Fourty Five..

37 4 2
                                        

"Hoy.. ba't di ka namamansin."

Ang arte ng Kyle na to, tinutupak nanaman hindi namamansin.

Humarang ako sa dadaanan niya at sa kada iwas niya ay sinasalubong ko siya.

"I'm going to sleep."

"Huh? Alas 8 pa lang ng gabi ah."

"So? Does it matter?"

Tumingin ako sa paligid ng living room niya.

"Aha..Manood tayo ng movie."

Ganito kasi yung nakita ko sa tv eh.

"Are you sure with that?"

Tumango ako at hinatak siya paupo sa sala.Pagkatapos ay pumili ako ng mga cd na pwedeng panoorin. Lahat naman dito ay movie niya.

"Wala ka bang movies ng ibang artista yung hindi ka kasama?"
Sabi ko habang naghahanap pa din ng ibang cd.

Ang tagal naman sumagot ng lalaking ito, kaya tumingin na ako sa kanya. Di nanaman madrawing mukha niya.

"Tss. Crazy. I have and that is all pornographic movies. Do you really want to watch it?" May nakakalokong ngisi niyang sabi.

"Bastos ka talagang lalaki ka. Ito na nga lang, pagtyagaan ko na tong movie mo." sabi ko.

Si Margaux ang partner niya dito. Nilagay ko na sa cd player yung cd na papanoorin namin.

"Why are you sitting there?"

Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Tingin mo tatabi pa ako sayo matapos mong sabihing may pornographic movies ka. Tss."

"Crazy woman, of course I don't have that. That is so gross. I was just joking.Tsk."

"Weh?"

"Who cares if you don't believe me."

Nang nagtataray na sya ay tumabi na ako sa kanya pero may distansya parin. Nagkaroon ng katahimikan at pareho kaming nakatingin lang sa monitor ng tv. Pero di ko mapigilan na tumingin-tingin sa kanya. Saktong pagtingin ko ay nakatingin din siya sakin.

"What?" Iritable niyang tanong.

"Hmm.."

"Ano nga?" Mataas na ang tono na ng boses nya. Siguro ay naiinis na ito dahil kanina pa ako sumusulyap sa kanya.

"Curious lang ako, di ka pa ba nakapanood ng porno movies? Knowing na lalaki ka.."

"No."

"Weh?"

"Why are you asking stupid question Mariyah? And coming from you tss.. next time never ask questions like that. You're a girl, it's unappropriate."
Sabi niya at tumingin na ulit sa tv.

Napangiti ako, masasabi kong napakataas pa din talaga ng tingin niya sa mga kababaihan.

"And stop looking at me. I thought you want to watch movies? It seems that you want more to look at me. Tss."

Hinampas ko nga balikat niya. Ang moody.

"Ikaw ang suplado mo! English kapa ng english dyan. Eh pag ganyan na english ka ng english alam kong naiinis ka. Umayos ka nga, di kita inaano dyan ah. Huwag mo akong tinatarayan . Kanina kapa!"
Hindi siya sumagot bagkus ay ngumiti siya yung tipong makakaabot na sa tenga ang ngiti niya.Hahaha.

"You are so noisy. Let's just watch..I'm glad that you know my mood already."

Hinatak niya ako papalapit sa kanya at umakbay siya sa balikat ko. Para na akong tuod na nakatingin sa tv.Pinipilit na pakalmahin ang sarili.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon