Nine

49 7 0
                                        

"I'm sorry Iyah, napahamak ka pala doon sa hinired kong magtuturo sayo. Ok kana ba?"

"Okay na ako.Sige na magpahinga kana, alam kong pagod ka sa trabaho."

"Okay lang, dito muna ako sa veranda. Gusto ko din magstar gazing."

Tumango na lang ako kay Timothy. Pagkarating niya sa bahay, agad niya akong pinuntahan dito. Alam na alam niya na kung saan ako tumatambay lagi pag gabi.

"Kamusta naman ang trabaho mo?"

"As usual, nakakastress. Pero nakakaya naman."

"Ayaw mo bang magpahinga kahit isang araw lang? Magpahinga ka naman para hindi kana mastress."

"Hahaha. Kung pwede lang talaga. But you know what, that's a good idea. A one day off may be fine. So would you mine if I asked you out tomorrow?" Nagulat ako sa tanong niya, english kasi. Joke. Hahaha.

Bakit niyayaya niya ako lumabas?

"Bakit kasama ako? Di naman ako stress, maliban sa kapatid mong iniistress ako."

"Hahahaha" Tumawa siya ng malakas. Wow! At least kahit papaano napapatawa ko siya.

"You really make me laugh Iyah. Just don't mind my brother. Nagpapapansin lang yun sayo."

"Yun nga eh, nasobrahan na sa papansin. Nakakagigil na."

"Hahaha. You're so cute. Ang cute mo palang mainis."

"Ha... ehh." para akong natameme sa sinabi niya.

"Sige Iyah, pahinga muna ako. Labas tayo bukas ah." Ngumiti ulit siya kaya ngumiti din ako sa kanya. Naglakad na siya papaalis, pero di matanggal ngiti ko.

"Teka... lalabas daw kami bukas? Hala.. Anong isusuot ko.." Bigla akong nataranta.

"Tss..Ang badoy niya talaga."

"Ay butiki ka! Bakit ba bigla bigla kana lang sumusulpot." Sabi ko kay Caleb. Oo siya nanaman.

"Kasi gwapo ako."

Ang yabang niya talaga, di tulad ng kapatid niya.

"Hindi kaya." Sabi ko. Nanlaki mata niya.

"Ikaw pa talaga nagsabi niyan. Tong mukhang to ang hinahabol-habol ng fans."

"Eh di okay. Sige pasok na ako."
tatalikod na sana ako pero hinaharangan niya ang dinadaanan ko.Kada kakaliwa ako, kakaliwa din siya.

"Matutulog na nga ako."

"Alas 7 pa lang matutulog kana agad. Kaya ka nagiging baboy eh."

Tiningnan ko siya ng masama.

"Huwag mo nga ako inaasar. Di ako baboy,tao ako! TAO.."

"Hahahaha.. Pikon na siya kasi totoong baboy siya."

Tiningnan ko siya ng masama, nakaready na ang kamay ko na sabunutan ang bigote niya.

Buti na lang nagring ang cellphone ko. Text ito ni Timothy.

"Ano ba! Akin na yan!"

Itinaas niya ang kamay niya habang ang isa ay hinaharang sakin para di ko makuha ang cellphone ko..

"I bought you dress and sandals. Wear it tomorrow. Nahiya akong sabihin sayo kanina. But it's inside your room now. Goodnight again Iyah.... Yaak ang badoy niya talaga." natatawang sabi ni Caleb habang binabasa ang text sakin ni Tim.

"Bakit ba lagi mo akong inaasar? Para kang bata."

"Sabihin nating, I was born to annoy you." Sabi niya at nagtaas-baba ang kilay niya.

"Ano bang ginawa kong masama sayo?"

Nagkibit-balikat lang siya at naupo sa terrace. Hinahawakan niya pa din ang cellphone ko.

"Your phone is boring. May load ba to?" Sabi niya at parang may tinatawagan.

"Sino naman tatawagan mo, si Tim lang ang may numero dyan."

"Wow Tim! Sweet niyo naman ng kapatid ko." seryoso niyang sabi.

"Iyah...."
seryoso niyang sabi.

"May problema ako." Yung boses niya parang problemado talaga.

"Ano yun?" seryoso kong sabi.

"May gusto akong bilihin sa labas. Alam mo naman artista, pinagkakaguluhan. Pwede bang samahan mo ako?"

"Ganun? pinagkakaguluhan ka pala. hahaha." kahit pala parang ang manong niya ng tingnan dahil sa mahaba niyang buhok na nakatali at may balbas siya ay hinahabol pa rin siya ng mga fans niya.
Parang naasar siya sa sinabi ko.

"Bakit ba parang ang pangit ng tingin mo sakin. Color blind ka ba?".

"Kung color blind ako eh di sana ang tingin ko sayo Avatar. HAHAHAHA."

"Akala ko ba di ka nanonood ng TV."

"Di nga, pero di ko sinabi na walang international film viewing sa paaralan namin.Kaya nga di kita kilala, kasi hollywood celebrities lang alam ko."
Mas lalo siyang naasar sa sinabi ko.

"Okay." Binigay niya ang phone ko at umalis sa pagkakaupo sa terrace.

"Come with me!"

Bigla niya na lang ako hinatak.

"Uy saan mo ako dadalhin?"

"Quiet Manang!"

Natakot ako sa kanya. Kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa garahe nila.

"Get in."

Tiningnan ko lang siya.

"Pasok!" sabi niya ulit.

"O..okay okay! Ito na nga oh papasok na."

Nakaupo lang ako doon sa loob ng kotse niya.

"Fasten your seatbelt."

"Ha ..? Paano ba?"

"Seriously? Ngayon lang ako nakakita ng gaya mo! Let me do it!"

Di naman talaga ako marunong magseatbelt. Kasalanan na ba yun sa mundo? Ito talagang lalaking to, pinamumukha akong walang alam sa mundo, kaasar.

Lumapit siya sa akin.

"Oh ayan na! Ganyan ang pagseatbelt. Nak---"

Natigilan siya sa sinabi niya ng tumingin siya sakin. Ang lapit ng mukha niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko kasi parang natulala siya sa akin.

"Wala, ang pangit mo pala lalo pag malapitan."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Kung makapanglait talaga ang lalaking to akala mo kagwapuhan.

Naupo na siya ng maayos at nagdrive.

"Saan mo ako dadalhin?"

"I will prove you that I am damn hot guy!" pagmamayabang niya.

Saan naman ako dadalhin ng lalaking to? Nakakatakot baka itapon niya ako sa Pasig River dahil nga pikon na pikon na siya sa akin.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon