"Kumusta hija? Nakapagpahinga kaba habang nasa Batanes ka? Nabanggit sa akin ni Tim na pumunta ka daw ng Batanes dahil kailangan mo yun. Okay kana ba ngayon?"
Nagtaka naman ako sa sinabi ni Tita. Ano kaya ang sinabi ni Kyle kay Tim. Tiningnan ko si Kyle, tumango lang ito sakin tila nagsasabi na sakyan ko na lang ang sinasabi ni Tita.
"Ah.. okay na po ako ngayon. Motivated na po ulit ako magtrabaho. Masaya po ako na nabisita ko sina lolo. Pasensya na po Tita di po ako nakapaalam. Ang dami ko lang po talagang iniisip noon."
"It's okay Iyah, what's important now is that you are okay now. Huwag mong solohin ang problema mo. Nandito lang ako, kami. Everytime you feel lonely,tell me. So that I know what to do. Okay?"
Niyakap ko si Tita Rose. Ang swerte ko talaga sa kanila.
"Thank you po Tita."
"Oh sige na magpalit muna kayo pagkatapos bumaba na kayo para makakain na tayo. Baka mamaya parating na din si Tim galing sa Team Building nila."
Tumango ako at naunang umakyat sa kwarto ko.
Nakokonsensya ako na nagsisinungaling at may tinatago ako kay Tita Rose.
Pagkatapos kong maligo ay naghanda ako para bumaba na. Saktong pagbukas ko ng pintuan ay bumungad agad ang pagmumukha ni Kyle. Pumasok agad siya sa kwarto ko.
"Bakit?"
"I feel awkward with my Mom. I think we should tell her."
"Yun nga din iniisip ko eh. Nakokonsensya ako. Kasu natatakot din ako sa magiging reaksyon ni Tita."
Hinawakan niya kamay ko.
"Let's do this together." sabi niya at sabay kaming bumaba patungong kusina habang magkawak ang kamay namin.
Kulang na lang maglupasay ako habang naglalakad dahil ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Ma..."
Nakatalikod si Tita Rose at tumutulong sa paghanda ng pagkain namin.
"Yes anak?"
Bigla siyang nagulat ng makita niyang maghawak kamay kami. Di na talaga ako mapakali.Kahit sina Manang Loreng nagulat. Buti na lang wala pa si Rita.
"What's the meaning of this?"
"Can we talk in private?"
pakikiusap ni Kyle.
Naunang naglakad si Tita Rose. Wala siyang sinasabi pero sinundan namin siya. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.
Siguro ay naramdaman ni Kyle na nati-tense ako kaya mas hinigpitan niya pa ang hawak niya sa akin.
Pumasok kami study room nila.
"Now both of you explain!"
"Ahm.. Tita..."
Hindi ko mahanap ang salita na dapat kong sabihin..
"We are sorry Ma. We lied."
"Tita, sorry po. May gusto lang po kaming aminin ni Kyle. Di ko po kaya na magsinungaling sainyo. Lalo din po si Kyle. Kasi po ...ano eh.. kasi..."
"Iyah, loosen up. Huwag kang kabahan. Ako lang to. Ano ba yun?"
Napabuntong-hininga ako. Kinakabahan talaga ako.
"Ma.. Me and Mariyah, we are dating for real."
Buti na lang sinalo ako ni Kyle.
"Yun nga po." yun na lang talaga ang nasabi ko.
Hindi ko mabasa ang reaksyon ni Tita Rose. Di siya sumasagot.
"It was my fault why she was in Batanes. I forced her. I was so jealous that's why I did it. I took the chance also to make her fall in love with me."
"Is that all?"Sabay kaming nagkatinginan ni Kyle.
Yun lang? as in hindi niya kami papagalitan?
"Ahm ..opo. Sorry po Tita."
"Kailan pa naging kayo?"
"Kahapon lang po?"
"How did it happened?" ako na ang sumasagot kay Tita Rose.
"Ewan. Bigla na lang din po na narealized kong mahal ko na siya."
"ahahahahahahaha. Kinikilig ako. Tell me more about it later Iyah ha."
Bigla akong napanganga. Hindi siya galit? As in? Tawa ng tawa si Tita Rose na parang kinikilig nga.
"You're not mad Ma?"
"Why would I? Ang saya ko nga eh kasi pangarap kong isa sainyo ni Tim ang magustuhan ni Iyah. Hahaha. Actually I am hinting you earlier na you have secrets. It's very obvious. Oh my. Your dad needs to know this."
"Pero Tita.. Kasi ganito yun, we agree together thay we should keep our relationship secret. Ok lang po ba na tayo lang po muna dito sa bahay?"
"I understand Iyah. But your Tito needs to know this also. Tiyak matutuwa yun dahil gustong-gusto ka niya para sa anak namin. I remember one time nagpustahan pa kami kung sino makakatuluyan mo. Buti na lang at may kinahantungan ang pustahan namin ng Tito Arman mo. Hahahaha. And guess what I was right that you will fall inlove with my Kyle Caleb."
"Paano po si Tim?"
"Don't mind him.He's a brave man. Alam ko naman na alam niyang magugustuhan mo din ang kapatid niya. Don't worry we will keep this to our family only."
Di ko na napigilan at lumapit ako kay Tita Rose at yinakap siya ng mahigpit.
"Salamat po Tita. Ang swerte swerte ko po sainyo."Niyakap niya naman ako ng mahigpit.
"Mas maswerte kami sayo Iyah. Oh siya, tayo na at kumain na. Gutom na gutom na ako. Kayo talagang dalawa may pasuspense pa kayong nalalaman sa pag-amin. haahaha."
Niyakap din ni Kyle ang Mama niya.
"Thank you Ma!"
"Big boy na talaga ang bunso ko. Inlove na talaga siya." Natutuwa ako sa nakikita ko ngayon.
Sabi nga nila, mahalin mo yung taong mahal din ang magulang niya dahil sila ang mga taong marunong magmahal at nagpapahalaga sa relasyon.
Atleast dito man lang sa bahay ay hindi namin kailangan magpanggap.
Marami pa kaming pinagkwentuhan.Masaya naman ako na natanggap agad nila ang relasyon namin.
-------------------------------
Nakahanda na ako sa pagtulog. May pasok nanaman ako bukas. Paano ko kaya haharapin sina Kristina nito bukas. Bahala na nga. Tinext ko si Kyle na matutulog na ako. Sabi niya kasi kanina, hihintayin niya daw sina Tito .Siya na daw bahala magpaliwanag.
Bigla akong nagising ng may yumakap sa likuran ko. Tiningnan ko ang oras, alas 12 na pala so meaning kanina pa ako nakatulog.
"Mmm...sleep..."
saad niya. Paano ba to nakapasok sa kwarto. Humarap ako sa kanya. Nakayakap pa din ito
"Bakit ka nandito?"
"I want to sleep beside you." saad niya pero nakapikit pa din ito. Mas lumapit siya sakin. Nakaharap na tuloy ako sa leeg niya. Mas niyakap niya din ako.
"Please sleep. I'll be leaving at 3:00 a.m."
Tumango na lang ako at natulog na din. Minsan nakakatakot maging sobrang saya kasi di mo alam kung anong sunod na mangyayari. Whatever the future holds, I will enjoy whatever God has given me. Like Kyle, hindi ko alam kung habangbuhay kaming ganito but I want it to be like this forever. Sana.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...
