"Mariya's POV"
Kanina ko pa napapansin na parang di mapakali si Kyle. Nakaligo na ako lahat-lahat pabalik-balik lang syang naglalakad.
"Kyle okay ka lang ba?"
"..Ha...?"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang noo niya bigla niya na lang tinabig ang kamay ko at pulang-pula ang mukha niya.
"Ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba?"
"I..I'm fine. I'll just take a bath."
Pumasok agad sya sa Shower room.
"Anong problema nun."
Humiga na lang ako at hinintay siyang matapos."Wala ka bang damit diyan na malaki?"
Nagulat ako paglabas niya wala siyang suot na pang-itaas at nakatapis lang na towel. Tumalikod ako.
"Ano ba yan Kyle!Magsuot ka nga ng damit."
"Can you get my clothes inside the car."
Itinapon niya kaagad ang susi ng kotse niya. Pagkakuha ko nun ay tumakbo kaagad ako paalis.
"Baliw ba siya. Kahit naman na kami na ay hindi pwedeng ipakita niya na lang basta ang katawan niya." Tinapik-tapik ko ang mukha ko. Ano ba Mariyah, abs lang yun.
Pagkakuha ko ng gamit niya ay kumatok ako sa kwarto. Mahirap na noh, baka mamaya wala siyang saplot. Ano ba tong pinag-iisip ko.
Pagkabukas niya ay inabot ko sa kanya yung maleta niya. Andito mga damit niya sa taping.
"Balak mo atang dito na ako patirahin sa bahay mo. Ayos lang sakin."
sabi niya at nagtaas-baba pa ang kilay niya."Ewan ko sayo! Magbihis kana." Hinawakan ko ang door knob at isinara ng malakas ang pintuan.
Bumaba muna ako at nagbasa na lang ng aklat.
"Anong binabasa mo?"
Umupo siya sa tabi ko. Nakaputi lang siyang damit at itim na short pero bakit parang gwapong-gwapo ako sa kanya ngayon.
"Ang gwapo mo." yun mismo ang nasabi ko.
"Ang gwapo mo?" bigla niyang kinuha ang aklat. Ano ba yan Mariyah, anong katangahan ang sinabi mo.
"Mali..mali.. I mean aklat ni Michael Crichton."
"Hahaha. Salamat, buti naman at nagagwapuhan kana sakin. Sabi mo dati mukha akong ermitanyo. Ikaw ha."
Inagaw ko yung aklat. Nakakahiya!
"Gwapo na ba talaga ako sa pagtingin mo?" pagkukulit niya. Binababa niya pa ang aklat at tinitingnan ako, mas lalo tuloy akong nahihiya.
"Ehhh. Nagbabasa ako Kyle, ang kulit mo."
"Sabihin mo munang gwapo ako."
"Oo na, ang gwapo gwapo mo Kyle Caleb Santos. Okay na po ba?"
Ngumiti siya at halos tuwang-tuwa. Ganoon ba talaga kaimportante ang tingin ko sa kanya at parang di na maalis ang ngiti niya.
"Sige na magbasa kana." sabi niya pero nagulat ako ng humiga siya sa lap ko.
"Paano naman ako makakabasa kung nandiyan ka. Nakatingin ka pa."
Sabi ko, pumikit naman siya pero hinawakan ang isa kong kamay.
"I'm so exhausted in my work."
Siguro ay napapagod na talaga siya sa trabaho niya.Sabagay wala namang trabahong hindi mahirap.
Binaba ko ang libro na hawak ko at sinusuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko. Habang ang isa kong kamay ay hawak niya.
"May trabaho ka bukas?"
Tumango siya.
"Gusto mo kantahan kita?"sabi ko.
"Huwag na, baka kumidlat at umulan. Araaaaay...."
Bigla kong tinapik ang noo niya. Bastos eh
"Tumayo kana nga diyan. Baka itakip ko tong unan sayo."
"Hahaha. Joke lang, sige na kantahan mo ako." saka niya hinalikan ang kamay ko at pumikit ulit.
"Happy birthday to you..Hahahaha."
Natawa ako ng bigla siyang dumilat at nakakunot ang noo.
Bago paman siya makapagreklamo ay kumanta na ako.
"You are my sunshine."
Nakatingin lang siya sakin. Sinusuklay ko ulit ang buhok niya.
"My only sunshine.
You make me happy when skies are grey
You'll never know, dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away
I'll always love you and make you happy
And nothing else could come between
But if you leave me to love another
You'll have shattered all of my dreams
You are my sunshine, my only sunshine
You make me happy when skies are grey
You'll never know, dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away.""I'm afraid Mariyah." seryoso niyang sabi.
"Ha.."
"Natatakot ako na baka mawala ka nanaman. Ngayon okay ka. Paano kung bukas hindi nanaman, tapos may mangyari sayong masama. I can't imagine life without you."
Umupo siya at sabay na hinawakan ang kamay ko.
"Ikaw nga nagsabi diba. Matatapos din ang lahat ng ito. Kahit ako natatakot din naman pero nilalakasan ko ang loob ko para sainyo. Para sa mga taong nagmamahal sa akin."
"What if I quit my job? And just learn how to help you in the company."
Pinitik ko noo niya.
"Tumigil ka nga. Bakit ka magkiquit eh pangarap mo yan. Masaya ka sa ginagawa mo diba."
"I can't focus in my work because you're away. What if ikaw na lang mag-artista?"
"Hahaha. Baliw, baka magkaroon ka ng madaming kaagaw." pagbibiro ko.
"Ay oo nga no. Huwag na lang."
Itinayo niya ako at niyakap ng mahigpit.
"Can we just lock ourselves here. No worries for your safety and most of all...
It's just you and me."
"Kung pwede lang sana diba. Matulog na tayo."
Sabi ko. Inaantok na din kasi ako.
Niyaya ko na siya. Hindi siya umiimik.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto ko ng pinigilan niya ako."Good night Mariyah." hinalikan niya ako sa noo at tumalikod na siya.
"Wait lang, saan ka pupunta?"
"Sa baba ako matutulog."
"Bakit?"
"Anong bakit? Babae ka at lalaki ako."
"Eh nagtatabi naman tayo dati ah."
Napahilamos siya ng mukha at parang frustrated na ewan. Problema ba nito?
"Basta, iba noon at iba ngayon. Huwag mo ng ipilit."
"Gusto ko nga katabi ka."
"Mariyah! Please don't make it hard for me. Hanggat kaya ko pang pigilan ang sarili ko please lang pumasok kana sa kwarto."
Sabi niya at bumaba na. Pumasok na lang ako sa kwarto kahit na naguguluhan ako sa inaakto niya.
Pipikit na sana ako ng bigla kong naisip kung bakit ganoon siya.
"Hala! Bakit naisip niya yun?"
Namula ata ako sa iniisip ko din. Buti na lang at mataas ang respeto niya sakin. Baka kung pinilit ko pa siya na tabihan ako naka kung ano ng magawa namin.
"Ahhhh!!!" sinapak sapak ko ang sarili ko.
Ano ba to pati ako iba na sumasagi sa isipan ko.
Makatulog na nga!

BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...