Sixty Five

13 1 0
                                        

Matapos ang ginawang pag-amin ni Margaux ay kinasuhan siya ni Tito Arman. Ayaw na sana ni Kyle kaso sabi ni Tito Arman ay malaki daw ang ginawa nitong pinsala sa pamilya nila lalo na kay Kyle.

After 1 week, unti-unti ng nagiging okay si Kyle at ang issue tungkol sa kanya.
Mas dumami din ang endorsement ngayon ni Kyle. Naging busy ulit kaming dalawa sa kanya-kanya naming trabaho. Naging madalas na ulit ang komunikasyon naming dalawa. Sabi nga nila ay bumalik na din daw ang masayahin kong mukha. Buti na lang at okay na si Kyle at Tim. Nalaman kong nag-away din pala sila dahil sa akin.  Actually, pinapaiwas ako ni Kyle sa kapatid niya kasi nagseselos ito. Baka daw magustuhan ko si Tim. Hay naku, nasabi ko din bang bumalik siya sa pagiging isip bata niya.

"Hoy, ito na magsisimula na ang interview kay Sir Kyle ni Tito Boy."

Hinila ako ni Rita papunta sa sala. Sinabi din ni Kyle na manood ako ngayon.

"Tito mo ang mag-iinterview sa kanya? Wow, galing!"

Tanong ko kay Rita pero bigla siyang tumawa ng malakas. May mali ba sa tanong ko?

"Hahaha. Peste! Ang funny mo talaga Mariyah. Hindi ko Tito, baliw ka. Tito Boy kasi ang screen name niya. Sikat siya. Manood na nga lang tayo. Kaloka ka. Hahaha."

Natawa na lang din ako. Wow mali. Malay ko ba kasi, wala naman akong kilala masyado sa mga artista. Si Kyle lang ata at Maegaux ang kilala ko.

"Magandang Gabi Kyle."

"Magandang gabi din Tito Boy and sa lahat ng nandito sa studio."

Nagsitilian naman ang mga tao doon. Napangiti naman siya dahil sa mga hiyawan. Bagay na bagay talaga siya sa pag-aartista. Ang gwapo niya lalo ngayon.

"Kamusta ka naman ngayon matapos ang nangyaring malaking eskandalong kinasangkutan mo at ng dati mong kalove-team?"

"I'm very much okay now Tito Boy. Everything is doing fine now.
Malaki talaga ang naging lesson sa nangyaring yun sa buhay ko. Dumating ako sa point na halos mabaliw na ako kakaisip kung ano na ang gagawin ko. Buti na lang lumabas din ang katotohanan. Kasi kung hindi, hindi ko na alam Tito Boy kung makakayanan ko pang bumalik sa showbiz."

Napa-owww naman ang mga audience sa sinabi niya.

"Yeah I understand Kyle. So how did you cope with those problem?"

"Totoo nga Tito Boy yung sinabi nila na your mom will always understand you. Hindi niya ako sinukuan Tito Boy. I'm always thankful with my Mom and of course to our Almighty God.

At may isa pang special someone na hindi din ako pinabayaan kahit na alam kong nasaktan ko siya ng sobra."

Inalog-alog naman ako ni Rita dahil sa huling sinabi ni Kyle. Ako din ay natuwa sa sinabi niya.

"May I know who is that someone? Is that your girlfriend or nililigawan? Wait naalala ko sinabi mo dati sa interview na may girlfriend kana. Siya pa rin ba itong someone ngayon na sinasabi mo?"

Natawa si Kyle kasi parang prinipressure siya sa tanong na yun.

"Haha. Of course Tito Boy."

"Artista ba siya dito o sa kabilang network?"

"Hindi po siya artista."

"Eh kung hindi artista, siya ba ito?"

Nagulat ako ng lumabas sa screen yung picture ko.

"Hahahaha.." Natawa si Kyle ng makita yung picture. Siguro ay hindi niya inaasahan na may nakuha silang picture ko. Kahit ako ay nagulat na nakasama sa segment nila.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon