Thirty Four

35 7 23
                                        

"Ang busy ng boss namin ah. Take a break Madam President, do not pressure yourself."

"Kung nandito ka ulit Ethan para mangulit, umalis kana lang ah. Busy ako."

"Opo Madam Pres. lalabas na po. Just take your snack ha. Huwag kang mag-alala, wala yang gayuma."

"Hahaha. Well, thank you Mr. Accountant for always bribing me." tumawa din siya saka lumabas.

Saktong papasok din si Canary.

"Maam, may flower delivery ulit po galing kay Sir Kyle."

"As usual ibalik mo."

Nalungkot si Canary at lumapit sakin.

"Halos isang linggo na po ninyong pinapabalik ang mga pinapadala ni Sir Kyle. Magkaaway po ba kayo?"

"Hindi naman. Umiiwas lang ako."

"Hala, bakit naman?"

"Wala lang."

Pagkatapos kong malaman na may girlfriend na siya, umiwas na ako ng tuluyan simula ng dumating siya. Pinalitan ko din ang cellphone number ko.

Tuwing dadating siya sa bahay ay nagtutulug-tulugan na ako at tinutulungan naman ako ni Rita sa mga alibi ko.

Sa opisina naman tuwing pumupunta siya ay pinapasabi ko kay Canary na may meeting ako palagi at wala akong bakanteng oras. Kahit tuwing tatawag din ay pinapasabi kong busy ako at may kausap palagi sa office.

Biglang bumukas ang pintuan at nagulat ako sa pagpasok ni Kyle.

Nakakunot ang noo nito.

"Can you please leave us for awhile Canary?"

"No Canary! May meeting ako diba?"

I signal her na parang sinasabi na makisabay na lang siya sa kasinungalingan ko.

"Ah...O-oo. Meron po siyang meeting."

"Can you stop making stories. I'm not stupid to be fooled., Tss.,"

Natakot si Canary sa biglaang pagsigaw ni Kyle. Kaya pinalabas ko na lang muna siya.

Umupo ako at nagkunwaring may ginagawa sa laptop ko.

"Bakit ka nandito? May kailangan ka?"
tanong ko habang nakatingin sa laptop.

That's right Iyah, give her the best cold treatment that he deserves.

"Are you avoiding me?!"

Tumingin ako sa kanya.

"Ako? Haha. Nagpapatawa ka ba? Bakit naman kita iiwasan?"

"Hindi ko alam sayo!"

"Can you please stop shouting at my office?"

"I can do whatever I want."

"Bakit ba nagagalit ka? If you're just here, to disturb me. Umalis kana lang."

"Wow! Just wow. Look at you now. Just because you are now a President, you can say that to me." then he smirked.

"I am saying this because we are not at your house. Tsaka ano ba ang ikinagagalit mo!" di ko na din napigilan at napasigaw na ako.

Naglakad siya papalapit sa akin..

"Tell me, why are you avoiding me!?"

Lumapit siya ng sobrang lapit sakin.

Napalunok ako dahil amoy na amoy ko ang pabango niya. Bagong shave din siya at bagong gupit ulit ng buhok.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon