Forty Four

41 3 1
                                    

"I said I want those scumbags rot in jail!"

Unti-unti kong  minulat ang mata ko.Nataranta akong bigla.

"Nasaan ako?"

"Sssshh.. It's me Mariyah. Stay calm, you're safe now."

"Kyle......" humihikbi ako habang nakayakap sa kanya.

"Natatakot ako."

"Ssshhh.. I will not let this happen again. I promise."

Niyakap niya lang ako. Ngayon lang ako natakot ng sobra para sa buhay ko.

"Salamat Kyle.."

"Tahan na Mariyah. Ako na bahala sa dalawang lalaking yun! I will make sure, they will never go out in jail."

Galit na sabi niya. Umalis ako sa pagkakayakap niya. Pinunasan niya ang luha ko at hinawakan ang mukha ko.

"Pero wala naman silang ginawa saking masama."

"Wala!? So what do you think happened awhile ago?! What if I didn't come huh?! They punch you Mariyah. For Christ sake!"

"Okay lang naman ako. Patawarin mo na sila at palayain."

"Huwag ka ngang maging santa Mariyah! Sinaktan ka nila.Lintik lang walang ganti!"

Galit na galit siya.

"Huwag mong sabihing binugbog mo din sila?"

"Of course YES! Ano ako bali at palalampasin lang ang ginawa nila sayo. Pasalamat sila at may mga dumating para umawat. T*ng*na nila, kulang pa yun sa kanila."

Niyakap ko kaagad si Kyle. Ito lang ang alam ko para mapakalma ko siya. Ramdam ko ang galit niya. Bigla siyang natigil sa pagsalita at niyakap ako ng mahigpit.

"Salamat talaga Kyle dumating ka. Kung wala ka baka ano na nangyari sakin. Sobra akong natakot kanina."

"I was more scared, if anything happened to you I will really kill them."

Hinampas ko siya.

"Baliw ka. Masama yun."

"They're crazier for messing up with you. Please don't go somewhere without me or without telling us. Paano pala kung hindi ako dumating ha? Paano?"

"Wala naman siguro silang gagawin na masama."

"Anong wala! Are you nuts?!"

"Huwag mo nga ako sigawan." Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Sinuntok ka na at hinatak-hatak, hindi mo pa magawang magalit. Tss. What if they planned to murder you or rape? Tss."

"Grabe ka naman. Tingin ko talaga di yun gagawin nila. Kasi sabi nila pinapahanap daw ako ng boss nila. Parang dapat daw nila ako madala sa boss nila."

Kumunot ang noo ni Kyle at tumayo.

"So my instinct is right. 
Stay here. I will call someone."

"Huwag. Paano pag bumalik sila?"

"They won't. They are now in jail. So take your rest and do not think too much."

Yumuko siya at hinalikan ang noo ko saka lumabas. At some point, kapag ganito ginagawa niya naiisip ko na ang swerte ko sa kanya.

"Posible kayang isa sa mga kapatid ng papa ko ang nagpapakuha sakin sa mga lalaking yun?"

Di ko maiwasang di din mag-isip. Simula pa lang ito. Paano pag nasundan pa. Huminga ako ng malalim. Ang komplikado naman kung iisipin. Mas okay pa noon na kasama ko pa sina Lola.Wala akong iniisip na problema.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon