Seventy Eight

6 0 0
                                        

Ewan ko ba para akong natakot bigla sa aura ni Kyle. Nakatalikod ito sa veranda ng kwarto nila.

"Kyle.."

Errr. Hindi pa rin siya kumikibo. Tumalikod na ako at lumabas ng kwarto.Maliligo  muna ako.

Matapos kong maligo ay dumiretso ako sa kusina.

"Oh Iyah, nakakain na pala si Kyle. Andoon siya sa tabing dagat. Aalis na ako. Maaga na lang ulit ako bukas babalik."

"Salamat po Aling Sonya. Ingat po kayo pauwi."

Maliwanag naman doon sa tabing dagat kung saan tumatambay si Kyle.
Alas 8 na din ng gabi.

Pumunta ako sa kanya. Alam kong naramdaman niya ang paglapit ko dahil gumalaw ang ulo niya bahagya.

"Patabi." sabi ko.

"Tss."

"Ito naman ang suplado. Sorry na nga kasi. Nalowbat din kasi ang cellphone ko kaya di na ako nakapagtext o tawag man lang." saad ko

Hindi pa rin siya umiimik.

"Tsaka naghanap ako ng ibon ng kapareho kay Tiger."

"Talagang mas importante pa ang ibon na yun?!" inis nitong sabi pero sa wakas ay tiningnan na siya nito.

"Syempre. Isa kaya yun sa dahilan bakit tayo nagkausap. Si Tiger ang naging way para sa unang pag-uusap natin." malungkot kong sabi

"Umaasa lang naman kasi ako na baka sakali pag nakita mo yung ibon na kapareho ni Tiger dito sa bahay mo ay maalala mo na ako."

Saglit na natigilan siya at tumahimik. Yun naman ang ginawa ko. Tanging ang ingay ng alon ng dagat at hangin ang naririning namin.

"Namiss ko ito. Tahimik. Walang ingay ng mga sasakyan, walang takot, walang pangamba sa buhay ko."  saad ko habang nakatingin sa madilim na karagatan.

"Kung papipiliin ka saan mo mas gusto. Dito sa batanes o sa Maynila?" tanong niya.

Napaisip naman ako.

"Hindi ko alam. Basta sa ngayon ang gusto ko lang maalala mo na ako." saad ko at tumingin sa kanya.

"Paano kung hindi na kita maalala?"

"Okay lang. Kung ikaw nga nakaya mo akong hintayin ng ilang taon, ako pa kaya. Pwede naman tayo magsimula muli. Diba?" ngumiti ako sa kanya.

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. Hahaha

"Paano kung hindi na kita kayang mahalin?"

Tumingin ulit ako sa karagatan.

"Wala naman akong magagawa. Basta ang tanging magagawa ko lang ngayon ay maiparamdam sayo palagi na mahal kita at hinding-hindi ako mapapagod intindihin ka. Mapapagod lang siguro ako sa mga utos mo. Haha" biro ko

"Tss. Crazy."

"Enjoyin natin ang pag stay natin dito. 1 week lang tayo dito eh. Gusto mo ba itour kita sa mga tourist destination dito?"
tanong ko sa kanya.

"No thanks. I'd rather sleep."

"Ano ka ba hindi ka mabobored promise."

_________________________________

At ito na nga kami maaga kaming bumyahe. Nagroadtrip kami. Sobrang ganda.

"Ang ganda diba."

saad ko sa kanya.

"Umupo ka nga ng maayos!"Sinasaway nya ako
kasi tumatayo tayo ako sa sasakyan ang dinadamdam ang simoy ng hangin.

Papunta naman kami ngayong sa Mt. Carmel Chapel o kilala dito sa lugar namin na Tukon Chapel. This is on top of the hill at harap ito ng Pacific Ocean at West Phil. Sea.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon