"Wooooooh!" Bumuga ako ng hininga nang makaalis na kami ng tuluyan sa mga media people.
"Naduling ata ako doon ah."
Tumawa lang si Kyle.
"Brace yourself, papasok na tayo." sabi niya at sinenyasan ang dalawang nagbabantay sa malaking pintuan.
……………………
"Let us all welcome the birthday celebrant herself and the heiress of Santiago's clan, Ms. Mariyah Ellaine Santiago together with her escort Mr. Kyle Caleb Santos."
Ang lakas ng kabog nang puso ko. Nakangiti lang ako habang naglalakad. Maraming mata ang nakamasid sa akin. Mayroon pa ding kumukuha ng mga larawan sa amin. Baka pag-uwi ko nito mamaya tuluyan na talaga akong maduling.
Umupo kami sa VIPs table. Nandoon nakaupo ang mga kilalang business tycoons.
Bago paman ako makaupo ay lumapit sa akin si Timothy.
"Happy birthday Iyah. You are so gorgeous." sabi niya sabay beso-beso sa akin.
"Salamat Tim, ikaw din ang gwapo mo." Sabi ko.
"Ehhem.. Maupo kana." sabi naman sa akin ni Kyle.
Kaya bumalik na din si Tim sa kinauupuan niya. Tumabi siya katabi ng magandang babae. Ngumiti ako dito pero hindi siya ngumiti. Hmmm..
"Are you ready to witness some spectacular talents of our stakeholders?"
biglang sabi ng host ng party.Nagsitawanan ang mga tao.
"Base from that laugh, I guess they're ready. So let's give it up to the stakeholders as they dance the budots!"
Nagsihiyawan ang mga tao habang papunta sa ginta ang mga sasayaw. Kahit ako ay natatawa din. .Simula pa lang nang tugtog ay kanya-kanya ng step.
"Tss. They are really weird."
sabi nang katabi ko."Ano ka ba. Ang cute kaya nila. Tingnan mo si Papa mo, nakakatawa. Ang galing! Hahahaha."
"Geez!He's embarassing our genes!"
"Hala ang cute ni Tim. Hahahaha."
Makakatuwa naman, halatang enjoy na enjoy sila..
"Ayan! Naexercised na ang mga uugod-ugod na dyan. Sino ba diyan ang uugod-ugod na? Hahaha."
Nagsituruan sila. Halata mong napagod ang mga ito, karamihan kasi sa kanila ay may mga edad na.
"Syempre magpapatalo ba naman ang birthday celebrant? Di ba hindi?"
sabi nung host. Nagulat ako."No!" hiyawan nang iba.
Nagsenyas ako na ayaw ko pero pinipilit nila....
"Go. Make them awe." sabi ni Kyle.
"Anong gagawin ko?"
"There's a piano up in the stage. Use that."
sabi niya."Bakit mo alam na marunong ako?".
Nagkibit balikat lang ito at tinulungan ako umakyat sa stage hanggang sa makaupo sa harap ng piano. Ang laki-laki naman kasi ng gown ko.
"I'm not really good in this but I hope you'll like it." sabi ko sa mic.
Sinimulan ko ang pagtugtog.
(Music: At the Cross)"Oh Lord you've searched me
You know my way
Even when I fail you
I know you love me...."Kumanta ako. Namiss ko ang kumanta ng mga worship song.
Sa bawat binibitawan kong kanta at pagtugtog, di ko maiwasang maisip sina Lola. Tuwing kaarawan ko 3 lang kaming magkakasama pero masaya ako. Ngayon maraming tao ang nakapalibot sa akin. Hindi ko alam kung totoo ang binibigay nila saking trato. Dapat ko bang ikatuwa na mayaman ako?
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...