Eleven

55 8 3
                                    

"sshh.. Sorry Mariyah.." kanina pa siya humihingi ng tawad pero di ako sumasagot.

Di naman ako galit sa kanya. Natakot lang ako kanina.

"Let's go somewhere." Umalis siya sa pagkakayakap sakin at naghood.

Naglakad kami patungo sa kotse niya. Hinawakan niya ang braso ko at hinila para pantay kaming maglakad.

"Wait for me here." Inalalayan niya ako sa pagpasok sa kotse niya. Ibang-iba sa Caleb na kilala ko.

"I'm just going to buy something." Saka niya sinara ang pintuan ng kotse.

Tinitingnan ko lang siya habang papalayo. Marami ang sumusunod sa kanya pero umiiwas na siya dito at halos patakbo ng maglakad makaiwas lang sa mga tao.

Halos inabot siya ng kalahating oras bago makabalik. Pawis na pawis ito ng tinanggal ang jacket. Nilagay niya din sa likod ang pinamili niya.

"Damn those fans." Agad siyang nagpatakbo ng kotse ng may mga sumusunod na fans at may mga dala itong camera.

Wala kaming imik na dalawa. Iniinda ko ang sakit ng katawan ko at paa ko. Madami kasing nakatapak ng paa ko.

"You may sleep, I'll just wake you up when we reach our house."

Pumikit lang ako, inisip ko yung nangyari kanina. Oo na, sikat nga siya. Pero di ko akalain na ganoon pala pagkaguluhan ang mga artista.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

----------  --------------- -------------- -------------- -------
Naalimpungatan ako ng nararamdaman ko ang mga kaluskos sa kotse.

"Nasa bahay na ba tayo?"

Tanong ko kay Caleb na may inaabot sa likod.

"Nope." sabi niya saka lumabas. Sumunod ako sa kanya.

Nagulat ako, nasa bundok kami, pero kitang-kita ang city lights. Ang ganda!!

"Come here."

"Wow!" yun agad nasambit ko ng makita ko ang kinaruruonan ni Caleb. Nag-aayos siya ng mga pagkain. Para kaming magpipicnic. Yung ilaw ng kotse niya ang nagsisilbing ilaw namin.

"Nasaan na tayong lugar?" sabi ko at umupo agad doon sa mat na inayos niya.

"Rizal."

"Ang gandaaaaaaa." sabi ko ng makita ko ang mga stars sa kalangitan.

"Mas maganda ka."

"Ha?" ano ba tong lalaking to, lagi na lang nabulong.

Tumawa lang siya at bumalik sa kotse.

"Hoy! Huwag mo akong iiwan dito."

"I will just get my Camera. Huwag kang OA Manang."

Malay ko ba, pwede naman kasing iwan niya ako dito kasi ayaw niya sakin diba.

Bumalik ito na may dalang camera. Kumumuha siya ng picture kahit saan, pati kotse niya.

"Mariyah!" pagkalingon ko sa kanya at saktong pagkuha niya ng larawan.

"I'm taking the whole view not just you." pagpapaliwanag niya.

Bigla akong nagutom. Kukuha sana ako ng pie pero tinapik niya kamay ko.

"Aray.. Bakit?"

"I'll take a photo first."

"Sus bakit mo ba pinipicturan?"

"Coz I love photography. Tss."

Edi love niya.

"Oh sige kuha kana."

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon