bye Iyah! See you later."

Ngumiti siya sakin , sinuklian ko din ito ng ngiti.

Pagkaalis nila ay tinutukso ako ni Tita Rose.

"Mukhang ikaw ang pag-asa kong magkalovelife ang anak ko. Hahaha."

"Naku, bawal pa po ako sa mga ganyang bagay."

"Wag mong sabihing hindi kapa nagkakanobyo?"

Tumango ako bilang sagot. Pero ikinagulat ko ng tuwang-tuwa siya.

"Yes! Buti na lang. Promise! Magiging daughter-in-law kita . Hindi ako makakapayag na hindi ka magiging Santos."

Alam ko naman na nagbibiro siya kaya hinayaan ko na lang siya. Pumunta muna ako sa kusina para makatulong sa gawain.
Aalis kasi si Tita Rose, kakausapin niya daw yung Lawyer ng pamilya namin.

"Tulungan ko na kayo."

Nagulat si Rita ng pagsulpot ko. Naghihiwa sila ng gulay na lulutuin para mamaya.

"Uy Iyah, ikaw ha.. Natulala ka kanina kay Kuya Tim.. Crush mo no?"

"Hindi ah.. nagulat lang ako kasi parang pamilyar siya sakin."

"Ay naku, talagang pamilyar sayo kasi may kamukha siyang artista."

"Oh talaga? Sino?"

"Edi yung kambal niya."

Nagulat ako.

"May kambal siya? bakit di ko pa nakikita?"

"Hahaha joke lang. Bunso nila yun na kapatid. Di naman sila kambal pero magkamukha sila.Kasi nga magkapatid diba.Haha.. Wag kanang umasa na makikita mo yun dito, magugulat kana lang pag may maingay at kaguluhan dito. Ibig sabihin nandito siya."

"Bakit naman? masungit ba?"

"Masungit ba kamo? Ay naku, sinabi mo pa. Saksakan ng kasungitan. Teka di mo ba kilala? Sikat na artista yun."

"Wala naman kaming T.V. kaya di ko kilala. Yung mga artistang nakikita ko lang sa notebook ang pamilyar sakin."

Tiningnan niya ako na parang di makapaniwala. Pinalaki kasi ako ng Lolo ko na wag daw manonood ng t.v. kasi ayaw niya daw matuto ako ng mga bagay na hindi magandang gawin. Ewan ko kung bakit pero yun ang paniniwala niya, pero okay lang naman sakin kasi di din naman talaga ako mahilig manood ng tv.

"Basta, pag dumating yun wag na wag mo na lang papansinin kasi baka kung anong masabi sayo. Kung ano ang iuutos niya sundin mo lang."

"Parang tinatakot mo naman ako. Mabait naman siguro yun, kasi mabait naman si Timothy."

"Hindi ah! Magkasalungat na magkasalungat silang dalawa. Ayieee. ikaw ha.. nababaitan kay Kuya Tim.."

Sinusundot sundot niya tagiliran ko.

"Mabait naman talaga siya."

"at gwapo.."

"Ikaw ata may gusto sa kanya eh." biro ko sa kanya. Namula siya ng unti.

"Slight lang. Hihi."

"Bakit di mo sabihin sa kanya."

"Ayos ka lang? Edi pinahiya ko sarili ko nun."

"Sabi ng lola ko pag gusto mo ang isang tao, hindi ka mahihiyang ipagsigawan ito."

"Naku naman Iyah, kapag sinigaw ko na gusto ko si Kuya Tim dito sa loob ng bahay nila baka batukan ako ng nanay at tatay ko."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Tsaka crush crush lang naman. Haha. ."

"Ano nga pala ang pangalan ng isa nilang kapatid."

"Ritaaaaaa.. Halika dito, may dumating na sulat para sayo." natigil sa sasabihin si Rita ng tinawag siya ni Manang Loreng.

"Yes! Yung ka-penpal ko yun." masaya niyang sabi, napangiti lang ako, napakamasayahin niyang tao.

Nag-ikot-ikot na lang ako sa bahay para matandaan ko na ang pasikot-sikot dito.

Bakit kaya ang laki ng bahay nila tapos kakaunti lang naman sila, sayang ng pera.

Naisip ko ang dati naming bahay. Hindi naman ito maliit, di din naman malaki pero masaya kami kasi magkakasama kami nina Lola at Lola.

Kung buhay pa sila, siguro sa mga oras na ito ay pinapagalitan nila ako dahil galing nanaman ako sa dagat.

Di ko namalayan na napaluha nanaman ako. Ano kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw?







A/N: Isang masabaw na update. HUHU 😭

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon