"Thank you Sir Kyle at Iyah. Ingat po kayo."
Hinatid namin si Rita sa tutuluyan niyang apartment. Buti na lang at nag-offer din tong si Kyle na siya na ang maghahatid sa amin.
"Pag-igihan mo sa intern mo!" At nagbye-bye na din ako sa kanya
"First time kitang ihahatid sa trabaho no?"
"Oo, wala ka bang trabaho ngayon?"
"I'm free today. So, I will be spending my whole day with you." sabi niya at nagtaas-baba pa ang kilay.
"Sigurado ka? Baka magreklamo ka nanaman na bored na bored ka?"
"Depende. Anyway, saan tayo dederetso?"
"Sa site na lang."
Sinabi ko sa kanya ang site na pupuntahan namin. Tahimik lang ako sa byahe kasi nirereview ko yung ino-offer sakin. Pero parang di ko naman to kaya.
"Kyle.."
"Love, not Kyle." Pagcocorrect niya ulit sa akin. Ilang beses niya na akong pinapasunod ng endearment daw namin pero nasanay akong Kyle lang tawag sa kanya tsaka nahihiya din ako tawagin siyang Love.
"Nahihiya kasi ako." sabi ko.
"Hindi kita papansinin kapag hindi mo ako tinawag na Love."
sabi niya sabay sipol. Sinimangutan ko siya pero ang baliw dinedma nga ako.
"Hoy, may itatanong nga kasi ako."
Hindi pa din siya tumitigin at ang loko nakuha pang sumipol-sipol.
"Nakakainis naman to. Importante nga ang sasabihin ko. Bahala ka dyan."
Inirapan ko siya at tumingin na lang sa labas. Itinago ko ang tablet ko.
Mas lalo niyang nilakasan ang pagsipol niya.
"Nang-aasar ka pa ha!"
Hinampas ko ang braso niya. Hindi man lang ako tiningnan. Bahala ka talaga dyang unggoy ka.
Pagdating sa site nagpaalam na ako sa kanya.
"Salamat sa paghatid, hintayin mo na lang ako sa bahay o gumala gala ka muna. Baka mainis lang ako sayo dito." sabi ko at bumaba.
Sinadya kong iwan ang bag ko para sumunod siya sa akin at tawagin ako. Haha. Oh diba ang talino ko, para pansinin niya ako..
Medyo malayo na ako sa kotse ng lumingon ako sa kinaruruonan ng kotse niya. Ang bwiset hindi sumunod.
Padabog akong bumalik sa kanya. Pagbukas ko ng pintuan, tiningnan niya pa ako ng nakakaloko at tumawa.
"Bakit di ka man lang sumunod at ibigay tong bag ko?!" Naiinis kong sabi at kinuha agad ang bag.
Hindi niya pa din ako sinagot.
"Matuyuan ka sana ng laway at bumaho yang hininga mo! Bye!" sabi ko at padabog na sinarahan ang kotse niya.
Umagang-umaga lakas makabully.Hindi na ako tumingin pa sa likod. Bahala siya kung umalis na siya. Mas mabuti nga yun eh.
"Good morning Ms. Beautiful." Bati sakin ni Chester na himala ata na maaga ngayon. Usually nali-late siya dumating sa site.
"Morning." maikling bati ko.
"Wow, so grumpy. Tell me what made our CEO mad at this early hours. Haha."
biro niya habang inaabot ang helmet sakin.
Kinuha ko naman yun.
"Huwag mo ng itanong."
"Owwwwh. I guess I know the answer. Gotta go." sabi niya sabay talikod pero tumatawa. Tumingin naman ako sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...
