Five

60 9 0
                                    

Matapos ng pag-uusap namin ay hinayaan muna nila akong makapag-isa. Sinabihan din pala ako nina Tito Arman na marami pa akong pag-aaralan at gagawin. Kasama na roon ang pag-aaral ko daw ng self-defense. Kahit halaman nga di ko kayang tapakan pano pa kaya ang tao. Haist

Kinagabihan pagkatapos kumain ay pumunta ako sa may pool para doon mag-isip-isip. Inilubog ko ang aking mga paa sa tubig.

"Lolo, lola..." naluluhang sabi ko habang nakatingala sa langit.

"Akala ko puro masaya lang ang tungkol sa buhay ko. Hindi ko akalain na mas malulungkot pa pala ako sa malalaman ko. Ang daya niyo naman lolo eh! Mayaman pala tayo! Sana nagkaroon tayo ng tig-iisang t.v. sa bahay. Sana di ako naglalakad nung elementary at high school. Sana may cellphone din ako noon.Sana..."

"Who the hell are you!"

"Ay butiki ka!" Bigla akong napapitlag ng may barakong boses ang nagsalita. Napatayo ako at humarap sa lalaking iyon.Medyo madilim sa may parte kung nasaan siya. Unti-unti siyang naglakad papalapit sakin kaya nakita ko ang kabuuan niya.

Hindi ito pamilyar sakin, matangkad ito pero mahaba ang buhok pero nakatali ang itaas nito at may bigote din ito.

Nagulat siya ng makita ako at parang natigilan.

"Tss. I'm really drunk. I'm seeing her again." sabi niya at tumuwa. Baliw ata to.

"Sino ho kayo.?"

Bigla itong napailing at galit na tumingin sakin. Para akong mapapaso sa tingin niya. Bigla siyang lumapit sakin dahilan para mapaatras ako.

"Ahhh!" napasigaw ako ng malakas ng mahulog ako sa pool.

Hindi ko inaasahan na malalim ito. Sanay ako maligo sa dagat pero hanggang sa mababaw lamang ako dahil hindi ako gaanong marunong lumangoy.

"Tu...tulong...!!" Pasigaw ko ng sabi. Pero nakatingin lang ang lalaki saakin. Nakakainom na ako ng tubig at kinakapos na ako ng hininga.

Nakapikit na ako ng unti-unti kong nararamdaman na may kumukuha sakin.

"Iyah...Iyah!"

Umubo ako ng umubo hanggang sa mailabas ko lahat ng tubig ng nainom ko. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"What the hell did you do!" pasigaw na sabi ni Timothy doon sa lalaki. Ngumisi lang ito.

Dumating din sina Tita Rose at nag-aalalang lumapit saakin.

"Oh my God! Okay ka lang Iyah? Tim.. Buhatin mo siya sa loob."

Binuhat ako ni Timothy papasok sa bahay at nakita kong sinuntok ni Tito Arman yung lalaki.

"Pasensya kana Iyah sa kapatid ko."

"HA?Kapatid mo yun?" Tumango ito.

Totoo nga ang sinabi ni Rita, masama ang ugali nito.

"Manang at Rita, paki-asikaso na lang ho si Iyah. Kayo na ho magpalit ng damit niya. Painumin niyo din siya ng gamot.

Sige Iyah, magpapalit muna ako. Wag kang mag-alala ako bahala sa kapatid ko." binigyan niya ako ng matamis na ngiti bago umalis kaya di ko maiwasang mapangiti din.

"Ikaw ha!" Bigla akong siniko ni Rita at tinutukso-tukso nanaman kay Timothy pagkalabas nito.

"Bakit?"

"Sus! Makangiti ka dyan parang gusto mo si Kuya Timothy.Hahaha"

"Ha? Hindi no! Ngumiti siya, kaya sinuklian ko lang ng ngiti."

"Oo na, oo na! Sabi mo eh, maiba tayo. Ang sama talaga ng ugali ni halimaw."

"Halimaw?"

"Sino pa, eh di yung nagtulak sayo sa pool."

"Ah yung kapatid ni Timothy. Di niya ako tinulak sa pool. Kasalanan ko kung bakit ako nahulog sa pool."

"Ha? Akala namin hinulog ka niya."

"Teka, baka suntukin ni Timothy kapatid niya. Wala siyang kasalanan kung bakit ako nahulog."

"Ay naku Iyah! Talagang baka masuntok yun ni Kuya Timothy. Ano ba kasing dahilan at nahulog ka?"

"Natakot lang ako ng papalapit sakin yung lalaki."

Napasimangot siya at parang naiinis sa akin.

"Gusto mong sabunutan kita Iyah? Ganun pa din yun no! Kasalanan niya kung bakit ka nahulog sa pool. Kung hindi dahil sa kanya di ka sana nahulog."

"Eh di niya naman ako tinulak."

"He! Hayaan mo na. Bad pa rin siya."

Di nagtagal ay nakapagpalit at nakainum na din ako ng gamot.

"Manang, kamusta na ho yung kapatid ni Timothy?"

"Naku Iyah, wag yun ang intindihin mo kundi yang katawan mo. Mukhang lalagnatin ka. Ang init mo."

Nag-aalalang sabi niya. Lumabas siya sandali para daw ipaghanda ako ng basin at lugaw.

Habang nakahiga ako sa kama ay iniisip ko kung bakit parang galit saakin yung lalaki.

"Di kaya minasama niya ang pagtanong ko sa kanya kung sino siya? Kasi artista siya kaya dapat sikat siya at kilala ko. hmm.. Eh wala naman kaming t.v. kaya di ko talaga siya kilala. Haist.",

Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Nagulat ako ng pumasok ang lalaki kanina kaya napaupo ako.

"Bakit ho?" Natatakot na sabi ko.

Imbes na sagutin niya ako ay lumapit siya sakin at marahas na hinawakan ang braso ko.

"Tell me I'm dreaming again!"

Ano bang sinasabi niya. Bakit ko naman yun sasabihin. Namumungay ang mata nito, at naaamoy ko din ang alak sa bibig niya.

"Hindi kita maintindihan."

"P*n******" nagulat ako sa pagmura niya. Alam kong galit ito, pero bakit?

"Bitawan mo ako."

"I miss you again my angel." sabi niya at ngumiti.

Baliw na ata to, magagalit tas biglang ngingiti. Imbes na bitawan niya ako ay unti-unti siyang lumalapit sakin. Bigla akong nataranta , kaya pinukpok ko siya ng unan.

Napahiga siya sakin, na ikinagulat ko.
Hala unan lang nahimatay ganun?

"Araaaay... Ang bigat mo." Pilit ko siyang iniaalis, pero ang bigat bigat ng katawan niya. Narinig ko na

"Ay Diyos ko. Ano ba nangyayari dito."

Buti na lang pumasok si Manang Loreng.

"Manang, patulong ho. Nakatulog ata yung lalaki. Wala po kaming ginagawa. Bigla na lang siyang natumba sakin." pagpapaliwanag ko.

Agad naman na humingi ng tulong si Manang kay Timothy.

"Pasensya kana talaga Iyah dito. Lasing na lasing kasi. Di ko alam na nakalabas pala ng kwarto niya. Ganito talaga to pag lasing kung anu-ano pinagsasabi kaya wag kang matakot."

Sabi ni Timothy habang akay-akay niya ang kapatid niya. Ngayon pa lang makikita mo na kung gaano karesponsableng tao siya.

"Sige matulog kana, wag kang mag-alala babantayan ko to." sabi niya at umalis na.

"Mariyah......" nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko na binigkas nung lalaki. Tulog ito. Ano yun? Panaginip? Bakit bigla niyang nasabi pangalan ko.?

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon