Thirteen

49 8 3
                                    

"Maam Iyah, what is your secret for being so successful at a very young age?"

"Wala naman, kumakain lang ako palagi ng kamote at prinitong isda?"

"So you're saying that we should also eat sweat potato and fried fish to be successful?"

"YES." Nakangiti kong sabi sa mga nag-iinterview sakin. Nasisilaw na din ako sa mga flash ng camera. Ganito pala ang feeling ng sikat at maraming humahanga.

"May tanong pa po ba kayo?"

"Any message po sa mga young viewers who idolize you?"

Tumayo ako at ngumiti sa harap ng camera.

"Kumain ng kamote para tayo ay tumalino." sabi ko at naglakad na. Iba talaga ang feeling kapag nakakapag-inspired ng ibang tao.

Biglang may bumato sakin ng napakaraming unan.

"Aray! Aray! Tama na fans! Aray!"



"HOY IYAH GUMISING KANA! Anong fans pinagsasabi mo dyan!"

"Ri-Rita?"

"Oo ako nga, gumising kana. Nasobrahan kana ata sa tulog. Hirap mong gisingin, nakailang hampas na ako sayo ng unan.Ala-1 na ng hapon girl,tulog pa more. May pa-fans fans kapang nalalaman diyan."
Halos mangiti-ngiti niyang sabi.

Ay? Panaginip lang pala yun. Ito talagang si Rita, panira ng moment. Feel na feel ko pa naman na sikat ako.

Umupo ako at kinusot ang mata ko. In-strech ko ang mga kamay ko.

"Good morning Rita." Bati ko sa kanya.

"Baliw! Hapon na nga, ba't ngiting-ngiti ka? Ganda ba panaginip? Kinasal ba kayo ni Kuya Timothy sa panaginip mo?"

"Hindi no! Ang bango,wow!!  Pritong isda at kamote."

Parang nagningning ang mata ko nang makita ko ang pagkain sa side table ko. Kaya siguro nanaginip ako ng kamote at isda. Hahahaha. Nakakatuwa naman panaginip ko, umasenso dahil sa pagkain ng kamote at isda.

Naghilamos agad ako at agad na kinain ang dala ni Rita sa kwarto ko.

"Uhmmm..Sarap!! Namiss ko to."

Tinitingnan lang ako ni Rita gamit ang mapanuri niyang mata.

"Bakit?"

"Kaw ha! Di mo sinasabi sakin, may something na pala sainyo ni Sir Kyle. Tapos malaman-laman ko nagdate pa kayo kagabi. Ano yu ha?"

"Wala ah, anong something ba? Bukod sa lagi niya akong inaasar wala lang yun. Tsaka date? Kami? Hindi yun date."

"Haba ng hair mo ate gurl! Dalawang Santos, nababaliw sayo. Haha. So sino pipiliin mo?"

"Wala."

"Ay choosy my friend? Isang Kyle Santos na artista at Timothy Santos na businessman, aarte pa ba gurl?"

"Para namang magugustuhan nila ako. Huwag ka ngang magbigay ng motibo sa ginagawa nila."

"Ay ewan ko sayo. Ito na lang, ano ba gusto mo sa lalaki?"

"Hindi ko alam."

"Ang boring mo naman, imposible namang wala kang ideal type na lalaki. Ano ba gusto mo? yung mabait o masungit?  Mga ganyang bagay."

"Bakit ba kasi tinatanong mo?"

"Masamang malaman? Wala lang, natural na yan na pinag-uusapan. Sagutin mo na kasi. Curious lang din ako, feeling ko kasi may balak kang tumandang dalaga."

"Hindi naman sa ganun. Syempre lahat naman ng babae gusto sa lalaking maka-Diyos. Gusto ko yung responsable sa lahat ng bagay, marunong makisama, magalang, mabait, tutulungan ako mag-grow spiritually."

"Paano naman sa hitsura?"

"Syempre malinis sa sarili, gusto ko pala sa lalaki ang maayos manamit at well-groomed na buhok. Ewan ko ba parang ang aliwalas ng mukha ng isang lalaki kapag laging nakaayos ang buhok."

"Ah, so parang si Kuya Timothy?"

"Oo din, parang siya."

"Ayieeeeeee, so may chance na pwede mong magustuhan si Kuya Timothy."

"Kahit sino naman mabibighani kay Tim sa sobrang bait at responsable niya. Kahit nga ikaw di ba."

"Oh my, kinikilig ako. Crush lang naman yun, tsaka I will sacrifice my feelings para sayo. Iyong iyo lang si Kuya Timothy."

Natawa na lang ako sa kanya, ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niya si Tim para sa akin.

Biglang nagclose ng malakas ang pintuan kaya napatalon kaming dalawa at humiyaw.

"Ano ba yan! Nakakagulat naman yang pintuan mo. Sige na baba na ako, sumunod kana din ha."

Naligo muna ako, pagkatapos kong maligo ay inayos ko muna sarili ko.

"Hala! May lakad pala kami ni Tim." Bigla kong nasabi ng makita ko ang mga binigay niya.

Agad akong lumabas ng kwarto at hinanap siya.

Nakita ko siya sa may garden kasama ni Tita Rose.

"Tim?"

Napatingin silang dalawa sakin.

"Oh Iyah, ba't hapong-hapo ka. Nagjogging ka ba sa loob ng bahay? Haha" pabirong sabi ni Tita Rose.

"Hinanap ko po kasi si Tim."

"Yes Iyah?"

"Di ba may lakad tayo?"

Parang kuminang ang mga mata ni Tita Rose sa sinabi ko.

"Ikaw anak ha, may lakad pala kayo di mo sinasabi."

Namulang bigla si Tim. Hala! Ang cute!
Napakamot ito sa ulo.

"Ma, don't give meaning into it. I just need her to roam around para di naman siya ma-bore sa bahay."

"Okay okay sinabi mo eh. Go anak, ayusin mo na sarili mo. Ikaw din Iyah. Enjoy your date ha."

"Hala, hindi po yun date."

"hahahaha. Sige na sige na, mag-ayos na kayong dalawa.

Naku ang aking mga halaman, kaya siguro namumulaklak kasi nararamdaman nilang may namumuong pagmamahalan. Hahahahaha."

"Let's go Iyah, I'll just wash-up then I'll fetch you in your room."

Tumango ako at sabay kaming pumasok sa bahay.

"Marunong ka din pala magtanim."
sabi ko sa kanya.

"Hindi nga eh, tinuturuan ako ni Mama pero naiinis lang siya kasi pinapatay ko daw mga halaman niya. Hahaha. I'm not a green thumb I guess."

"Okay lang yun, di ka lang siguro sanay. Hayaan mo tuturuan din kita." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sige ba."

Nauna akong pumasok sa kwarto ko at nag-ayos ng aking sarili.

Pagkalabas ko ng kwarto ko saktong dumaan si Kyle.

"Hi Kyle."
Nakangiti kong sabi, pero para itong walang nakita.

Dire-diretso lang ang lakad nito at seryosong-seryoso. Baka may iniisip lang kaya hindi ako napansin. Kaya sinabayan ko siya ng lakad.

"Aalis ka? May trabaho ka?" tanong ko ulit.

Ganoon pa din ang expression ng mukha niya. Napatigil ako sa paglalakad at napasimangot. Galit ba siya sakin?

Bakit di niya ako pinapansin?

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon