"Iyaaaaah!!! Nakakaloka!" kinakalabit ako ni Rita.
"Bakit?"
Pinakita niya sakin ang cellphone niya.
Nanlaki ang mata ko.
"Scroll mo pa pababa!"
"Hala! Bakit ang daming pictures namin?"
"Hindi lang yan, ito tingnan mo."
"Kyle Santos' significant one is a Santiago heiress.. Ano to? Bakit may ganito?"
Ang daming pictures naming dalawa na stolen. Karamihan ay mga sweet, na kung titingnan ay parang may sarili kaming mundo.
"Trending ang beauty mo day. Punong-puno ng balita ang google sainyo ha. Pati sa IG, FB, at Twitter ang dami niyong picture. "
"Ha? Ano ba yang IG, FB, at Twitter na yan?"
"Hay naku, masyado ka namang outdated Iyah. Akin na yang phone mo gagawan kita. Palit muna tayo ng phone. Tingnan mo tong mga balita tungkol sa inyo."
Yun nga ang ginawa namin. Habang busy siya sa cellphone ko, busy naman ako kakabasa ng mga balita tungkol sakin.
"Grabe naman to, masyado akong minamaliit. Ang sakit naman ng mga sinasabi nila." sabi ko.
"Huwag mo kasing basahin ang negative critics sayo."
Ito lang naman ang mga karamihan sa nabasa kong comments sa isang article.
***********************************
"Hindi kaya peke yan? Bakit ngayon lang nagpakita?"
-anonymous"Ang ganda niya. Bagay sila ni Kyle. Iba ang ngiti ni Kyle oh. Hahaha."
-anonymous"Ang ganda ganda niya naman. Parang mas may future siyang mag-artista kaysa maging negosyante. Hahaha"
-anonymous"Di kaya malugi ang Santiago dahil sa kanya. Ganda lang ata ang meron yan eh."
-anonymous"Ako lang ba? Ako lang ba ang kinikilig sa kanila ni Kyle Santos? Mas bagay sila kaysa kay Margaux."
-anonymous"Hulaan ko pera lang habol niyan kaya bumalik."
-anonymous"Bakit ganun? Todo alalay si Kyle Santos sa kanya! Mang-aagaw! Hindi sila bagay. Mas bagay sila ni Margaux!"
-anonymous"Di hamak naman na mas maganda si Margaux. Baka nagparetoke yan nung makuha ang mana."
-anonymous"For sure malapit ng bumagsak ang mga Santiago. Tanga lang ang magtiwala na kaya niyang mapalago ang Santiago. Hahaha!"
-anonymous"Bagay na bagay sila ni Kyle!!"
-anonymous"Kahit mayaman siya, wala siyang karapatan agawin kay Margaux si Kyle. Kay Margaux lang si Kyle.!"
-anonymous
**************************************"Ayoko na ngang magbasa. Ang haharsh ng mga sinasabi nila."sabi ko. Nadown ako sa mga sinabi nila.
"Ganyan talaga pag sikat girl. Maraming magsasabi ng masasakit na salita, basta ikaw huwag kang papaapekto sa kanila. Sa mga fans naman nina Margaux at Sir Kyle, ganyan talaga ang mga yan. Ayaw nila na may kaagaw ang idol nila kay Sir Kyle. Ewan ko ba sa mga fans ng loveteam nila, ang o-OA. Inaaway yung ibang artista na nalilink kay Sir Kyle. Tsaka mas maganda ka kaya doon. Baka yun ang nagparetoke kamo!" sabi niya.
Galit na galit din siya sa mga nababasa niyang komento tungkol sa akin.
"Huwag ka ngang sumimangot dyan. Naniniwala ako sayo, kaming lahat dito. Naniniwala kami sa kakayahan mo. Santiago ka diba, ipakita mo sa kanila na mali ang sinasabi nila."
"Paano kung hindi ko magawa ang responsabilidad ko sa kompanya?"
"Kaya mo nga sabi eh. Tiwala lang sa sarili at kay Lord."
"Salamat Rita ah. May sasabihin pala ako, pero huwag mong sasabihin sa iba ha. Sekreto lang kasi muna to."
"Ano ba yun? Nanliligaw na sayo si Sir Kyle?"
"Oo."
Bigla niya akong hinampas ng unan.
"Seryoso? TOTOO?"
Tumango ako sa kanya.
Bigla na lang siyang tumalon-talon sa higaan ko.
"Hahahahahaha.. Sabi ko na talaga eh, may gusto sayo si Sir Kyle."
"Maupo ka nga, nahihilo ako sayo. Baka madulas ka kina Manang ah. Huwag mong ipagsasabi kahit kanino."
"Yes boss! Makakaasa ka. Kailan pa?"
"Noong birthday ko."
"Kwento ka nga, paanong nangyari?"
Yun nga kwinento ko sa kanya kung paano sakin umamin si Kyle at kung paano niya ako nakilala noon. Siya naman ay kilig na kilig at parang ayaw nang tumigil kakahampas sa akin.
"Nakakakilig! Matagal kana palang kilala ni Sir Kyle. Ikaw naman, tinalo mo pa ang senior citizen sa pagiging makakalimutin. Yung totoo girl, nauntog kaba at nagkasakit ng 'limot-limot'?"
"Hindi naman kasi siya recognizable noon.".
"Hello!!! Ang gwapo niya kaya noon. Napaka well-groomed."
"Ewan ko din kung bakit di siya tumatak sa utak ko noon. Siguro ay madami akong iniisip noon."
"Pero isipin mo ah, parang destiny na magkita ulit kayo. Imagine, almost 4 years ago nagkakilala kayo pero sad ending. Tapos ngayon pinagtagpo ulit kayo, sa mahabang panahon mahal ka pa rin niya at manhid ka pa rin.Hahahahahah."
"Bakit ba lagi niyong sinasabing manhid ako?"
"Eh kasi manhid ka naman talaga. Hahahaha. Pero naniniwala ako na this time, kayo na ang magkakatuluyan."
"Paano mo naman nasabi?"
"Instinct ko lang. Tsaka alam ko naman na gusto mo na si Sir Kyle."
"Hindi ah."
"Naku!! In-denial ka lang friend. Confused ka pa dyan sa feelings mo. Tama ba ako?"
Napaisip ako.
"Hindi."
"Che! Huwag kang charotera!
Ano bang nararamdaman mo pag magkasama kayo?"Inisip ko yung mga araw na magkasama kami.
"Naiinis ako palagi sa kanya. Kulang na lang kumulo ang dugo ko kapag inaasar niya ako. Pero kapag naiinis naman ako, gumagawa siya ng mga bagay na ikinasasaya ko. Ewan ko ba. Mixed emotions."
"Namimiss mo pag wala?"
Hindi ako sumagot, nagkibit-balikat lang ako.
"Yan tayo eh. Tinamaan kana ni kupido."
"Huwag mo na akong tinatanong nang ganyan. Napapaisip tuloy ako."
"Sinasadya ko talaga, para di ka makatulog.Hahahahah. Sige na pupunta na ako sa kwarto ko. Good night Iyah, sana makatulog ka. HAHAHAHAHA."
Hanggang paglabas niya ay tawa siya ng tawa. Napabusangot na lang ako, mali atang sa kanya ko kwinento.
"Gusto na rin ba kita Kyle?"

BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...