Sixty Three

7 1 0
                                        

**Third's POV**

Tuwang-tuwa si Margaux ng tinawagan siya mismo ng Mommy ni Kyle para makipagkita. Kaya nagpaalam kaagad siya sa manager niya na aalis siya ng maaga. Iniisip niyang nagbunga na ang paghihirap niya para makuha niya si Kyle.

Nagbeso kaagad siya sa Mama ni Kyle ng makarating siya sa restau. Nasa private room sila.

"Sorry po Tita, I'm late galing pa po kasi  ako sa taping. Ako po si Margaux. And sorry din po..."

"For?" mataray na sabi ng Mama ni Kyle. Kaya nagulat siya ng makitang seryoso ang mukha nito.

"Sorry for slandering my son? You think I don't know what are you up to?
Darling, mabait ako sa mabait. Pero kapag ang anak ko na ang naaagrabyado, para akong tigre na nangangagat ng tupa."

"Ano pong gusto niyong sabihin?"

Kinakabahan si Margaux. May nilabas na envelope si Rose at ibinigay kay Margaux.

"Open it." utos niya kay Margaux.

Laking gulat ni Margaux ng makita ang mga picture. Meron ditong picture na galing sa clip ng video. Meron ding picture ng mga lalaking inutusan niya para iedit yung video. Ito yung time na binayaran niya yung mga lalaki after makalabas yung video sa internet at gumawa ng fake news.

"Sorry.sorry... Sobrang mahal ko lang po ang anak niyo."

Kinuha niya ang kamay ng mama ni Kyle pero sinampal siya nito.

"Alam mo ba ang resulta ng ginawa mong ito ha? Masaya ka ba na sirang sira ang image ng anak ko? Pati ang relasyon ng pamilya namin sinira mo. Hindi lang relasyon ng girlfriend niya. Alam mo ba kung kamusta ang anak ko ngayon? Ha!"

"Alam ko po. Pero nagmamahal lang po ako. Hindi ko matanggap na may mahal siyang iba. Matagal ko ng mahal si Kyle Tita."

"Mahal mo lang ang trabaho mo. Dahil kapag sinabi ni Kyle kung sino girlfriend niya, masisira ang loveteam niyo. Mawawalan kayo ng project together. At yun ang kinakatakot mo diba. Makasarili ka. Ngayon, bilang ina I will use all of my resources para mawala ka sa industriya. At sisiguraduhin kong walang-wala kanang babalikan sa showbiz kung hindi mo aaminin sa publiko ang lahat ng ginawa mo."

Nagulat si Margaux, iyak siya ng iyak.

Tumayo si Rose at bago ito umalis ay tiningnan niya ulit si Margaux na umiiyak.

"Kung mahal mo talaga ang anak ko, gawin mo ang tama. Ayusin mo yung ginawa mong gulo."

Hindi alam ni Margaux na ito ang magiging resulta sa kanya ng ginawa niya. Sobrang halaga ng trabaho niyang ito sa kanya.

"Kunin mo ang phone ko." utos niya sa P.A. niya.

Tumawag agad siya sa TV network niya
at nagpaschedule ng press conference bukas.

Samantala ang mama ni Kyle ay umuwi kaagad dahil nag-aalala siya sa anak niya na ilang araw ng hindi lumalabas sa kwarto nito. Nagbayad din siya ng malaki sa isang news publishing para wala ng lumabas na masamang balita tungkol sa anak niya.

"Manang Loreng, pakuha ng spare key ng  kwarto ni Caleb."

Agad naman ginawa ng katulong ang iniutos nito.

Alam nitong ayaw niyang may pumapasok na iba sa kwarto niya.

Pagkabukas niya sa kwarto ng anak niya para itong binagyo. Nagkalat ang mga picture ni Mariyah. Nagkalat din ang bote ng alak. Nasa gilid lang siya ng kama niya at hawak ang picture ni Mariyah . Kuha ito nung birthday ni Mariyah. Gustong-gusto nito na makita ang mga ngiti ni Mariyah.

Awang-awa siya sa anak niya.Lumapit siya dito at ibinaba ang bote ng alak na hawak nito.

"Anak, tama na yan please?"

Tumingin si Kyle sa mama niya. Mahaba nanaman ang buhok nito at ang bigote.

"Ma, gusto ko makita si Mariyah."

Tumango siya, alam nitong nasasaktan pa din hanggang ngayon si Mariyah. Alam din nito na lagi itong umiiyak dahil sinasabi sa kanya ni Rita.

Ayaw niya sanang tawagan si Mariyah pero hindi niya na kayang makita ang anak niya na ganito.

Pagtalikod ng Mama ni Kyle ay nagulat ito na nasa loob na ng kwarto si Mariyah. Hindi ito alam ni Kyle dahil nakatalikod ito at lasing na lasing.

Kinuha ni Mariyah ang ilan pang mga larawan niya na nahulog sa sahig. Malungkot nitong inaayos ang mga nagkalat na damit.

"Ako na lang ho bahala sa kanya." sabi nito sa Mama ni Kyle ng makalapit sa kanya.

Niyakap niya ng mahigpit si Mariyah. Nagpapasalamat siya dahil pumunta siya dito kahit hindi paman niya ito natatawagan. Nagpapakita lamang ito na mahal na mahal pa rin ni Mariyah ang anak niya

"Salamat Iyah."

Lumapit kaagad si Mariyah kay Kyle at siya na mismo ang naglayo ng mga alak dito. Nagulat si Kyle nang makita si Mariyah.

"Mariyah..." Niyakap niya kaagad si Mariyah at hinayaan lang ito ng dalaga. Pinipigilan niyang umiyak pero naaawa siya sa ginagawa ni Kyle sa sarili niya.

"Sorry sorry.." iyak lang siya ng iyak.

Naiyak na din si Rose nang makita niya ang anak sa ganoong sitwasyon.

"Sshhh.." Inakay ni Mariyah si Kyle na tumayo pero lasing na lasing ito kaya di ito makatayo ng maayos.

Tinulungan ni Rose si Mariyah na maitayo si  Kyle at maihiga ito sa kama nito.

"Mariyah hayaan ko na muna kayong dalawa ha. Kapag kailangan mo ng tulong tumawag ka lang samin."

"Opo."

Pagkaalis ng Mama ni Kyle ay nagsimula na siyang maglinis.

"Huwag mo akong iiwan." Hinawakan ni Kyle ang kamay ni Mariyah. Akala kasi nito ay aalis na din si Mariyah.

"Dito lang ako, di ako aalis." sabi niya at hinalikan ang noo ni Kyle.

Naglinis si Mariyah at pagkatapos nito ay kumuha siya ng bimpo para punasan si Kyle.

Tumabi siya kay Kyle. Tahimik lang siya habang pinupunasan si Kyle.

"Panaginip lang ba to?" sabi sa kanya ni Kyle. Umiling siya.

"Bakit ginagawa mo to sa sarili mo?"

Pinunasan ni Mariyah ang luha niya.

"Sinaktan kita, sorry.. sorry."

Kinuha niya ang braso nito at pinunasan.

Ayaw ni Mariyah sumagot. Hindi niya pa rin matanggap ang ginawa sa kanya ni Kyle.

Pumunta lang siya dito dahil nag-aalala siya kay Kyle dahil puro masasama ang komento ng mga tao sa kanya.

Di nga siya nagkamali dahil pinapabayaan nito ang sarili. Sinabi din sa kanya ni Manang Loreng na hindi ito kumakain.

Kaya nagpakuha siya ng makakain at pinakain si Kyle. Hindi siya nagsasalita. Inalagaan niya si Kyle hanggang sa makatulog ito.

Nang masigurado nitong mahimbing na ang tulog nito ay hinalikan niya ito sa noo.

"Mahal na mahal kita Kyle." sabi niya bago tuluyang umalis sa kwarto nito.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon